Chapter 1

27 0 0
                                    

Chapter 1 - Textmate

"And Angelo, you will be partnered to Callie." sabi ng PE teacher namin kaya't lumapit na sakin si Angelo. Dance troupe din siya from the other section pero di siya ganoong may hitsura unlike Ivan.

Nagsimula na kami muling magpractice. 2 hours again tapos nagdismissal na.

"Callie! Sabay na tayo!" Sigaw sakin ni Alex habang inaayos yung gamit niya. Si Chesca naman, di talaga nasabay kasi walking distance lang naman yung bahay nila from our school.

Tumango na lang ako at isinakbit yung bag ko sa likod habang hinihintay pa si Alex matapos sa ginagawa niya.

Nakatayo lang ako habang nag-aantay nang hindi maiwasan ng mga mata kong hanapin ang vision ni Ivan. Pero hindi ko na makita kasi uwian na naman at paniguradong umuwi na din yun.

Bigla na namang nagpop-up sa utak ko yung pangyayari kanina kahit ako lang ang nakakaalam sa ginawa ko. Kahiya-hiya talaga.

"Tara na!" Yaya ni Alex nang natapos na siya sa wakas.

Paglabas namin ng court at mag-aabang na lang ng jeep, buti, hindi natagalan sa jeep at maluwag pa ying nasakyan namin. Inabot ko na yung bayad ko kay Alex at diniretso ko na lang sa labas ng jeep yung atensiyon ko.

Tumigil yung jeep at may mga sumakay. Napatingin kami ni Alex nang marinig namin yung puro boses ng mga pamilyar na lalaki.

Habang paakyat sila, I saw Ivan. Umakyat din siya sa jeep. He didn't saw me. Bigla akong kinabahan. I don't know why. Dahil ba sa kaba na kasabay ko yung taong kanina lang nakapag-attract sakin? Damn it. It shouldn't be. Eh hindi niya nga ako kilala kaya anong mapapala ko.

Nang matanaw ko na ang bahay namin, agad na akong nagpara.

"Bye Callie!" Alex.

I opened our gate and noticed na parang may bisita. Pagkapasok ko doon, tama nga ako. May mga tao dun sa loob na kasama si Kuya, mga kateam niya yata. Napatingin lang ako sa kanya tapos bigla kong napansin yung isang lalaki na mestiso na parang hawig ni Ivan. Hindi kaya kuya niya yun? Ay nako. Baka naman dahil lang 'to sa kanina. Tsaka anong pake ko kung kuya niya yun? Wala naman akong mapapala.

Dumiretso na lang agad ako sa kwarto ko para makapagbihis na.

Kinuha ko yung phone ko at nagopen ng twitter.

Biglang bumungad sa timeline ko iyong tweet nj Kass at ito ang nakaagaw ng atensyon ko.

@Kassandrapark: My header says it all.

Bigla akong nacurious, so i clicked her profile at nakita ko yung header niya which is habang nagsasayaw sila ni Ivan kanina and leche, naging photobomber pa ako kasi nasa unahan nila ako.

I guess crush niya nga siguro yun kasi nang makalapit kanina si Ivan kay Kass, inaasar silang dalawa ng iba kong kaklase. Hindi naman siguro sila agad kasi sa pagkakaalam ko, hindi sila close ni Kassandra kaya crush nga lang talaga ni Kass si Ivan.

Hinayaan ko na lang yung nga nakita ko sa pangsstalk ko. Itinabi ko muna yung phone ko para mag-aral na muna.

"Callie!" Biglang tawag ni kuya sa kwarto ko habang kinakatok niya iyon.

Binuksan ko iyon upang malaman kung anong sadya niya.

"Luto ka nga ng baked-mac. May ginagawa lang kami e." Utos nito sakin.

"Nag-aaral pa ako dito e." Reklamo ko.

"Dali na, busy kasi ako." Pleased.

"Aah naman. Nanonood nga lang kayo diyan ng TV. Tsk." Reklamo ko at inis na lumabas at bumaba ng kwarto.

When He Fall (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon