(Rhie’s POV)
Kanina ko pa na no-notice na parang hindi okay sina Aaron at Ayieza, hindi kasi sila nag kikibu-an.
mamayang hapon ay uuwi na kami pero parang may problema yong dalawa.
“Love? Bakit parang hindi okay sina Ayie at Aaron ngayon?.? Ano kaya ang problema nila? Baka nag away silang dalawa”
“seguro nga din. Pero hindi naman natin alam ang dahilan, kaya hindi naman seguro maganda na makisawsaw tayo sa problema nila?”
“pero kaibigan ko si Ayie, ayoko siyang nakikitang hindi okay, sana nga e walang problema”
“mag extend nalang tayo ng isang gabe, bukas ng umaga nalang tayo uwi”
“oo segi”
Papunta ako ngayon sa sala para kausapin silang lahat na bukas nalang ng umaga kami uuwi, nakausap ko na din sina papa at mama, pati na rin ang driver naming na magsusundo sa amin.
“guys, sorry ha, pero ma dedelay uwi natin e,”
“bakit naman besties?”- Elza
“wala kailangan lang ni manong umuwi sa probinsya niya ngayon, kasi may emergency, alam naman nina mama na bukas nalang tayo uuwi, bukas ng umaga”
Kinagabihan ay nag tipon din kami sa hapag kainan upang kumain na ng sabay at matulog dahil maaga pa kaming uuwi bukas,
“segi guys, mauuna na akong pumasok ng kuwarto inaantok na kasi ako” – Elza
“ako din”- sabi naman ni ZEl
At sumunod na din ang iba,
“Ayie, hindi ka pa ba matutulog?”
“ay. Mamaya nalang Rhie, busog na busog pa kasi ako e”
“okay, goodnight dear”
“goodnight . .^______^”
(Ayieza’s POV)
Ano ba ito, kanina pa kaya ako inaantok, ayoko lang pumasok sa kuwarto at doon matulog, andoon na kasi si Aaron
Saan na lang kaya ako matutulog?.?
Ah!.! Sa sofa na lang sa sala, antok na antok na kasi ako, wala namang lamok dito . .^_^
Buti na lang at wala ng lumabas pa sa kuwarto nila
Inantok din yung mga yun, nag enjoy kasi kaming lahat kanina sa pamamasyal.
Makatulog na nga lang . . .
(Aaron’s POV)
Nasaan na si Ayie?.? Hmmm ba’t hindi pa yun pumasok sa kuwarto?.? Ang babae talagang yun
diba okay naman kami? Hindi ko naman kasi sinasadya kanina,
shet! Lang talaga. Naiinis na ako sa sarili ko, ba’t kasi napag taasan ko pa siya ng boses kanina at inaway
kilala ko naman kasi ang girlfriend ko na yun, masyadong madamdamin na babae, makalabas na nga lang muna tingnan ko kung ano pa ang ginagawa niya
Palakad-lakad ako ngayon sa labas ng mga kuwarto. Tulog na nga seguro ang lahat, ang tahimik na e
Inuna kong pinasok ang hapagkainan
“ou iho, ba’t gising ka pa?”
tanong sa akin ni manag Lydia na nag aayos ng mga plato sa kinalalagyan
“hinahanap kop o kasi si Ayieza manang, hindi pa po kasi siya pumasok sa kuwarto namin”
“aaa yun ba? Kanina pa isya umalis dito a, baka nag pahangin seguro sa labaS”
“gabi na kaya, ba’t pa siya lalabas e ang dilim na, segi manang hahanapin ko nalang po, gabi na kasi, hindi pa siya natutulog, e pagod yun kanina sa pamamasyal”
“concern ka talaga kay Ayieza ah”
“mahal ko kasi siya manang kaya concern ako sa kanya ^_^, kaso baka hindi na niya ako mahalin sa ginawa ko kanina L ”
“ma walang galang mo na iho, ano ba ang ginawa mo?”
“napagtaasan ko po siya ng boses kanina, nag talo po kasi kami, kasi nakalimutan niya kung saan niya nalagay ang CP ko na hiniram niya, nandoon po kasi lahat ng contacts ko sa BAR naming”
“naku, ba’t naman ganun ang ginawa mo iho? Alam mo ba kung ano ang mararamdaman ng babae pag ganun?”
“hindi po”
“mas mahalaga sa iyo ang CP mo compare sa kanya”
“nag sorry naman po ako kanina manang”
“oh? Anong sabi?”
“okay na daw po, naintindihan niya”
“segurado ka ban a okay lang talaga siya sa pagkakakilala mo sa kanya?”
“seguro po, tumatawa naman po kasi siya”
“sa tingin ko iho hindi.”
“ganun po ba manang? Kinakabahan na nga po ako, baka galit pa rin po siya sa akin, hindi niya lang pinapakita, yun po ang ikinatatakot ko, na baka sa huli e lumayo na siya sa akin. Naranasan ko na din kasi yan noon sa amin, na nag away kami, hindi ko siya nakita for 10 months, sobrang nalungkot po ako noon. talagang hinanap ko siya sa buong Paris, nag effort ako na mag sorry, mahal ko po kasi siya talaga, ayokong mawala pa siya ulit sa akin”
“ouh? Ano pang hinihintay mo? Hanapin mo siya at kausapin ng mabuti, ang sorry ay hindi sapat sa bawat pagkakamali iho”
Umalis agad ako sa kinaroroonan ko para hanapin si Ayieza.
O.O ba’t dito siya natulog?
Nagulat ako ng Makita kong tulog si Ayie sa sofa sa sala, galit nga talaga siya sa akin, ni pagtabi sa tulog ayaw na niya akong katabi. Nasasaktan ako sa mga iniisip ko. Parang nandidiri na si Ayieza sa akin.? Huwag naman sana.
Hinipo ko ang mga pisngi niya.
“Ayieza? Ba’t dito ka natulog? May kuwarto naman tayo. Ganyan ka ba ka galit sa akin? Sorry na ouh.”
Para akong tanga. Kinakausap ang tulog
“Ayie, akoyong mawala ka pa ulit sa akin. Mahal na mahal kita Ayieza”
Hinalikan ko siya sa noo niya.
Binuhat ko na siya nag madahan at dinala sa kuwarto namin. Kung alam niya lang sana ang meaning nag pag-buhat ko sa kanya, yun e akin lang siya. At mahal na mahal ko siya. Akin lang si Ayieza
Habang naiisip ko ito, bigla nalang tumulo ang luha ko.
Inihiga ko na siya sa kama at sa sahig nalang ako natulog. Seguro nga e ayaw niya akong katabi.
AYIEZA, I’M SORRY. PLEASE FORGIVE ME
ang huling ibinulong ko sa kanya bago ako natulog.
BINABASA MO ANG
Break a Fragile Heart (Editing)
RomanceSa kuwentong ito maari kayang mabago ang mga pananaw natin sa pag-ibig? O puwede kayang makuha ang salitang BANG at BLEED na nakaugat sa pag-ibig? Puwede kayang magpatawad at magbigay ng “second chance”?. Maraming katanungan ang pu-puwedeng maitanon...