Chapter 1

37 4 8
                                    

Chapter 1 : Nightmare

Rose's POV

"Ate Rose, andito nanaman sila" dagli dagli akong bumaba ng bahay namin na yari sa puno at sinundan ang pinang galingan ng malungkot at may halong pag aalalang boses ni Cindy, ang aking nakababatang kapatid. Nakita ko ang mga kawal ng palasyo na kumukuha nanaman ng mga paninda ng hindi nag babayad.

"Pakiusap po, 'wag n'yo naman pong ubusin ang aking pang hanap buhay" Wika ng isang matanda. Hindi s'ya pinansin ng kawal, Tinapunan lang nito ng tingin ang matanda at tumalikod na. Kasabay ng pag sakay n'ya sa kanyang kabayo at pagkagat sa hawak na tinapay.

"Halina kayo!" sigaw ng kawal at sumakay na din sa kabayo ang kan'yang mga kasamahan. Ng mawala na sila sa aking paningin ay nagsalita agad si Cindy.

"Alam mo Ate Rose sumosobra na sila eh, Naghihirap tayo dito upang makahanap ng pang araw araw na gastusin natin at pag katapos kukunin lang nila! " iritang wika ni Cindy

"Hintayin mo, Pag nalaman ng Hariiu ang kanilang ginagawa ay siguradong mawawalan sila ng trabaho at maaaring makulong, kaya 'wag ka ng maingay d'yan. Halika na at tayo'y kumain at magtatanghali na din" Gusto kong ipag tanggol ang matanda kanina subalit ano naman ang laban ko? Isa lang akong ordinaryong babae na naninirahan sa Rosiana.

"Cindy, isang piraso na lang 'tong Gintong nasa aking bulsa, may natitira ka pa ba d'yan?"

"Wala na din ate e, Maghati na lang tayo sa isang tinapay hindi naman ako ganoon kagutom e" At sakto naman ay biglang kumalam ang kanyang sikmura. Pinagmasdan ko lang s'ya ng sandali at kaagad akong naka isip ng paraan. Pinaupo ko muna s'ya sa bakanting silya at ako naman ay lumapit sa may tindahan ng tinapay.

"Ah ate ilang ginto po ba ito?" turo ko sa Tsokolateng Tinapay.

"Apat na gintosagot n'ya.

"Pag bilan nga pong isa" ngiting turan ko, Tumalikod ang tindera upang kumuha ng papel na lalagyanan ng tinapay. Iniikot ko ang aking paningin kung may nakatingin ba, Ng mapagsino kong walang nakatingin ay dali dali kong kinuha ang dalawang piraso ng tsokolateng tinapay sabay nag tatakbo, Pumunta ako sa direksyon ni Cindy at dali daling hinawakan sa pulso at nag tatakbo paalis. Sakto naman na hindi ako nakita ng tindera, Ng makarating na kami sa aming bahay ay dali dali kong kinain ang aking tinapay, Kahapon pa ako hindi kumakain dahil wala kaming mahukay na ginto. Tinignan ako ni Cindy na may hakong pag tataka at pag kunot ng kanyang noo.

"Ate? saan mo kinuha ang pambili mo nito ha? wika ni Cindy na tila ba nagdududa sa'kin.

The Story Of Rose GreenWhere stories live. Discover now