Maraming girls ang naghahangad na makuha ang puso ni Kerwin. Maging mabait man sila hinding hindi iyon makakaapekto sa puso ng HEARTTHROB.
Mabilis nga ang panahon at nasa huling taon na sya nang kanyang hayskul life. Marami tuloy ang pasimpleng nagbibigay ng kanilang small gifts kay Kerwin kung ito ay kanilang makasalubong sa school. Ngiti at salamat naman ang katumbas ng mga yon.
Nang ilabas na ng school ang graduation pictures ng 4th year students. Maraming girls ang sumugod sa seksyon ng HEARTTHROB. Marami ang humingi ng copy ng graduation pictures. Ang iba nagpapa-autograph signing pa. Ang ilan magrerequest na yakapin si Kerwin o pahalik sa pisngi nito. Dahil huling taon na ni Kerwin ay pinagbigyan nya lahat ng request. Pero isang girl ang nagtanong. "May nililigawan ka na ba? Kung wala , I am available.", ang mapilyang hirit ng girl. Ngumiti lang si Kerwin without any reply.
Nang matapos yun, nagkaroon ng open forum ang sariling seksyon ni Kerwin. Marami ang umiyak dahil hindi na sila pwedeng magsama pag nag college sila. Ang ilan nagfarewell message hindi lang sa klase kundi sa kanilang ultimate HEARTTHROB. Na-appreciate naman iyon ni Kerwin.
Nang mabigyan ng pagkakataon si Kerwin ang magsalita sa harapan. Hindi nya ito pinalagpas. "Since dati pa, I know maraming girls ang gustong-gusto ako. Thank you so much for the support. Thank you for loving me, believing in my strengths. Alam ko kahit minsan nasasaktan ko ang feelings nyo, pero patuloy pa rin kayo sa pagsuporta sakin. Hindi ganoong kadali ang lahat. Dahil bawat kilos ko andyan kayo. Kinakailangan ko kasing maging good role model. Syempre ako yung tinitingnan nyo. Malaki ang expectation nyo sakin. Pag nasa college na kayo, may makikilala pa kayo na mas gwapo, mas magaling at higit na karapat-dapat sakin." ang farewell message ng HEARTTHROB. Napaluha ang mga girls. " We will never forget you!!", ang sabi ng mga girls at isa-isang yumakap kay Kerwin.
Araw ng graduation, andun ang papa, mama at younger sister ni Kerwin. Lahat sila ay masaya at gagraduate na ang kanilang panganay. Dumalo din si Leni na bestfriend ng kanyang younger sister. May dalang bouquet of flowers. Nakangiti ito sa kanya. "Congrats!! ", sabay bigay ni Leni ng mga flowers.
Nang pauwi na si Kerwin kasama ang family nya. Humabol si Leni. Tinawag sya nito sa malayo. Nang malapit na si Leni ay niyakap sya nito nang mahigpit. "Mamimiss kita Kuya..", ang maluha-luha na sinabi ni Leni. Ki-niss nya si Leni sa pisngi. "Ako rin mamimiss kita." ang reply nya.
Naluha din ang younger sister nya sa nakitang tagpo. Kaya nagrequest ito na picturan nya ang dalawa. Magkahawak-kamay ang dalawa sabay CHEESE.
Ilang buwan ang lumipas, naalala pa rin ni Kerwin ang dati. Bilang isang Heartthrob sa kanyang hayskul life. Ang sarap balik-balikan.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob
Novela JuvenilHindi ganoong kadali sa isang binata ang maging hearttrob sa kanilang campus dahil kailangan nyang makibagay.