Chapter 20

118 2 0
                                    

(Elza’s POV)

 Ok lang ako, talagang ok lang ako, segi Elza papaniwalain mo lang ang sarili mo na ok ka kahit na parang napahiya ka kanina sa inasal ni Louise.

At ito katabi ko lang naman siya ngayon e, pero hindi ako humaharap sa kanya na BV ako kanina sa kanya e masyado siyang EWAN! Naiinis ako at the same time medyo na hurt naman ako dun.

Poke

Poke

Poke

                “oi babe, Elz naman e , pansinin mo naman ako oh”

                “ano yuh Lou? May kailangan ka ba? Kung wala matutulog muna ako. Charl? Malayo pa ba tayo dun sa resort niyo?”

Agad ko namang iba ng usapan, si Charl na lang yung kakausapin ko.

                “babe? Sorry naman oh hindi ko naman sadya kanina yung sinabi ko sayo e, nahihiya lang kasi ako na ganun e na hindi pa kasi nila alam na tayo baka ano iisipin nila sorry naman babe oh”

Ayan ang huli kong narinig at nakatulog na ako hindi ko nay un pinansin, seguro over lang ako na parang trying hard na maging sweet? Seguro, malay ko ba first love ko to e.

(Louise’s POV)

Hay,, ito at isinandal ko nalang yung ulo ni Elza sa balikat ko di na niya ako kinibo e, nakatulog na pala,

                “Pre?” tawag naman ni Charl sa akin

Dalawa lang kami ang gising tulog din sina Rence and Rhie e

                “oh ano yun?”

                “bakit ganun ka umasta kanina kay Elza?”

                “alin don?”

                “yung reaction mo kanina na hinalikan ka niya, masyado ka namang OA kung tutuosin e kahit sinong babae lang naman noon ang lumalapit sayo at humahalik pero deadma ka naman e”

                “wala nahihiya lang kasi ako sa iba e na hindi pa aware, kina Luke at Zel, baka kung ano ang sabihin nila tungkol ky Elza”

                “Jonathan Louise Cabrera! My tinatago ka sa akin no?”

                “ha? Ah eh wala ah! Ano ba pinagsasabi mo diyan?”

                “seguraduhin mo lang pare ha kung hindi ako talaga ang makakalaban mo lalo na kung si Elza lang naman yung masasaktan diyan sa huli”

                “oo naman wala akong tinatago sayo noh!, alam mo na nga lahit kahit yung mga past ko e.!”

After 4 hours. . .  .

(Luke’s POV)

                “hmm? Luke?

Biglang sabi ni Zel sa akin

                “yes ano yun honey?”

                “wala, kanina ko pa iniisip e, hmmmmmm bakit kaya ganun reaction ni Louise kanina noong hinalikan siya ni Elza?, kung sa pagkakaalam niya e gf niya na ito?”

                “ha? Hindi ko nga rin alam ah. Hahahaha pero ang bilis ni pare Louise ah!”

Yun nalang nasabi k okay Zel, alangan naman na sabihin ko sa kanya ang GAME naming ni Louise, hindi pwde yun.

Break a Fragile Heart (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon