On Duty #2

22 1 0
                                    

Jongdae's Pov*

Napatayo ako ng marinig kong umingay na ang alarm ko. Oww Ghad. 5:00 am na konting oras na lang malalate na ako. napuyat ako kagabi ang raming paper works. ang rami kasing pasyente sa hospital. Yes! i am a doctor and i am a newbie. kakagraduate ko lang sa masters degree for cardio. buti nga nakaya ko. ang talino ko naman kasi. Hehehe

Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom. maliligo na ako kasi malalate na talaga ako. papagalitan nanaman ako ni Dr. Kim Junmyeon a.k.a Dr. Suho. may school part kasi ang hospital and for my morning duty magiging teacher muna ako and doctor naman pag night duty kaya hectic na hectic ang sched ko.

natapos na akong maligo at bumalik na ako sa bedroom kumuha na rin ako ng susuotin ko. "ring// ring//" anong ingay yon? nagising na ako pero bakit may tumutugtug parin "ring// ring//" Oh! ayan nanaman. tumalikod ako at nakita kong may tumatawag pala sa cellphone ko na nasa kama. Ayy may tumatawag pala. Tanga ko rin pala.

Napatingin ako sa tumatawag HALA! si sir myeon tumatawag. nakoo late na talaga ako.

"Hello? Doc? bakit ho?" sinagot ko na ang tawag niya.

"Hello Jongdae!? Anong bakit bakit ka diyan? Nasan ka na? Malapit na time at ikaw pa naman ang first class ng Lightning section. You should be here after 30 minutes or else! /pittttt/" ay aba ang bastos nitong kuneho na to. Sakit sa tenga. Ikaw ba naman babaan tapos biglang tutunog ng ganun. Ang lapit lapit ng tenga ko sa phone.

Nagbihis na ako at bumaba na sa bahay. Ako, Si manang Ohor at si yaya lang naman ang nakatira dito sa bahay, actually sila palang kasama ko dito sa bahay since hindi paganun kalaki ang bahay ko. Bigay lang to ni Mama at Papa. Hindi pa kasi ganun kalaki ang sweldo ko kaya di ko ma upgrade.

"MANANG OHOR! AALIS NA HO AKO. HINDI NA AKO AALMUSAL. LATE NA AKO" habang sinusuot ang sapatos papuntang garage.

"OSIGE IHO, MAG INGAT KA SA DAAN" rinig na rinig ko pa sigaw ni manang dito sa garage. Binuksan ko na ang gate at sumakay na sa pula kong sasakyan. Bahala na si manang mag close nung gate.

Medyo traffic kaya medyo mahina rin ang takbo ng sasakyan ko. Fuck! Bakit naging red pa?! Hihintay pa ako dito ng ilang minuto Ilang oras na lang talaga malalate na ako aish.

While waiting may napansin akong pasahero ng isang taxi, nakatitig sakin. "Ang gwapo mo talaga jongdae". Hayst hirap talagang maging gwapo. Nakita ko namang nagulat siya at namula. Ang cute niyang magulat hhaha

Tumingin na ako sa harapan at nakitang naging color green na ang traffic light at mukhang kaya ko ng magpabilis. Kaya medyo binilisan ko na ang takbo. Late na ako. Patay ako kay doc.

Nasa harapan na ako ng hospital at pinarking ang sasakyan sa parking lot na nasa harapan lang ng school. Pumasok naman ako agad sa building. Kailangan ko ng magpakita kay doc. sigurado ako pag di ako naka abot dun after 30 min. magiging saging na ako na walang balat paglabas ko sa office nun

"Good morning po Doc~" bati naman ng staff sa information center ng school na makikita mo agad pag pasok mo sa building.

"Morning. Si Doc kim? Nasa office niya?" tanong ko naman agad. "Auh~ yes po sir" sabat naman nung staff. "Sige, salamat" tipid ko namang sagot.

Dumiretso naman ako sa office ni suho at nang nakarating sa harapan ng kanyang opisina, kumatok naman ako agad. "Doc? Nandito na ho ako" ani ko habang dahan dahang binubuksan ang pinto.

"Oh! Dae good thing you're here. Buti wala mo pa na abutan ang time. Go to your office and get ready, your first class will begin in 10 min." aniya. Eto ang mahirap pag kaharap mo tong si suho eh! Nagpakahirap akong magmadali tapos yan lang, mag smi-smile lang siya sakin na akala mo hindi niya ako tinakot. Ngayon paenglish english, kala mo naman wala kaming pinagsamahan. Kainis talaga tong konehong to.

Love Duty || Xiuchen ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon