Chapter 4

13 0 0
                                    

Chapter  4 - Picture

Wise men say
Only fools rush in
For I can't help
Falling In love, with you

Nag-umpisa na ako sa pagkanta. Placid and soft ang aking boses, kinanta ko ito ng maayos at masaya.

For I can't help
Falling In Love with you

Ang saya pala sa pakiramdam na kapag magpeperform ka, mapapangiti mo ang mga tao. Ang sarap makita na ikaw ang nagsisilbing dahilan sa pag ngiti nila kahit saglit lang ang ginawa mo.

Habang kinakanta ko ito, sinasamahan ko ito ng ngiti at saya sa aking mukha dahil minsan lang ako makapagperform ng ganito sa harap ng mga kabatch ko at lalo na sa harap ng taong gusto ko.

Kaso, naiinis ako sa sarili ko. Ang oa ko na siguro kasi palagi ko na lang hinahanap at gustong masilayan si Ivan.

At nang matagpuan ngang muli ng aking mga mata ang kanyang presensya, nagulat ako kasi for the first time, napansin at natingnan niya akong muli.

Napaka seryoso ng mukha niya, ibang-iba sa mukha na nakita ko kanina habang magkasama sila ni Kass. Pero kahit ganoon, ang gwapo pa din niya sobra.

"Okay, let's give her a round of applause for her wonderful voice and also for her, as one of the beautiful faces I've seen today, simplicity is beauty talaga iha." Sabi nung emcee at ngumiti sa akin.

Grabe, ngayon lang talaga ako nasabihan ng ganito. Kasi sa pagkakaalam ko, wala pang nagsasabing maganda ako, except kapag biro. Pero sana, hindi iyon biro at sana totoo talaga yun.

"Thankyou po!" Sabi ko dito at nginitian din siya pabalik at bumalik na ako sa pwesto ko.

It's already 1:30 am and inaantok na ako, tutulog na sana muna ako habang nakalagay ang aking mga kamay at ulo sa lamesa pero bigla akong tinawag ni Alex.

"Callie, samahan mo ako sa cr." Utos nito.

At dahil trip ko din namang pumunta sa cr, sumama na ako.

Nagretouch si Alex at ako naman ay nakatunganga lang. Wala na akong pake kung matanggal make-up ko, di naman kasi ako nagmake-up talaga ng bongga.

Nang makalabas na kami ng cr at babalik na sa upuan ko, muli ko na namang nakita sina Ivan at Kass.

Nakapatong ang ulo ni Kass sa mga balikat ni Ivan habang nakaakbay si Ivan dito at pinagmamasdan ang mukha ni Kass habang natutulog. Maya-maya pa ay parang iniayos ni Ivan si Kass ng pwesto kaya nagising ito at tinanggal ni Ivan ang kanyang itim na coat at siyang ibinalot kay Kass at si Ivan na mismo ang nagdala kay Kass sa mga balikat nito at inakbayang muli habang ang ulo din ni Ivan ay nakapatong din sa ulo ni Kass.

Nilampasan ko na lang din ng tingin at bumalik na ako sa upuan ko.

Mas maigi pang itulog ko na lang muna ito, mawawala din yung sakit na nakita ko kanina.

And correction, hindi ko karapatang masaktan. Gosh. Ayaw ko na magkagusto kay Ivan please, may jowa na siya and ayaw ko na magkacrush sa kanya.

Bumalik na lang ako sa aking pwesto at umub-ob na lang upang matulog. Hindi na alintana ang ingay ng paligid dahil sa mga background songs at sa mga nagd-dj at nagpaparty sa gitna.

Sabi nila, sa high school life, ang best day at memorable day mo ay ang prom, pero I can't feel that it is the most memorable day in my High school life. Parang wala lang din, ang boring din, hindi katulad ng iba na nagsasayaw at may kapartner sa dance floor. Mine, just nevermind.

When He Fall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon