Chapter 2

20 4 1
                                    

Chapter 2 : The Prince

Rose's POV

Tumayo ako mula sa pag kakaupo at nagsimulang maglakad patungo sa batis, Pagkarating ko ay nag hilamos kaagad ako at nag mumog.

Ibinuka ko ang aking palad at lumabas doon ang aking Rosas, Isang berdeng rosas na kumikintab-kintab. Kakaibang rosas. Inilahad ko ang aking palad sa batis at binasa ito. Kaya lalo itong kumintab at kuminanang ng masinagan ng kakaunting sinag ng araw.

Ng maramdaman ko ang gutom ay tumungo ako sa kweba, Upang mag hanap ng Ginto. Sinubukan kong lumipad patungo sa kweba ngunit hindi ko magawa dahil ako'y nanghihina dahil sa gutom. Nagtiis akong maglakad ng malayo layo, Ng makarating ako sa Kweba ay dali dali akong humanap ng matigas na kahoy upang panghukay. Nakailang hukay na ako ngunit wala akong makita, Lumipat ako sa ibang pwesto at dun naghukay, subalit gan'on din ang aking napala. Wala akong makita, Paano na kami makaka raos sa pang araw araw? tanong ko sa sa'king sarili.

Sinubukan ko pang maghukay ng mas malalim ngunit wala akong napala. Isang ideya ang pumasok sa aking isipan ngunit napailing ako at pumikit, Ayoko ng gawin ang bawal, ang masama, hindi ikatutuwa iyon ni Cindy at ng aking mga magulang kung sakaling nakikita man nila. Biglang kumulo ang aking t'yan at unti unting nanghihina ang aking tuhod. Napaluhod na lang ako sa lupa.

Biglang tumulo ang aking luha, Ngunit agad ko itong pinunasan. Walang ano-ano'y tumayo ako at naglakad palabas ng kweba at tumungo ako sa gitna ng gubat, Kung nasaan ang Rodoria ang pinakakinatatakutan ng lahat na mapuntahan, D'on nakalagay ang mga pagkain, Ang suplay ng mga pagkain. Sinasabi ng iba na kapag daw nag punta ka d'on ay may Malalaking Hayop na matatalas ang ngipin, ang naninirahan d'on na alaga daw ng Hariiu at hindi ka na makakalabas pa ng buhay. Isinantabi ko ang mga 'yon sa aking isip at bumuntong hininga, Hindi ko hahayaang kainin ako ng takot ko, dahil ito mismo ang papatay sa'kin, gagawin ko ang lahat para sa'min ni Cindy, Nangako akong di ko s'ya pababayaan kaya tutuparin ko 'yon.

Nakarating na ako sa gitna ng gubat at tumambad sa'kin ang nangangalawang na Bakod, ngunit mahahalata mong sobrang tibay nito. Tangkang papasok na ako ng mapagtanto kong nakakandado ito, Tumingin tingin ako sa paligid, Umakyat ako sa bakod at nakatawid naman ako papunta sa kabila. Ng makapasok na ako ay hinanap ko kaagad ng Pinaglalagyan ng mga pagkain, Nakarinig ako ng Kakuskos sa hindi kalayuan kaya agad akong napatingin d'on. Ngunit wala akong makita, Tanging puno lang andodoon. Naglakad lakad pa ako ng bahagya upang mahanap ang mga pagkain, Unang beses ko palang makapunta dito kaya wala pa akong alam sa pasikot sikot. Pinagbabawal ng Hariiu na pumunta dito ang mga naninirahan sa Rosiana, Ang sinumang mahuling nagnanakaw dito ay Dadalin sa mundo ng mga tao, Ang tanging daan para makapunta doon ay ang 'Ginintuang Orasan' Isa iyong lagusan patungo sa iba't ibang lugar. Kaya kang dal'in noon kahit saan, Sa nakaraan, Sa kasalukuyan...Kaya madaming naghahangad doon ngunit nasa pag mamay ari iyon ng Hariiu kaya hindi iyon gan'un kadaling makuha.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa tumambad sa'kin ang isang Napakalaking Bahay na yari sa Ginto. Kumikintab ito, Hinanap ko kaagad ang pintuan oara makapasok d'on at ng mahanap ko ay nag madali akong pumasok at napanganga ako sa'king nakita. Isang pagawaan ng pagkain, Napakaraming pagkain ang nakatambak sa isang gilid. Mga karne, gulay, prutas. Walang katao tao sa loob kaya naman nagmadali akong lapitan ang mga pagkain at ng tangkang hahawakan ko na ito ay...

