Pagdating namin sa Batangas, nagpahinga muna kami saglit. Kung ang mga kasama ko ay tagdalawa sa isang room, well ako, nasa pinakamamahaling suite, isa kasi sa mga stock holders ng hotel na to ang Dad ko kaya special treatment ako. Nakakaboring nga eh pag walang kasama, wala sina Talia at Gretchen. At di naman ako ganun kafriendly para makipag-usap sa mga kasama ko. I'm not used to it. Nasanay kasi ako na sina Talia at Gretchen lang ang kasama ko simula pa nung High School. Nung Elementary ako, dahil sa binubully ako ng mga kaklase ko, naghomeschool ako at nung High School lang ako nag Regular School, si Talia, I already know her bata pa lang ako dahil bestfriend ni Mommy si Tita Yeri. At dahil doon sila tumira ng ilang taon sa Germany, nung High School na lang ulit kami ulit nagkita. On the other hand, Gretchen ay nakilala namin dahil nakasama namin siya sa School Service nung pinarusahan kami ni Talia at ayun, nagkasundo agad kaming tatlo dahil di kami tulad ng mga kaklase namin na bait-baitan.
After 30 minutes na pahinga, tinawag nila ako para simulan na daw yung dapat naming gawin rito. Actually, excited ako dahil makikita ko naman si Linus my loves.
"Cavi, wag puro Linus."paalala ni Ryan sakin.
"Okay!"-ako.
Nagsimula na akong kumuha ng litrato ng mga Player ng Soccer Team habang nagtri-train sila. "Cavi, ako na magkukuha ng mga litrato, ikaw na nitong videos"sabi ni Allen sakin.
"Fine."-ako.
Kinuhanan ko na ng video sila, actually, mas madali lang to eh kaysa pagkuha ng litrato dahil nakaupo lang ako the whole time. Walang kahirap-hirap.
After that, naglunch muna kami kasama ang mga Soccer Players, habang kumakain kami, ini-interview naman sila nila Ryan.
"Anong klaseng paghahanda ang ginawa niyo para sa match na to?"tanong ni Ryan sakanila.
"Ryan, di ba pweding kumain muna kami? Tss. Nakakasawa na sumagot sa mga tanong niyo"naasar na sabi nung Herthz.
"Akala mo ba kayo lang nagsasawa? Nakakasawa na nga rin pagmumukha niyo eh."walang gana kong sabi kay Herthz.
Napatingin si Herthz sakin kaya inirapan ko lang siya, "Fine.. Anong klaseng paghahanda ang ginawa namin? Nagtrain kami ng mabuti, nakikita niyo naman yun diba?"-Herthz.
"Why we have to anticipate your match?"tanong naman ni Ryan ulit.
"Kasi, makikita ninyo kung paano namin tatalunin ang kalaban. Ano ba? I shouldn't answer all this stupid questions."naasar na sabi ni Herthz. "Linus, answer their question."
"In the first place, di kami nainform na kailangan naming i-entertain ang mga gaya niyo. Ang alam namin, we have to practice and train hard not to answer your questions."walang emosyong sabi ni Linus.
"Inatasan kaming--"
"Wait.. Ako na sasagot sakanya"sabi ko kay Ryan at tsaka tinignan si Linus, "Mr. Brickdale, akala niyo ba na gusto namin tong ginagawa namin?"
"I think, you like it."-Linus.
Napatawa ako and glare at Linus, "Let's be professional here, Brickdale.. Yeah, gusto ko nga to para makita kita. Pero, di kami mag-aaksayang pumunta rito, to cover a loser kung di lang kami inutusan ng President. Sa tingin niyo, gusto naming magtanong dahil interesado kami sa ginagawa niyo? Hindi, kahit katiting di kami interesado sa ginagawa niyo. Di ko alam kung bakit kailangan pa naming gawin to eh, nakakabagot lang, makita ang mga mayayabang na soccer players na gaya niyo inuubos oras namin."
"Then why are you here in the first place?"
"Like I have a choice.. We need to do this para di mapahiya ang school sa sasalihan naming competition next month and bakit ako nandito in the first place? I'm doing this for myself para di ako maexpel sa school natin at kung iniisip mong ginagawa ko to para sayo, no.. May oras sa ganitong trabaho at may oras naman ng paglalandi. For now, I'm here for my future. Now, kung ayaw ninyong makipag-cooperate, edi wag.. Kaya kong ipatanggal ang Team niyo sa Soccer League ngayon din."