Chapter 6

3 0 0
                                    

Chapter 6 - Walang Pake

Kabado ngunit masaya akong papasok sa school ko para sa Senior High School. De La Salle University.

Sa pagtapak ko pa lang sa loob ng Unibersidad, ramdam na ramdam ko na agad ang halo-halong tensyon ngayon.

Naninibago ako dahil ibang-iba ito sa school namin noon sa probinsya. Pamoso at kilalang school ito tapos punong-puno pa ng mga magagarang tao. Ewan ko ba kung bakit dito pa ako pinag aral nina Daddy eh pakiramdam ko ang hirap makipagsabayan sa mga rich kid na estudyante dito.

"Reyes, Ma. Callie Adrianna" tawag ng guro sa akin upang malaman kung present na ba ako.

Tumayo ako at nagpakilala.

"16 years old po. From Righteous College. STEM dahil po gusto kong maging Doctor soon."

Kasunod namang nagpakilala ang ibang mga magiging kaklase ko na.

Kinakabahan ako pero keri lang. Nakakapanibago lang talaga kasi wala talaga akong kakilala dito. Pakiramdam ko ang lungkot kasi wala yung mga maiingay na sina Alex, Cheska.

"Uyy!"

Nagulat ako kasi biglang kinulbit ako nung katabi kong babae. Maganda siya, maputi, tapos mukhang ang hinhin.

"Uyy, hi!" sagot ko dito at ngumiti. Hindi ko inaasahang may papansin pala sakin. Hindi kasi ako yung tipo na ako yung unang kakausap, mas komportable ako dun sa sila yung unang papansin sa akin bago ako tuluyang makipagdaldalan sa kanila.

"Katherine nga pala! Mukhang antahi-tahimik mo ah!" sabi niya sakin.

Tumawa ako ng bahagya. "Oo nga eh. Wala pa kasi akong kakilala dito." Sabi ko na lang at ngumiti.

"Ayy, don't worry, welcome ka naman dito. Tsaka di ka ma-oop. Kung tingin mo parang sobrang ngang gara dito, jusko, masaya naman!" sabi niya.

Based on her self-introduction kanina, dito din siya nag-aral nung junior high school kaya niya ata ako sinabihan ng ganon.

"Wait, mamaya, pakilala kita sa mga friends ko para naman hindi ka na malungkot diyan. Hahaha, sorry medyo feeling close ako but I feel na gusto kitang maging friend." Sabi muli ni Katherine sa akin.

Natuwa ako sa mga sinabi niya kasi kita ko na agad na ang bait niya at mukhang madaldal kahit yung mukha niya, napakahinhin.

Nung matapos na yung class na halos puro pagpapakilala lang sa mga sarili, naglabasan na yung mga kaklase ko and sabi ni Katherine sumabay na daw ako sa kanila nung mga friends niya na kaklase ko lang din. Sadyang napalayo lang talaga ng upuan sila kanina.

Nakita kong nagsilapitan na yung tatlo pa niyang kaibigan. Yung isa, halatang gay which is nakakatuwa kasi pangarap ko na talaga dating magkaroon ng kaklaseng bading and ngayon, eto na siya, Max yung name. Tapos yung isang girl na ang tangkad, mukha siyang mga pang laban sa pageant, Jillian naman yung name and yung isa naman is nakasalamin siya na mukhang matalino, her name is Yen.

Nakakatuwa lang kasi ang ganda ng bungad sa akin ng La Salle dahil hindi na yata ako dito magiging loner.

Nagpunta na kami sa canteen and hanggang maglunch pinasabay na nila ako sa kanila.

"So, mabuti na lang dito ka nag-aral. Maganda naman dito. Sadyang maarte lang yung school, mahal. Hahaha" Sabi ni Yen.

"Oo nga eh. Wala eh, gusto ako dito pag-aralin ng magulang ko at para diretso na daw sa College." sabi ko naman.

"Yes, sabagay! Tsaka di ka naman magsisisi dito, bukod sa maganda na ang turo, teh! Ang daming papi dito!!" sabi naman nung bading na si Max.

"Baklang 'to! Wag mo naman bahiran ng kakirihan mo si Callie!" sabi ni Jillian, yung mukhang pang-pageantm

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When He Fall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon