Chapter 3 : Good Bye
Rose's POV
Kasalukuyan kaming lumilipad patungo sa'king bahay at hawak ng dalawang kawal ang aking braso. Sinubukan kong pumalag ngunit hindi ko magawa. Napabuntong hininga na lang ako at yumuko, Ang Rosiana, Si Cindy, Si Inay, Si Itay, paano na...
Mawawala na ako dito, At hindi na muling makakabalik pa.
Nang makatungtong na kami sa bahay ay nakita ko si Cindy na mahimbing pa ding natutulog, Agad akong pumiglas at tumakbo papalapit sa aking kapatid at agad itong niyakap. Naalimpungatan naman s'ya at pupunas punas pa ng kanyang kamay sa mata nya na nakatingin sa'kin.
"Bakit Ate?" pagkabigkas n'ya n'on ay agad tumulo ang aking luha, At napahagulgol.
"'Wag kang umiyak Ate, Ano ang problema?" Kunot noong tanong n'ya na mahahalata mong nag aalala sa'kin. Kumalas ako sa pagkakayakap at iniharap s'ya sa akin.
"Magpapakabait ka dito ha? 'Pag nawala na ako at hindi mo na ko makikita pang muli." wika ko na nakapagpatigil sa kanya.
"Hay nako Ate, aga aga nagbibiro ng gan'on. Tsaka ate ba't pala andito 'yang mga kawal? may ginawa ka nanaman bang hindi maganda ha?"
"Ah eh ano kasi Cindy, lumabag ako sa patakaran" nakayukong banggit ko
"Ate?" banggit n'ya na nagsisimulang tumulo ang kanyang luha, Batid n'yang mawawala na ako dito sa Rosiana at d'on na ko titira sa Mundo ng mga tao. "Diba hindi mo ako iiwan?Diba? nangako ka kila Inay..." Nakangiti s'ya ngunit ang kanyang mga mata ay lumuluha.
"A-Ahh eh kasi" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla n'ya akong niyakap ng mahigpit
"Ate, mag iingat ka. Mahal kita" pabulong na wika n'ya at humagulgol. Ginantihan ko s'ya ng mas mahigpit pa na yakap at hinalikan s'ya sa kanyang Noo.
"Mag iingat ako, at pangako babalik ako dito. Mahal din kita" sagot ko, Walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako dito pero nangako na ako sa kanya. Paninindigan ko iyon. Biglang may kamay na humawak sa dalawang braso ko at hinatak ako kaya nabitawan ko si Cindy. Ginamit ko lahat ng lakas ko upang maka alis sa kanilang pag kakapalag ngunit ko magawa, Sinubukan ko ulit at sa pagkakataong iyon ay mabitawan nila ako at tumakbo agad ako papalapit kay Cindy at niyakap ito ng sobrang higpit. Ngunit hindi pa nag tatagal ang aming pag kakayakap ay may humatak kay Cindy at humatak din saakin. Pinaglayo kami.
"Ate!" Sigaw ni Cindy na umiiyak na.
"Bitawan n'yo s'ya!" Sigaw ko sa mga nakahawak sa kan'ya. Ngunit parang wala silang narinig at hawak pa din nila ito.
Kinaladkad ako ng kawal pababa ng bahay. Narinig kong nag sisisigaw si Cindy at ang pag iyak nito. Iyak lang ito ng iyak hanggang sa nakita ko s'yang tumatakbo pababa ng bahay. Ng aktong papunta na ito saakin ay ang isang putok ng baril ang aking narinig.
Hindi... Hindi p'wede...
Parang bumagal ang pag takbo ng oras.
Nakita 'kong ngumiti si Cindy saakin at ang unti unting pag sara ng talukap ng kan'yang mata. At dahang dahang pag bagsak sa Lupa. Maraming mata ang nakakita sa pangyayari.
Hindi! Hindi s'ya mawawala! Buhay s'ya, mabubuhay s'ya!