His POV

Hindi n'ya alam na pinapanood ko lang s'ya, Akala n'ya ganoon lang kadaling makapasok dito. Walang sinuman ang p'wedeng pumasok dito maliban sa'min. Lapastangan.

Pinakatitigan ko ang kanyang mukha sa malayo at napagtanto kong napakaganda ng kan'yang mukha, Matangos na ilong, Maliliit na Mata, Mahahabang pilik Mata, At Manipis na labi. Napakagandang nilalang ngunit pasaway. Napailing na lang ako sa'king naisip.

Ng mainip ako ay nilabas ko ang aking Rosas sa aking palad. Napakapulang Rosas na kumikintab, Tanda na isa akong dugong Bughaw. Itinago ko kaagad ito at itinutok ang atens'yon sa dalagang pasaway.

Nang akmang hahawakan n'ya na ang pagkain upang kainin ito ay agad kong pinaalis ang mga kawal upang hulihin ang pasaway na babaeng 'yon. Ng mahuli s'ya ay dinala agad s'ya sa'kin ng mga kawal ko.

Rose's POV

Kahit anong palag ko ay ayaw akong pakawalan ng mga taong nangakasuot ng kalasag. Psh.

"Bitawan n'yo nga ako sabi eh!" sigaw ko ngunit hawak hawak pa din nila ako sa magkabilang braso, Sinubukan kong sipain ang isang kawal ngunit ako lang ang nasaktan. Napangiwi ako sa sakit. Hindi na ako pumalag pa dahil wala namang 'yon magagawa, Malalakas sila at ako ay isang ordinaryong babae lang. Napayuko ako at nararamdaman ko na ang mga luha na nagbabadyang tumulo, Bumuntong hininga ako at Pag ka angat ko ng aking ulo ay tumambad sa'kin ang isang matipunong dibdib,Matigas ito. Tumingala pa ako para makita kung sino iyon agad akong yumuko.

"Alam mo namang sigurong bawal mag punta dito?" tanong n'ya

"Opo" Pabulong na sagot ko.

"Bakit andito ka?, Isa ka lang dukha at bawal ka dito alam mo 'yon?" hindi ako nakasagot ngunit napayukom ang aking kamao. "Patay Gutom" pahabol na sabi n'ya at akmang tatalikod na s'ya ng magsalita ako.

"Eh ikaw?Bat andito ka?Kasasabi mo lang na bawal dito" Humarap s'ya sa'kin na nakangisi.

"Dahil nakakataas ako, At ako ang susunod na mag Hahari dito sa Rosiana kaya galangin mo ako dahil ako ang Prinsipe" Ngising wika nito.

"Wala 'kong pake alam kung Prinsepe ka man, At hindi porque nakakataas ka ay p'wede ka ng mang api?" Alam kong nagtitimpi na ito ng galit dahil ayaw na ayaw n'yang binabastos s'ya. "Nakakahiya ka. Napakalayo ng ugali mo sa iyong Ama, Lapastangan" pahabol na sagot ko at biglang nag dilim ang paligid. Lumakas ang hangin at may naririnig akong kaluskos sa paligid at mga sigaw. Ng lumiwanag na ay tumambad sa'king harapan ang isang Orasan na kulay ginto at Napakalaki nito, May isang maliit na pinto na tama lang para pasukan ng isang gaya ko.

"At simula mamaya ay mawawala ka na dito, Mag paalam ka na sa mga Mahal mo sa buhay dahil hindi ka na nila makikita pang Muli" wika nito na nag patigil saakin, Si Cindy agad ang pumasok saaking isipan, Paano na s'ya? Pag wala ako. Hindi maaari, Hindi p'wede...

Continue...

The Story Of Rose GreenWhere stories live. Discover now