A/N
Hi guys itong chapter na to. Ay ang mga nangyari nung nanonood sila ng mga movies. Hindi ko na kasi na kwento, kasi tinamad na ako😆 lol sorry pero since bored ako at wala pa akong masyado maisip na gagawin sa mga susunod na chapters so naisipan kong ikwento nalang yung mga nangyari nung nanonood sila.
So yeah maikli lang pero itatry kong pahabain kung may pumasok pa sa isip ko ah(≧∇≦)
So sorry nalang kung boring to╥﹏╥ pero sige shut up na ako daldal ko eh hahaha.
***
Claire's POV
Tapos na ako kumain at niligpit na ni john lahat ng kalat. Sabi ko nga sa kanya na kaya ko na eh. Pero matigas parin ang ulo kaya ayun hinayaan ko nalang siya subuan ako nung porridge.
Pagkatapos nun bigla siyang nagyaya mag movie Marathon pumayag nalang ako kasi gusto ko rin naman na manood ng movie eh.
"Anong gusto mo panoorin?" Tanong niya sakin habang naniningin ng movies sa laptop ko.
"Hmmmm. Comedy nalang kaya?" Sagot ko naman sa kanya. Gusto ko naman kasi matawa naman.
Tumango nalang siya at naghanap ng movies dun sa laptop.
Ayun. Nakahanap na kami ng comedy na palabas ang title ay "white chicks" gusto ko talaga yang palabas na yan lalo na yung part na nag panggap silang Wilson sisters.
Kaya ayun. Kinabit na ni john yung computer sa TV at nalipat naman yung palabas sa TV kaya pinlay na ni john yung movie at umupo na sa tabi ko.
Ayun. Nanonood lang kami ni john. Tsssss. Ang lakas din pala kumain nitong isang to kuha ng kuha kasi ng popcorn ko.
Tawa lang kami ng tawa ni john at nung kukuha ulit ako ng popcorn habang nakatingin parin dun sa screen ay wala ng naramdaman yung kamay ko na popcorn.
Kaya pagtingin ko sa popcorn ay......WALA NA.
Napa tch. Nalang ako kasi pano ba naman eh. Kada segunda kuha ng kuha yung isa mas marami pa nga siyang nakain kesa sakin eh.
Si john kukuha na sana pero nakatingin parin siya dun sa screen nung marealize niya na wala na siyang nahahawakan ng popcorn dun na siya tumingin sa popcorn, pero Hindi ko akalain na sasabihin niya toh...
"Hoy!! Ano pang tinitingin mo dyan kumuha ka pa nga ng popcorn dun!" Sabi niya sakin na parang naiirita pa. Aba! Toktok ko kaya sa kanya tong lalagyanan ng popcorn. Tch! Mas marami pa nga siyang nakain eh.

BINABASA MO ANG
Nerd noon Dyosa ngayon
Teen FictionHindi aakalain ni Claire na mag-babago siya ng tuluyan. It wasn't her intentions to change at all, but after her so called friends left a big scar that will forever be remained and reminisced. She forced herself to change to prove them how she chang...