Today, maglu-lunch date kami ngayon ni Linus sa unit niya. We decided na every twice a week, magdi-date kaming dalawa, ngayon sa unit niya dahil may tatapusin pa siya. Sobra siyang busy sa soccer niya at tsaka sa pag-aaral niya. Gumagawa siya ng design ng hotel at condo unit dahil yun ang final project nila and individual pa talaga tapos may thesis pa siya kaya nakakaawa talaga siya. Ako naman, busy sa thesis ko rin.
"Ang stress mo ata ngayon?"puna ko kay Linus.
"I know, ang pangit ko na ba?"
"Yeah. Ayusin mo ang buhok mo kahit kaunti."sabi ko sakanya at ako na lang yung umayos ng buhok niya. "At tumutubo na yang balbas mo all over your face."
"Pangit ba tignan?"
"It's fine."kibit balikat kong sagot sakanya.
"Ang rami kasing deadlines tapos championship pa namin."
"Kawawa ka naman. Ipagdadasal na lang kita."nakasmirk kong sabi sakanya.
"It's for our future kaya ako nagsisipag."
"Kung pakakasalan kita."
"Bakit hindi ba?"
"Malay mo makakita pa ako ng mas gwapo sayo."biro ko sakanya.
Kumunot yung noo niya sa sinabi ko, "So, sisimulan ko na palang maghanap ng mas maganda sayo."
"Subukan mo, ipapakain ko sa Lion ang mahahanap mo."pagbabanta ko sakanya.
"Ayos lang na ikaw maghanap tapos sakin hindi?"
"Sa tingin mo magagawa ko yun? Sino bang nagkaroon ng kabi-kabilang girlfriend?"
"Hayy. Mag-aaway na naman tayo nito?"
"Nakakabwesit ka kasi. Wag mo nga akong kausapin."
"Umaandar na naman yang pagiging moody mo."sabi niya tsaka inakbayan ako tsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Tigilan mo nga ako, Brickdale."
"Ang hirap mong intindihin."
"Kasalanan mo yan, syinota mo ako."
"Kaya nga."sagot niya. "Ano bang lulutuin mo?"
"Ikaw. Plano ko ngang chop-chopin ka na ngayon eh."
"Napakasadista mo talaga."
"Umalis ka na nga, tapusin mo yung ginagawa mo."asar kong sabi sakanya.
"Okay. Galingan mo huh."sabi niya at hinalikan ulit ang pisngi ko.
Pag-alis niya, nagluto ako ng Pasta, I know he love Pasta so much at ang sinigang na hipon. I know di bagay siyang ipares pero gusto ko lutuin yung paborito niya.
After kong magluto, ipinatikim ko na yung niluto ko sakanya.
"How was it?"tanong ko sakanya.
Tinignan niya ako at napailing, "Masama ba lasa?"-ako.
"Mukhang papakasalan na nga kita nito. Ang sarap."
"Seryoso?"
"Oo nga."sagot niya.
"Buti at nagustuhan mo."
Kinain namin yung luto ko and di ko naexpect na mauubos niya yung niluto ko. Ang cute lang niya habang kumakain. "Are you in a diet at kaunti lang kinain mo?"tanong niya sakin.
"No. Allergic ako sa shrimp at di naman ako masyadong mahilig sa pasta."
"Really? We're so different."