"Cindy!" Sigaw lang ako ng sigaw, hindi ko na alam ang mga sinasabi ko, Para akong nawala sa huwisyo habang tuloy tuloy ang pag buhos ng aking luha.
Tinangka kong lapitan ang aking kapatid ngunit hinatak lang nila ako palayo doon.
Nakatulala lang ako habang lumilipad kami patungo sa Ginintuang Orasan. Hindi ko maisip na wala na s'ya. Ang aking kapatid ay wala na. Nangako ako kila Inay, na hindi ko s'ya pababayaan. Ngunit hindi ko ito natupad.
Namalayan ko na lang na andidito na kami sa Liblib na lugar sa gitna ng kagubatan, Habang nasa harap ko ang ginintuang orasan. Maliwanag ito, sobrang liwanag.
"Kaawa-awang nilalang. Patay na nga ang magulang, nawalan pa ng kapatid. Tsk" wika ng Prinsipe. Gusto ko s'yang sumbatan ngunit wala ako sa panahon para patulan ang mga katulad n'yang walang kwenta. Iniisip ko pa din ang aking Kapatid.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng napakalaking orasan na ito, Bigla akong tinulak ng isang kawal at napapasok ako sa loob ng pintuan. Ng akmang lalabas ako ay biglang sinarado ng kawal ang pintuan. Wala akong makita sa loob kundi ang dilim. Unti unting may humahatak sa katawan ko paikot ikot dito sa loob. Hanggang sa mawala ang pag ikot at nag liwanag ang paligid. Pasuray suray akong nakatayo at nawalan ng malay.
Nagising ako na nasa putik ako at may kaunting baha. Gabi na at ang lamig ng panahon ngayon. Tinangka kong tumayo ngunit hindi ko magawa dahil para akong hinahatak pabalik ng putik. Napaupo na lang ako ulit dahil sa pagod. Nakakita ako ng mga patay na bulaklak. Isang rosas, ang aking nakita ngunit ito ay wala ng buhay. Nag palinga linga pa ako at may nakita ang mata ko na isang rosas pa. Buhay pa ito ngunit nag iisa na lang s'ya. Tinangka ko s'yang pitasin ngunit hindi ko s'ya maabot. Sinubukan ko ulit pitasin at sa pag kakataong ito ay nakuha ko na s'ya. Nilanghap ko ang amoy nito, napakabango. Ngunit s'ya ay mamamatay din dahil wala na s'yang ugat na bumubuhay sa kan'ya. Nakaramdam ako ng pagod at nag simulang humikab. Pagod na ako, ngunit hindi ko magawang mag pahinga. Hindi ko alam pero, kusang tumulo ang aking luha. Umiyak lang ako ng umiyak, bigla akong nakarinig ng ingay at isang Parihabang kahoy na may bilog na kumikintab sa gitnang gilid nito, bigla itong bumukas at tumambad dito ang isang gwapong lalaki. Halata ang gulat sa kan'yang mata ng makita ako. Napasigaw ito kaya napasigaw na din ako.
"Ahhhhhh!/Wahhhhh!" Sabay na sigaw namin. Ng huminto ito sa pag sigaw ay huminto din ako. Ng sumigaw s'ya ay napasigaw ulit ako.
"Ahhhhhhh!/Wahhhhhhh!" Umiiyak siya. Tapos, naihi!? Gusto kong matawa pero pinipigilan ko dahil nakakahiya naman.
May dumating na babae at lalaki at tumabi doon sa g'wapong lalaki.
"Oh Tim, bakit ka sumisigaw?" Wika ng lalaki. Tim, Tim ang kan'yang pangalan. Nanatili si Tim na nakatitig saakin na gulat pa din. Sabay dahan dahang umangat ang kan'yang kamay at tumuro ito saakin. Sabay na tumingin ang babae at lalaki saakin. At katulad ni Tim ay gulat din ang rumehistro sa kanilang mga mukha, ngunit hindi sila sumigaw sapagkat ay lumapit sila saakin at tinulungan akong makatayo.
Continue...