(Aaron’s POV)
Nababad trip ako ngayon kay Ayie.
Ewan naiinis ako. Ni hindi niya alam kung saan niya nilagaw CP ko. Ito tuloy at nag-aaway kami ngayon.
“asan mo na kasi Ayie?.? Diba hiniram mo?! Hinihiram mo na nga tapos hindi mo pa alam kung saan mo na nilagay. Importante yun Ayie! Alam mo ba yun?? Ha!!!!!”
“hindi ka ba marunong magsalita ng maayos Aaron?! Ng mahinahon?! Kailangang pasigaw talaga! Kung makapagsalita ka parang nakababatang kapatid mo lang ako ha! Baka nakakalimutan mo GF mo ako GF.! Hindi ba pwedieng makalimutan? Inaalala ko na nga kung saan ko nilagay. Sigaw ka ng sigaw diyan!.!”
“Shit!.! Hindi naman toh tungkol sa paggiging GF mo Ayie e. kailangan ko ang CP ko andoon ang contacts ko sa BAR”
“huwag kang mag-alala. HAHANAPIN KO NA!”
Padabog na pagkakalabas niya sa kuwarto naming.
Ah siya ng pala iisang kuwarto lang kami ni Ayieza, sa tapat naming kuwarto naman nina Rence at Rhie. Sa kabila naman sina Luke at Zhel. At sina Elza at Louise naman sa kabila, pero dalawang kama. Si Jun doon sa malaking kuwarto kasama pa ng mga pinsan ni Rhie na dito nagbabakasyon, pero aalis din naman daw bukas.
Heto at nababadtrip talaga ako kay Ayie, hindi ko naman sinasadya na mapagtaasan siya ng boses kaso eh nawawala kasi ang CP ko at nandoon lahat ng contacts ng mga nag e-invest sa BAR naming kaya napaka importante yun sa akin.
Ilang minutes din ang nakalipas ay biglang bumukas ang kuwarto namin. .
“OUH! HETO NA ANG CP MO!.! ISAKSAK MO SA BAGA MO AARON!”
Sabay diin niya sa sa braso ko ng CP
Nabigla ako sa inasal ni Ayieza. Kinabahan tuloy ako baka nasaktan ko talaga ang damdamin niya at seguro nga naman talaga.
“Yie? Sandali lang”
Hindi ko na siya naabutan kasi umalis siya kaagad pagkatapos niyang ibigay ang CP ko.
(Ayieza’s POV)
“errrgg nakakainis. Ganun na ba kaimportante ang CP niya compare sa damdamin ko? Masakit kayang sigawan ng ganoon tapos SHIT daw . .heeeeeee naiinis ako”
Heto at mabilis akong umalis sa kuwarto namin, pero rinig ko na tinawag pa niya ako
“Ayie?. Okay ka lang? ba’t mangiyakngiyak ka?” hindi ko namalayan nasa harap ko na pala si Elza
“a, e, wala ito Elza, ok lang ako”
“okay?.? Sa lagay na yan?.? Yan ba ang Okay ha? Hindi e, . ba’t ka umiiyak Ayie? Anong problema?.? Handa akong makinig. Halika at maglakad-lakad tayo doon sa beach”
Habang sinasabi yun ni Elza ay patuloy ang pag-agos ng aking luha, kahit pa na pinipigilan ko ito.
“Elz?.? Hmmm nag-away kasi kami ni Aaron. Sinigawan niya ako. . :’( .”
“ha? Anong pinag-awayan ninyo?”
“kasi kanina noong papunta tayo dito, hiniram ko yung CP niya kasi may tatawagan ako. Kaso ayon at nakalimutan ko kung saan ko nilagay. Noong kukunin na niya sa akin ayon inaway niya ako kasi daw importante daw yun dahil lahat daw ng contacts sa BAR nila ay nandoon ayon pasigaw2x na pagkakasabi niya na importante daw yun, tapo he said SHIT towards me. Ang sakit pala ELza pag ganoon no?”
BINABASA MO ANG
Break a Fragile Heart (Editing)
RomanceSa kuwentong ito maari kayang mabago ang mga pananaw natin sa pag-ibig? O puwede kayang makuha ang salitang BANG at BLEED na nakaugat sa pag-ibig? Puwede kayang magpatawad at magbigay ng “second chance”?. Maraming katanungan ang pu-puwedeng maitanon...