On Duty #6

9 1 0
                                    

Jongdae's POV*

"//Toot// //Toot//" - Alarm

 "Aish ano bayan?! Ang sarap sarap pa ng tulog ko eh! AHH WAE?!" Napabangon ako at biglang pinatay ang alarm. Ang sakit na nga ng ulo ko tapos umepal pa tong alarm ko. 

Tumayo na ako at pumunta na sa banyo. Buti at maaga pa. Nagpapasalamat ako sa alarm kahit na sinira nito ang tulog ko atleast nagising ako ng maaga hehehe pero ang sakit parin ng ulo ko late na akong umuwi kagabi tapos ang aga ko pang nagising.

Matapos maligo ay lumabas na ako sa banyo at nagbihis ng susuotin. Matapos magbihis ay bumaba na rin ako.

"Oh Iho? Ang aga mo ah. Nandun na ang pagkain sa lamesa. Kumain ka na at tawagin mo lang ako pag may kailangan ka" sabi ni manang ohor

"Ahh ehh hehehe" napakamot naman ako ng ulo "Sige po manang, kakain na po ako. Salamat po talaga" nginitian ko naman si manang at dumiretso na sa dining area.

Matapos kumain, inayos ko na ang dapat kong ayusin at pumunta na sa hospital. Ang aga ko. Ang saya! Hindi na ako papagalitan ni Suho hehehe.
_________________________________________________________

Minseok's POV*

Ang aga kong gumising. Kailangan kong pumunta sa school ng maaga. Baka mangyari yung nasa panaginip ko (pero gusto ko yun enebe) nakakahiya kaya.

Umahon na ako sa kama at nagstreching na rin since nangalay ang katawa ko kagabi kakagawa lang ng mga paper works. Dumiretso na ako sa banyo at naligo.

Matapos maligo ay lumabas na ako at nagbihis na ng mga damit na aking susuotin. Pagtapos magbihis ay bumaba na ako. Bakit ang tahimik? Walang tao sa sala. Wala ring tao sa kusina. Saan sila Dada at Papa?

"Mapuntahan nga sa kwarto" pinuntahan ko kwarto ni dada at papa at biglang binuksan ang pintuan "Da! Pa-" Omaighad! Ahhhhhhhh my eyes, my beautiful innocent eyes! Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ay nagbungad sakin ang isang Park Baekhyun at Park Chanyeol na akap akap ang isa't isa na walang saplot! OO WALANG SAPLOT! GOSSSHHHH >_<

Isinara ko na ang pinto at biglang pumunta sa sala. Huhuhu Ano yung nakita ko? May nangyari nanaman sakanila! Ang magulang ko di magpapatalo sa yugyugan kahit madaling araw na go parin Aish!

Tama na! Bahala sila! Sa school na ako kakain. Ayaw kong malate

__________

Tapos na klase at oras na para kumain ng lunch

"Soo!! Kain na tayo! Gutom na ako" Pag aaya ko kay soo. Gutom na Gutom na kasi talaga ako, wala pa naman akong breakfast dahil sa nakita ko kanina. Grrrr Ayaw ko ng maalala.

"Hmm. Saan mo ba gusto? Gutom na rin ata ako" Sagot naman ni soo habang busying busy kakakulikot ng kanyang phone. Simula ng matapos ang Class kanina, phone na agad ang inatupag. Tuwang tuwa pa to habang type ng type. Psh -.- sigurado akong si kai nanaman kausap nito. Heh! Walang Forever -_-

"Tara na soo, Pleaseeee mamaya ka na makipag text kay kai pleasssee" Pamimilit ko sakanya habang hinihila kamay niya para tumayo. Ayaw kasing tumayo eh

"P-Paano mo nala-" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil hinila ko na ito para tumayo.

"No asking of questions. Kakain pa tayo gutom na ako" hinihila ko siya palabas ng school at hindi naman ito nagsasalita.

Nakadating kami sa isang sikat na food chain na malapit lang sa school. Matapos pumila ay umupo na rin kami.

Sasabihin ko ba sakanya ang tungkol sa panaginip ko? "Aughrrr" Frustrated na ata ako sa napanaginipan ko. Bakit ba naman kasi ganun ang napanaginipan ko.

"Oh? Okay ka lang? Lalim ng iniisip mo ah?" Takang tanong ni soo. Tong kwagong to di ko alam kung nag aalala to sakin o hindi eh. Hindi parin tumitigil sa kakatext.

"Uhmm. . . Soo? May tanong ako, Na experience mo bang managinip ng weird kasama yung taong nakikita mo sa school?" tanong ko sakanya.

"Huh? Oo naman!" Namumula niyang sagot. "Ba't mo natanong? Wait don't tell me nanaginip ka ng yadong?"

"GAGO!" Pasigaw kong sagot. Ang raming tanong pwedeng itanong, ba't yadong pa? kung di lang talaga ako mabait kanina ko pa to sinapak sa ulo eh "Hindi yun! A-Ano k-kasi u-uhm-" 

"Sir ito na po yung order niyo" hindi ko na napatapos pa ang sasabihin dahil pinutol na ito ng waiter. "Ah sige salamat" sagot ko. 

"Seok? Ano na? ano na yung sasabihin mo?" Bigla namang pahabol ni soo

"Mamaya na lang siguro Soo, Gutom na ako eh" Mamaya ko na lang nga siguro sasabihin sa ngayon kakain muna ako. gutom na gutom na ako.

________________________________________________________

Jongdae's POV*

Kakastress tong araw na to ah? Ang dami kong nasayang na laway ngayon, Worth it naman. Lumabas na ako sa room at dumiretso sa aking opisina. Oras na para mag-aral. I need to understand a lesson again for my last class later. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nagbabasa.

Isang malakas na na tunog ang gumising sa buong kaluluwa ko. "Oh Shit!" I looked into my watch and heck i'm 10 mins late! Inayos ko muna ang sarili ko at kinuha ang mga gamit ko. I can't believe nakatulog ako ng ganun katagal sa opisina ko. Dumiretso agad ako sa room kung saan dun ang pinakahuling klase kong pupuntahan ngayong araw. Everyone was here and when i entered Ofcourse lahat ng mata nakatingin sakin. 

"I'm sorry, i was late. May ginawa lang ako" Making reasons again. "Okay, So Open your notes" I smiled and then i started teaching my lesson.

 Mabilis namang natapos ang klase and everyone started fixing their things para makauwi. It's time to fix my things too. Habang nag aayos ng gamit bigla ko namang napansin na may paparating sa direction ko kaya tinignan ko ito. It's Mr. Baozi.

"Uhmm Si panyo po, May m-marka po kasi n-ng laway sa leeg niyo" Sabay abot sakin ang panyo "Pagod na pagod po ata kayo kaya nakatulog po kayo bago pumunta sa klase" Shit! Ang rami ng kahihiyan na nangyari sakin ngayong araw ah! "A-Ah salamat ah hehe" Kinuha ko na rin ang panyo na kanyang inalok.

"Sige po sir, mauna na po ako" He bowed then smiled. That Smile, Its so beautiful it makes my heart skip a beat. Ahhh Kim Jongdae Wake up! as i was making myself awake hindi ko namalayan na umalis na pala si Mr. Baozi. I guess i need to bring this back tomorrow. I smiled while continuing fixing my things. Bumalik ako sa opisina at kinuha ang iba kong gamit. I need to go home and prepare for my night shift tonight.

_______________________________________

Sorry for the boring chapter. >.< 

HAPPY NEW YEAR EVERYONE~

Love Duty || Xiuchen ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon