(Elza’s POV)
Ayun yun eh at pinayagan na ako nina mama . ^_^ segi nga matawagan na nga muna si Louise. . .
calling . . .
Calling . . .
Calling . ..
. .
“Hello Elza. .” (masyadong Masaya yata ang boses nito ngayon? Haha
“ah. Eh hello Lou. Pinayagan na pala ako nina mama na mag dinner sa inyo bukas hehehe punta nalang ako dyan ano bang address?”
“hehe mabuti naman kung ganun . wag ka na mag-alala susundiin nalang kita sa inyo para mapagpaalam kita ng personal sa parents mo “
“ha? Talaga! Segi2x hintay nalang ako ditto bukas salamat ng marami”
“sure no worries basta ikaw. Miss na kita e.”
“ha!!!!!!!! 0_0 miss?” (lub dub lub dub) {puso manahimik ka miss palang yan wag OA!]
“oo naman miss na kita. Pano ba yan? I’ll see you tomorrow punta ako by 7 pm”
“segi ^_^ thanks and goodnight”
“goodnight din. I miss you ^_^”
Tototototottotototoototot (sound effects yan)
Hehe binaba ko na magulo na masyado puso ko eh. Ba’t ganito to? I miss you lang naman sinabi niya ah wala pa namang I love you. Hehe pero. Parang unti unti na akong nahuhulog sa kanya kahit ilang araw palang yung panliligaw niya . I’m soooo inspired!
- KINABUKASAN –
(Louise POV)
Ewan ko nga ba ba’t ako masyadong excited na Makita si Elza. Basta ang alam ko lang miss na miss ko na sya ngayon e ewan hindi ko malaman ang gagawin ko e. ito at on the way na ako papuntang bahay nila hehehehe don’t worry people naka set na yung bahay naming at! Alam naman nina papa at mama ngayon na my nililigawan na ako pati yung mga kapatid ko sinabi ko na din at ayun nagulat si mama., e sino ba naman ang hindi magugulat eh ngayon lang ako nag share kina mama ng ganun eh. .
At meron pa pala akong hindi naikukwento sa inyo tulong sa past ko next time nlng yun people ha. Heto na kasi ako at papasok na sa subdivision nina Elza . . .
Ito at nag do-door bell na ako. . . . .
Binukasan naman ako ng isang middle age woman.
“Sino po sila sir?”
“magandang gabi po, andyan po ba si Elza? Pakisabi si Louise po”
“manang Gina? Sino yan?” (mama yata ni ELza ang nagtanong di ko kasi Makita kasi papalabas yata ng door nila)
“Louise daw po mam
“ay ako na dyan”
“Ma’am good evening po” (hehe at siempre nag mano ako)
“Louise iho. Naku pasok ka muna nag-aayos pa si Elza eh”
“ah Segi po ma’am”
“haha ano ka ba ilang ulit ko na bang sinabi na tita nalang itawag mo sa akin anak hehe”
BINABASA MO ANG
Break a Fragile Heart (Editing)
RomanceSa kuwentong ito maari kayang mabago ang mga pananaw natin sa pag-ibig? O puwede kayang makuha ang salitang BANG at BLEED na nakaugat sa pag-ibig? Puwede kayang magpatawad at magbigay ng “second chance”?. Maraming katanungan ang pu-puwedeng maitanon...