Chapter 5: Surprises

128 1 0
                                    

Marami pang ginawang pa-sweet ang mga girls para muling bumalik ang dating Kerwin. Pero tulad ng inaasahan. Parang wala lang sa kanya ang mga ito. Totally dedma as if mga pader ang mga girls sa lahat ng kanilang ginagawang strategy.

One time, nagsearch si Kerwin about sa mga favorite bands nya. Nagulat sya nang madiskubre ang ilang blogsite na patungkol sa kanya being the most handsome....hottest male student man in a campus....

Ang daming stolen shots ang kanyang nakita na mismo sya ang lahat sa photos. Huli na rin nyang nalaman na pati sa facebook, friendster, twitter ay meron narin syang fan page. "Sira na mga utak nila...I am not that handsome....I am not that good but they still want me.", ang pumasok sa isip ni Kerwin. Lalo pa syang na pa-hay naku... Nang makita sa facebook ang pagtatalo ng dalawang babae sa ginawang fan page para sa kanya.

Isang musical production ang gaganapin sa kanilang school at naghahanap ng mga students na pwedeng masama sa mga gaganap. Grade school at highschool students ay niyayayang sumali para sa very big production. Lahat nang sasali ay dadaan sa audition bago tuluyang mapabilang sa production. Ang production ay gaganapin sa mismong English festival.

Hindi nagpadaig si Kerwin sa lahat dahil matagal na rin nyang gustong umarte sa stage. Mahilig syang kumanta at sumayaw. Kaya naman kahit supporting roles lang ...okey narin sa kanya.  

Tulad nang inaasahan sa mahigit 200 na sumali sa production. 100 na lang ang natira sa elimination round. Nagkaroon pa nang final elimination kaya 40 na lang silang natira. Sobrang higpit ng mga alumni na nagtuturo ng acting , singing, dancing, at kung ano-ano pa. Bawat isa sa mga kasali ay binigyan ng iba-ibang role. Ang iba nasa major roles, ang ilan sa minor roles. Samantalang si Kerwin ay sinama bilang back-up dancers.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente ang bidang lalaki na gaganap sa kanilang musical production. Wala nang panahon ang natitira dahil tatlong araw na lang ay performance day na ng production. Walang may lakas ng loob na humalili sa leading man. Hanggang sa maraming babae ang nagpwersa na si Kerwin ang gawing leading man. Umayaw si Kerwin dahil major role yun. Pero nung i-test sya ng kanyang mentor ay nagawa nyang maalala ang parating ginagawa nang leading man nila sa production. "Mas magaling ka pa kay Geru kaya dapat lang na ikaw ang ipalit namin.", ang nasabi ng kanyang mentor.

Isa-isa namang lumapit ang ibang babae sa kanya. Nag-aapology sa kanya about sa dating kasalanan. "Mapapatawad ko lang kayo kung makikitunguhan nyo ng maayos si Leni. Huwag nyo na syang sasaktan o sabihan ng masasakit na salita. Kaibigan ko sya kaya respetuhin nyo sya. ", ang nasabi ni Kerwin.

Araw na nang pagpapalabas, masaya ang buong campus. Excited ang lahat. Katulad nang inaasahan si Kerwin lang naman ang inaabangan ng nakararaming girls. Matapos ang palabas, sigawan papuri ang tinanggap nang buong casts. Sa backstage anduna ang younger sister ni Kerwin at naghihintay. Binigyan sya nito ng bouquet of flowers. Bigla na lang na may yumakap sa may likuran ni Kerwin sabay sabi ng KUYA!! Si Leni pala. Masaya si Kerwin pero nag-iba ang expression nya ng makita ang parating na mga girl fans. "Huwag kang ganyan Kuya.. tagahanga mo sila . ",ang pabulong na sabi ni Leni. Inakala ni Kerwin na sya ang pakay ng mga ito hindi pala. Kay Leni pala.

Nagbigay sila ng mga bulaklak, chocolates kay Leni. Nag sorry sila sa lahat ng kanilang masamang nagawa. Niyakap pa nga nila si Leni. Dedma kunwari si Kerwin pero ang totoo natutuwa sya sa ganoon.

Nagulat sila ni Leni at Kerwin dahil gumawa ng isang sketch ang isa sa mga girls. Ang sketch ay sina Leni at Kerwin na kapwa maganda at gwapo sa school. Na talaga daw pinag-match. Sa sketch nayun muling napangiti ng mga girls ang dating Kerwin. "May tatalo na pala sayo....ako", ang biro ni Leni. "Hindi mo ko matatalo noh. Dahil match tayo. ", ang banat ni Kerwin. Namula si Leni. "Kitam mo na , gusto mo rin ako....", ang walang hiya-hiya na binulgar ni Kerwin. Lalong kinilig ang mga girls.

The HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon