Chapter 16

134 3 0
                                    

Charl’s POV

Matagal-tagal na din akong hindi nakapag salita at nanahimik ah . . .hmm

Paki amoy nga ng hininga ko. Baka mabaho na e. ni hindi man lang ako ng ka POV ng ilang chapters ang damot kasi ng Author . >_< peace po ^_^

Heto nga pala at papunta ako sa isang coffee shop na malapit lang sa pinag tatrabahohan ko, nag text kasi itong kaibigan kong si Louise, akala ko nga e patay na ito, ni hindi man lang nag paramdam sa akin ng ilang araw, busy seguro hahah

                “LOU! Kamusta ka na pre? Ang tagal na natin na hindi nakapag-usap a, ano na nangyari sa’yo?”

                “ok lang naman ako Charl, hmmm Ikaw? Kamusta ang mga plano mo sa ginagawa mong design ng isang bahay sa Baguio? Nakapunta ka na ba doon?”

                “hmmm wala e umurong ang client naming, kapos daw kasi sa budget kaya ayon wala nalang daw muna, pero kung tinatanong mo naman kung kamusta na ako, e siempre ang masasabi ko e ITO GWAPO pa din naman. Hahaha”

                “lakas ng hangin Chrysarobin ah, anong nakain mo?”

                “wala pa naman, yan e kung may balak kang pakainin ako, baka lumabas na ang hangin sa utak ko hahaha”

                “ang loko mo talaga! Tara mag order muna tayo”

Hmm? Naku naman mukhang dangerous ngayon si Louise ah, ni wala akong narinig na tadyakan, sipain, batukan, eh tulak sa mga pananalita niya ngayon a.? hmmm may nag bago seguro sa ilang araw na nawala ito, baka na realized niya na na bagay kami? Hahaha joke lang po, hindi kami talo ng best bud ko na ito noh.

                “by the way Lou, kamusta pala ang party na dinaluhan niyo ng papa mo?”

                “ok naman, at mukhang may pagkaka-abalahan naman ako ngayon”

                “talaga lang ha, ano naman yun?”

                “babae”

                “huh? Playboy na dating mo niyan?”

                “anong pinag sasabi mo diyan? Sabi ko babae na ang pagkakaabalahan ko habang hindi pa ako nakaka akyat, in short my niliigawan na ako”

                “aaahhh yun naman pala e, hmm sino naman ang malas na babaeng ito?”

                “sumosubra ka na Chrysarobin a, MALAS kaagad? Ang sabihin mo swerte niya kasi nabihag ako sa kanya”

                “naku swerte daw? Sus ni hindi mo nga pinapakilala sa mga magulang mo ang mga magiging gf mo e, ito pa kaya?”

                “mmm kasi Charl, kakaiba siya sa lahat ng babaeng nakikilala ko e, tignan mo almost na naging gf ko ay napaka possessive, demanding kung minsan at parang flirty pag dating sa akin pero sa akin lang naman, pero siya, hmmm eh hindi e, parang magkaibigan lang kami”

                “natural magkaibigan, ni hindi ka pa nga niya sinasagot e natural ganyan yan umasta sa iyo,”

                “hindi e, at isa pa siya yung babaeng nakabanggaan ko sa mini bookstore, natatandaan mo pa ba ang ikinuwento ko noon sa iyo tungkol sa babaeng ito?”

                “a si miss ganda? Oo naman, ipakilala mo naman ako sa kanya LOU para maagaw ko naman kahit papano hahahaha”

                “kung ibuhos ko kaya ang kape na iniinum mo sa ulo mo ha!?”

Break a Fragile Heart (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon