Chapter 3

26 0 0
                                    

Chapter 3 - Perfect

"O-okay lang! Hindi naman masakit kaya okay lang yun!" Sabi ko sa kanya at ngumiti ako. Tinatago ang kilig na nararamdaman ko sapagkat magkausap kami ngayon.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan na iimik din siya sakin. Ganito pala ang feeling na kausapin yung crush mo. Yung parang hiyang-hiya ka sa sarili mo, kung ano ba hitsura ang nakikita niya habang kaharap ka niya, kung ano ba ang pananaw niya sayo. Pero ansarap sa pakiramdam, feeling ko, sumigla lalo ako sa pagpapractice ngayong araw na 'to.

"Ah sige. Alis na ako ha." Biglaang sabi nito at iniwan na akong mag-isa dun at tumakbo patungo sa malapit sa ring ng basketball.

Sinundan ko iyon ng tingin at napakunot ang noo ko sa nakita ko.

Nakaupo yung mga ka-team ni Ivan malapit dun sa ring in a circular position. Tapos pagkarating ni Ivan, nagtawanan sila at pansin ko din kay Ivan na tumawa din siya habang inaapiran ang mga kateam-mate niya.

Napansin ko na mayroong bote silang pinapaikot at tuwang-tuwa halos lahat sila. So what was that? A dare? Ano yung ginawa ni Ivan kanina, scripted? So habang magkausap kami pinagkakatuwaan nila? At hindi totoo yung sorry na ginawa niya? Napilitan lang siya? Damn. Anong klaseng trip yun ha?

Iritado akong bumalik sa pwesto namin at pumunta kina Alex.

"Anyare sa practice mo? Bakit parang inis na inis ka naman?" Tanong ni Alex na hindi alam ang pangyayari kanina kasi may sarili silang mundo.

"Wala." Sabi ko sabay umupo na lang at tumitig sa kawalan.

"Bakit parang napapansin ko, this past few days, palagi ka na lang masungit? Anong nangyayari sayo beh?" Tanong naman ni Chesca.

Kaya nga, ngayon lang naman ako nainis ng ganito, gusto ko na maging masaya na lagi ulit, yung hindi naiirita. Nakakaiirita kasi e, magsosorry siya, pero dare lang naman pala.

"Ay kasi naman." Sabi ko sabay pout.

"Ano ba nangyari? Uupakan ko yang mga yan! Sino yan ha?" Sigang sabi ni Alex. Napakaligalig talaga nito kahit kailan e.

"Wag mo papatulan, yaan na lang natin, nakakainis lang." Sabi ko ng mahinhin na. Ayako na talaga magalit, pinipigilan ko na, kasi kung malaman pa ng iba yung dahilan, baka pagtawanan pa ako kasi napakababaw ng dahilan.

"Ano ba kasi yun?" Chesca.

"Si Ivan kasi." Blankong sabi ko.

Biglang tumawa si Alex.

"Sinasabi na nga ba eh!" At tumawa muli siya. "Oh ano ang ganap?" Tanong muli nito.

"Diba kanina, tinamaan ako ng bola?" Sabi ko.

"Oo, at si Ivan nakatama sayo." Sagot ni Chesca with full detail. Ang sagot lang naman ay oo o hindi, kinumpleto pa talaga.

"Ayun, hindi nagsorry sakin kanina nung natamaan ako, instead, yung kateam pa niya--"

"Ang babaw mo talaga bes." Sabi pa ni Alex.

"Luh, hindi pa ako tapos magsalita eh, paepal ka talaga kahit kailan." Sabi ko.

"Oo nga Alex, patapusin mo muna." Sabi ni Chesca. Kahit kailan magkabaliktad talaga ugali nitong dalawang 'to.

"Eh kasi naman, akala ko sincere yung paghingi niya ng sorry tapos makikita ko na lang, mukhang dare lang. Sana hindi na lang siya nagsorry, nakakainis." Sabi ko habang napakunot ang noo ko.

"At least!! At least nagsorry!" Reply ni Alex at tumawa na naman.

Hays naman to.

"Eh iba nga yung dating sa kanya, hayaan na lang natin." Sabi ni Chesca.

When He Fall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon