"I think may feelings pa si Linus sakin."kwento ko kina Talia at Gretchen habang kinikilig.
"Pano mo naman yun nasabi?"tanong ni Talia sakin.
"Simply because I can see it through his eyes.. The way he look at me last night parang yung dati lang. Full of care."sagot ko kay Talia. "And thanks for that one, Gretchen! Kahit nagkasagutan kami ni Linus, worth it naman."
"No problem. Gusto mo ikaw na lang sumundo kay Maria araw-araw?"suggest ni Gretchen.
"Okay. I'll do that."pagpayag ko.
"Mukhang di lang ako ang malandi rito."natatawang sabi ni Talia.
"Oh please, atleast ako, isang lalaki lang nilalandi ko."
Napataas ang kilay ni Talia at tsaka ako inirapan. "Anyway Gretchen, magkasama raw kayo kagabi ni Drew?"-Talia.
"Uh yeah. Hinahanap niya kasi sakin si Cavi pero gaya ng utos ni Cavi, di ko sasabihin kay Drew kung saan siya kaya nag-aya na lang siyang kumain ng ice cream"sagot ni Gretchen.
"Ahh ganun. Drew is really crazy about you Cavi."-Talia.
"Gusto niya lang akong bwesitin. Tsk. Tsk. That step brother of yours really want me to destroy his face. Kairita."
"Anyway Cavi, what's exactly the reason kung bakit di ka tumuloy sa pag-aaral sa England? Diba gusto mo pumunta ron para sundan yung Mommy at Daddy mo?"-Talia.
"One of the reason si Linus. Tsaka, I've been there before and ayaw ko tumira doon. Tahimik at kaunti lang kakilala ko. Tanging mga maids lang ang nakakausap ko sa mansyon ni Lola doon."
"Maybe because you will miss us, Cavi."-Gretchen.
"No, I will miss Linus."-ako.
"Your so mean, Cavi."-Gretchen.
"Matagal na."-ako.
After nilang tumambay sa bahay namin, umuwi muna sila sakanila para magbihis. Pupunta kami ng ng Penshoppe Pictorial, kami kasi ang bagong ila-launch at ang ibang pang mga model na parte sa Club Penshoppe Ph.
Sinundo ako ni Gretchen sa bahay bago namin pinuntahan si Talia sakanila.
Pagdating namin doon sa studio ng Penshoppe, agad kaming pinabihis ng mga damit para masimulan na kami sa pagkuha ng mga litrato. My Mom used to model Penshoppe nung kabataan niya pa kaya di daw nakakagulat at unti-unti akong sumusunod sa yapak ng Mommy ko. Pero my Mom is an artist and I will never be an artist like her, gusto ko lang makita ang mukha ko sa billboard at sa mga magazines.
"What's your name, Ija?"tanong nung photographer sakin nung papasok na sana ako ng dressing room.
"Cara Victoria Hernandez, but people known me as--"
"Cavi Hernandez, am I right? Are you the daughter of Samantha Hernandez?"
"Yes, Sir."
"Kaya pala ang lakas na ng appeal mo kahit wala ka pang ginagawa. Do you like to be an actress?"
"I have no plans to enter showbusiness, Sir."
"You really have a strong charisma, Ms. Hernandez, bagay ka sa industriya. Mga kagaya mo ang hinahanap namin. If ever you'll change your mind, contact me okay?"
"I'll never change my mind, Sir. Sorry."pagpapaumanhin ko at binalik sakanya yung calling card niya.
"You're such a waste, Ms. Hernandez. Sa pagmomodelo rin nagsimula ang Mommy mo dati. She became the in demand artist in her generation kaso nagpakasal siya agad sa Daddy mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/105352021-288-k46898c.jpg)