Matapos ang nangyaring hindi maganda. Nagkaroon ng pader between Kerwin at ng mga girls. Umiiwas si Kerwin sa mga girls. Hindi na sya ang dating pala-ngiti sa mga yon. Ibang-iba na sya. It's like hell pag nag tama ang mga mata nya sa mga girls na tumitingin sa kanya. Marami tuloy ang natakot, nahiya sa kanyang pagbabago. Hindi na rin sya tumatanggap ng mga chocolates, cookies at candies. Pati mga love letters sa kanya ay kanyang iniiwan, tinatapon. Ganon man mahal na mahal pa rin sya ng mga babaeng patuloy na umaasa na babalik ang dating KERWIN.
Mabilis na rin syang ma-irita sa mga babaeng sumusunod sa kanya. Lumabas na nga ang tunay nyang kulay. Ayaw nya sa mga taong plastik. Lalo syang nagagalit. Marami ang mga babaeng umiyak nang dahil sa kanya. Ayaw na rin nyang magpanggap na okey lang ang lahat. Sawang-sawa na sya. Lahat kasi ng kilos nya may mga matang tumitingin. Wala syang freedom.
Lumipas pa ang mga buwan at dumating ang pinakakahihintay ng karamihan. Ito ay ang Valentine's day. Maraming girls ang nag-apology sa kanyagamit ang love letters, gifts and others. Pero lahat ng yon ay kanyang pinabalik.
Pauwi na si Kerwin nang maabutan ang naghaharutan nyang younger sister at si Leni. Nang mapansin sya ni Leni ...nag-behave agad. Nilapag lang ni Kerwin ang bag at kinausap ang bisita. May dala pa lang pulburon si Leni na ibibigay kay Kerwin. Kaya lang hindi mahilig sa ganon si Kerwin kaya nang mapasakanya ay binigay na lang sa kapatid.
Napansin ni Kerwin ang paso sa kamay ni Leni. Nang makaalis si Leni ay doon lang nagsalita ang kapatid nya. Napaso si Leni nang mag-bake ito. Kahit daw hindi masyadong marunong magbake ay nagsikap na gumawa para lang kay Kerwin.
Medyo nakonsensya si Kerwin kaya binawi nya sa kapatid ang mga pulburon. Nang matikman nya ang pulburon, hindi ito masyadong matamis ....tama lang. Nasarapan sya sa gawang yon. Dahil dito inalok din nya ang kapatid para tumikim. Napa-isip si Kerwin. Tila ata nagbabago si Leni. Mas lalo itong nagiging mature. Mas lalo rin nyang nakikilala ang tunay na Leni na kaiba sa mga girls na humahabol-habol sa kanya.
Natanong nga ng younger sister nya kung may pag-asa si Leni sa puso nya. "I don't know", ang mapilyo nyang sagot sabay kuha ng tatlo pang pulburan sa lamesa. Napangiti si Kerwin sa tanong na iyon.
Matapos ang araw na iyon ay nagpahinga na si Kerwin sa kwarto nya. Tinawagan nya si Leni sa bahay nito to say THANK YOU SO MUCH....napasaya mo ko.... kinilig naman si Leni sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob
Teen FictionHindi ganoong kadali sa isang binata ang maging hearttrob sa kanilang campus dahil kailangan nyang makibagay.