FLASHBACK:-6 YEARS AGO-
Naglalakad na kami ni Gretchen papunta ng Village namin nung biglang may tumama sa paa ko na bola ng soccer. "Miss, pwedi mo bang ipasa samin ang bola?"utos sakin nung lalaking matangkad at may saktong pangangatawan. He's handsome pero I'm not into handsome.
"Kunin mo."pagtataray ko at pinatid palayo yung bola.
Tumawa si Gretchen, "Ang gwapo nung guy, Cavi huh?"mahinang sabi ni Gretchen.
Kinuha nung lalaki yung bola at nilapitan ako, "Ang ganda mo sana eh, ang sama lang ng ugali mo."sabi nito sakin at tumakbo pabalik sa soccer field.
Bwesit na lalaking yun ah. Puta yun. Ang bait ko nga eh!
Di ko na lang pinansin yung sinabi sakin nung lalaki at nagpatuloy na lang sa paglalakad kasama si Gretchen.
Ilang araw pa ang lumipas at palagi na naming nakikita yung lalaki na naglalaro doon sa Soccer field malapit sa Village namin.
Hapon nun nung bumili ako ng pagkain sa may kanto nung bigla siyang lumapit sakin at sumabay sakin sa paglalakad. "Diba ikaw yung masungit na babae nung isang araw? I'm Linus, and you are?"
"Di ako interesado kung sinong punsyo pilato ka man. Get lost."
"10th grade ka pa pala?"tanong niya at tinignan yung ID ko. "Cara Victoria Hernandez."basa niya sa pangalan ko.
"Ano ba! Tigilan mo nga ako!"nabwe-bwesit kong sabi at sinuntok siya sa balikat niya.
"Psh. Ang sungit mo, sayang dahil ang ganda mo pa naman."
"Pakielam mo ba?"
"I just want to apologize dahil sinabihan kitang masama ang ugali mo nung nakaraang araw. Really. I'm sincerely sorry."
"Pinagsasabi mo? Ngayon pa nga lang kita nakita eh"pagmaang-maangan ko para matapos na tong konbersasyon na to.
Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya, "Will you just stop talking? Nakakairita ka."
After ko yung sabihin, pumasok na ako ng bahay namin at iniwan sa labas yung lalaki.
_____
Umuulan nun at wala akong dalang payong, mag-isa lang akong uuwi papunta sa amin dahil absent si Gretchen at ayaw ko namang magpapasundo kaya ako na lang mag-isa.
Sumilong ako sa waiting shed at hinintay na tumila ang ulan nung biglang may nag-abot ng payong sakin, "Hi Cavi."bati ng isang gwapong lalaki sakin. I just realize na ito pala yung lalaki sa Soccer Field.
"Stalker ba kita?"mataray kong tanong.
"No. Nakita lang kita. I thought baka kailangan mo nang payong. You can have mine."sabi niya.
"Pano mo nalaman palayaw ko?"
"Narinig kitang tinatawag ng katulong mo ng Cavi kaya--"
"Di tayo close."
"Problema ba yun? Edi magiging close tayo."
"Tahimik nga. Bwesit ka."
