Cupid 4.

25 2 0
                                    

 Cupid 4: Asking him?

Kysler's POV

Aw. Langyang babae yun a. Ansakit parin. Humanda talaga yun pag nagkita ulet kami. Arrg.

Lumabas na ko ng kwarto kung nasaan kami kanina at sakto din ang paglabas ng banda sa katapat na kwarto.

"Oh, pare anong nangyare sayo?" tanong ni Toby nung nakita niya kong halos namimilipit sa sakit ng sikmura ko.

"Hahaha. Itae mo nalang yan Kysler! HAHAHHA." langya talaga to si Dylan o. At ang mga loko nagtawanan pa. Mga kaibigan ko ba talaga sila? Tsk.

Pinaupo na nila ako sa may upuan sa may hallway tsaka nagtanong.

"Ano ba kasi nangyare sayo?" medyo seryosong tanong ni James.

"Yung babae kasi kanina, sinikmuraan ako. T*ena. Parang di babae e." at ang mga loko. Ayun. Hagalpak ang tawa.

"Grabe dude. Di ako makapaniwalang natalo ka ng isang babae." si Dylan na kulang nalang mamatay na sa kakatawa.

"Hindi lang yun. Hindi pa tinablan ng charms niya. Wahahah" -james

"Baka naman kasi ikaw James yung gusto." parang bigla naman namutla si James at natahimik tapos biglang tumawa. Parang baliw.

"Tsk. Tumigil na nga kayo. Kairita e." tumigil naman sila pero etong si Dylan hindi natinag. Tawa parin siya ng tawa.

*POINK*

"A-aray ko naman Louie. Ansama mo!" binatukan ko kasi at ang g*go nagpacute pa.

"Gaaaaaay~!" sabay sabay naman naming sabi ni James at Toby.

"Teka nga, asan pala si Jillian?" tanong ko.

"Huh? May date ata sila nung boyfriend niya e." -Toby

"Ahhh."

"Ano Kysler?" pinagsasabi netong James nato?

"Huh?"

"Ay, tanga! Hahahahaha" tawa netong si Dylan

"Yung pictures, kailangan namin yun" -Toby

"Ahhh--" kukunin ko na sana yung camera ko kaya lang.. O.O Asan na ba yun??

"Oy pare, ano nangyare sayo?" -Toby

"Yung.. Yung CAMERA KO!! Hinablot nung babae kanina!!" aiish. Okay lang sakin kahit bigyan ko pa siya ng sangdosenang camera. Mayaman naman kami. Wag lang yung camera na yun. Importante yun sakin e. Bigay pa sakin yun ni Denise e.

"HAHAH!. Louie, kaya pala di tinablan ng pagkacasanova mo e. Yung camera mo pala ang gusto! HAHAHAHAH." si Dylan na wala nang ginawa kundi ang mangasar at ayun sila tawanan na naman. Haaaays. Kailangan ko mahanap yung babaeng yun.

**

Zai's POV

Inhale. Exhale. Whoo.

Kanina pa ko tumatakbo at dito ako napahinto sa may park malapit sa amin. Di ko alam pero parang bumigat yung notebook na hawak ko at parang nagiba yung shape..

Umupo muna ako sa may swing at saka napatingin sa hawak ko na..

O.O

NOTEBOO--K-K?!?! OoO

A Cupid InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon