NINE

1 0 0
                                        

Last night, tinadtad ako ni Linus ng text. Text? Bakit di tawag? Binantaan ko siya na kapag nagkamali siyang tumawag, kahit isa lang, magbre-break na kami. Ofcourse, I didn't mean that. Nadala lang talaga ako ng init ng ulo. Umaandar na naman kasi ang pagiging control freak ko, gusto ko masunod lahat ng gusto ko ng walang kumukontra pero I realize na kapag pumasok ka sa isang relasyon kailangan kayong dalawa ang magdedesisyon at di lang ikaw. Tama naman si Linus eh, nagdesisyon ako agad nang di hinihingi opinyon niya.

Kaya ngayong Lunch, plano kong sakanya ako sasabay.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain, nakita ko siya kasama yung ibang kateam niya sa soccer, nagtama ang mga mata namin pero agad naman siyang umiwas ng tingin.

"Girls, di muna ako sasabay kakain sainyo ngayon."sabi ko kina Talia.

"Huh? Saan ka kakain?"-Gretchen.

"Kay Brickdale. Sige."-ako at binigyan sila ng flying kiss.

Naglakad na ako doon sa table ni Linus at kapag talaga maganda ka, ang mga mata na naman ng mga estudyante, nasa sayo na naman.

"Bakit nandito ka, Cavi?"tanong ni Herthz pagkalapag ko ng tray ko.

"Babe, bakit dito ka sasabay ng pagkain samin? Namiss mo ko? Ngayon pa nga lang ako di sasabay sayo, namiss mo na ako agad"sabi ni Drew.

Di ko siya pinansin at tinignan si Linus na nakakunot noong nakatingin sa kay Drew. "Hi Hon, miss me?"nakasmirk kong sabi kay Linus.

"Hon??"tanong ni Drew.

"Hon? Tawag ko sakanya. We're in a relationship for about 3 weeks now."casual kong sagot.

Napatingin si Drew kay Linus, "Di totoo yung sinasabi niya pare, diba? Di kayo?"sabi ni Drew.

"Sorry Drew. I love Cavi. Di ako tumupad sa pangako kong lalayo ako sakanya at di ako tumupad sa pangakong--"

"Putangina ka Pare. Tinuring pa naman kitang matalik na kaibigan, sayo ko sinasabi ang lahat kung gano ko kagusto si Cavi pero ano to?"yun na lang nasabi ni Drew at malakas na binagsak yung kutsara niya sa mesa at umalis ng table nila.

Ito na nga sinasabi ko eh. Hayy. Halos napuno na ng bulungan ang cafeteria pero wala akong paki, nasanay na ako diyan. "I did what you want, Linus."sabi ko.

Kunot noo niya lang akong tinignan at napailing na lang siya.

"Hayy.. Tumigil na nga kayo sa titigan niyo, nakakainis!"biglang sabi ni Talia, "Pag nagkaroon nga naman ng love life ang mga kaibigan mo, kusa ka na nilang iniiwan."sabi ni Talia.

Napatingin ako sa direksyon na tinitignan ni Talia at nakita ko si Gretchen na tumatakbong sinusundan si Drew. Hayy. I feel so sorry kay Drew, paulit-ulit ko na lang siyang sinasaktan pero I know, mawawala rin yang galit niya sa akin at kay Linus.

Kumain na kami at pilit binabalewala yung mga tinginan samin ng mga students.

"Anong drama niyo Cavi? Hashtag the big revelation? Hahaha."-Talia.

"Tumahimik ka nga."asar kong sabi kay Talia.

"Hirap na hirap ka na bang maging maganda, Cavi?"-Talia.

"Di ko aakalain na darating ang araw na hihilingin ko na lang na sana naging pangit nalang ako. Hirap na hirap na akong maging maganda."sabi ko and flip my hair.

"Kahit kailan talaga, Cavi.. Di ka marunong magseryoso."natatawang sabi ni Talia.

"Seryoso ako sa sinabi ko."sabi ko kay Talia, "Teka nga Linus, ano yung pinangako mo kay Drew?"

THE WAY I LOVED YOUWhere stories live. Discover now