Maraming school extra-curricular activities ang gustong kumuha kay Kerwin. Para naman marami ang sumali at mag-participate. Sumali sya sa choir club na sinalihan ng mahigit 100 babae para lang makasama sya. Sya nga lang ang nag-iisang lalaki sa nasabing club. Kabilang dito si Leni na sinamahan pa ng kanyang younger sister na sumali din. Marami ang masama ang tingin kay Leni. Napansin iyon ni Kerwin kaya niyaya na nya ang dalawang babae na umalis na sa booth registration.
"Malapit na ang buwan ng agosto. Handa ka na ba sa contest?",ang tanong sa kanya ni Leni. OO nga naman marami ang bumoto sa kanya bilang kinatawan ng batch sa gaganaping Mr. and Mrs. Buwan ng Agosto. Dumating ang araw nang paligsahan, pero nadismaya ang mga girls dahil nag-quit ang kanilang ultimate na pambato na si Kerwin.
Pero bumalik ang kanilang kumpyansa ng dumating si Leni na dala-dala ang complete set na formal attire para kay Kerwin. Nagulat din si Kerwin sa nangyari. Pati ibang teacher ay niyaya syang makisali sa contest. Dahil sa udyok ng karamihan napilitan ang Kerwin na tumayo upang tanggapin ang attire, magpalit at lumaban para sa batch nya.
Maya-maya pa nagsimula na ang palatuntunan. Nagsimula sa mga dance numbers para magkaroon ng time na magprepare ang lahat na kasali sa Mr. and Ms. Buwan ng Agosto. Bawat kalahok ay galing sa iba't-iba't batch level. Maglalaban ang 1st year to 4th year hayskul batches.
Hindi inaasahan ni Kerwin na kasama pala sa labanan si Leni na kumatawan sa 2nd year batch. Sya naman para 3rd year batch. Ibang-iba para kay Kerwin ang dating nang charisma ni Leni ngayon nakita nyang ang big transformation nito. Bilang simple turn to extreme beautiful girl. Natutuwa din sya dahil sya ang crush ng babaeng ito.
Bago magsimula tawagin ang mga kalahok sa contest ay pumunta ang younger sister ni Kerwin sa backstage kasama si Leni. "Kuya, picture naman oh....para may ala-ala si Leni sayo.",ang hirit ng younger sister nya. Nahihiya si Leni that time. Pero buong lakas loob nya na hinatak si Leni sa kanya , inakbayan nya ito na walang nararamdamang malisya o hiya. Ramdam nya ang kaba ni Leni, ang paninigas ng katawan nito ng lumapit pa sya ng bahagya dahil yun ang sabi ng younger sister nya. Iba ang ganda ni Leni nung mga oras na yun.
Tapos na ang oras na binigay at tinawag na ang lahat ng contestant sa stage. Marami ang tumili, humiyaw sa lahat ng kalahok sa rumarampa sa stage. Lalo na nung rumampa si Kerwin. Halos mawawasak ata ang buong lugar sa hiyaw ng mga girls. Grabe iba ang intensity. Nang rumampa si Leni, hindi pala sya sanay sa takong, pero todo effort , todo smile sya. Pagbalik nya , nawalan sya sa balanse , natapilok at bumagsak .
Nagtawanan ang lahat ng girl. "BOO....hindi ka dapat rumpa dyan, sa palengke na lang pwede pa. Panget!!,"ang hiyaw ng mga girls. Tumayo ang isang lalaki na nakaupo na sinabayan ng iba pang lalaking estudyante."Kaya mo yan, sumali ka dyan dahil alam mong kaya mo." , ang sabi ng isang lalaki. "Kaya mo yan!!!", ang sigaw ng mga lalaki. Muling tumayo si Leni. Humarap sya sa lahat. Ngumiti sya bago sya muling tumalikod at umalis.
Bago pa ang matapos ang contest, pinalabas ang isang dokumentary film na nagpapakita ng mga ginagawa ng mga kalahok , yung time na hindi nila alam na vinivideo pala sila. Nagtawanan ang lahat nang makita ang video para kay Kerwin. Bago kasi sya lumabas ng comfort room sinisiguro nya na walang girls...pero biglang may manloloko na lalaki na biglang yayakap sa likuran ni Kerwin. Ang pinapakita sa video. Pero ang madrama lang na video ay yung kay Leni. Umiiyak sa comfort room si Leni pero hindi alam kung anong dahilan. Pero sa iyak nya na yun nadala ang audience.
Dumating na ang announcement of winners. Ang nanalo ay ......................
Si Leni bilang Ms. Buwan ng Agosto at
si Eduardo na isang 4th year student bilang Mr. Buwan ng Wika.
Marami ang nagdamdam dahil hindi nanalo ang kanilang manok. Masaya ang pakiramdam ni Kerwin dahil nanalo ang kanyang tagahanga. Kinamayan nya ang bagong Ms. Buwan ng Agosto.
Isang araw , matapos mag comfort room ni Kerwin. May naririnig syang umiiyak sa c.r. ng mga babae. Naabutan nya ang umiiyak na si Leni. Pinasok nya ang c.r. kasi wala namang ibang girls at walang tao. Nagulat sya nang makitang hindi na maayos ang buhok nito, pati ang damit nito ang dumi-dumi. Nang makita sya ni Leni , tumalikod ito, gumapang papuntang cubicle.
Hinawakan sya ni Kerwin. "Anong nangyari ? sabihin mo sakin...Bilis!",ang tanong ni Kerwin. Biglang may pumasok na mga girls. Nagulat din sila kay Kerwin. Nagalit si Kerwin at pinagtatanong sila. Inurirat ang lahat. Umabot sa guidance ang lahat. Marami palang nagalit kay Leni dahil tinalo nito ang pambato ng mga babae. Nagseselos rin sila dahil malapit ito kay Kerwin.
"Hindi nyo dapat ginawa yan!! Mga bitter!!!", ang nakakagulat na sinabi ni Kerwin. Hindi ito inaasahan sa isang Kerwin. "Hindi nyo dapat ginagawa ang ganito. Kung patuloy nyo itong gagawin, ako mismo ang makakalaban nyo." ang banta ni Kerwin. Kinausap na sila nang guidance at bibigyan ng privacy si Kerwin. Bibigyan ng disciplinary action ang mga babaeng sangkot sa major offense.
Matapos ang araw na yun, parati na silang mag-kasama ni Leni. Ayaw na nya itong sinasaktan ng iba dahil kahit papano napalapit na sa kanya ito. Walang araw na hindi sila magkasama.
Minsan nga nagbiro si Kerwin kay Leni. " Kung bitter sila, sweet naman tayo.", ang biro nya. Kinilig si Leni pero pinipigilan nya baka mapansin ng iba. "Kuya naman~~", ang reply ni Leni. Matatamis na ngiti naman ang pinakikita nya para mamatay sa inggit yung mga sumusunod sa kanila ni Leni.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob
Teen FictionHindi ganoong kadali sa isang binata ang maging hearttrob sa kanilang campus dahil kailangan nyang makibagay.