.
Cupid 5: His Answer
Kysler's POV
Hanggang ngayon hindi ko padin gets yung babaeng yun. Nakakainis siya. Napakaimmature niya. Naniniwala pa siya sa cupid cupid shtt na yun. Tsk.
Pano na yung mga pictures na kailangan ng banda andun. Pero who cares. Yung camera ko yung importante.
F L A S H B A C K
"...ikaw! Mula ngayon ikaw na ang cupid ko." nakangiting sabi ni crazy immaure girl.
"Are you crazy?!! Anong cupid ang pinagsasabi mo diyan?"
"Kapalit ng camera mo, ikaw ang magiging cupid ko, or should i say namin."
"Teka nga, cupid ka ng cupid e no. Hindi ko naman maintindihan yang pinagsasabi mo."
"Tutulungan mo lang naman ako na mahulog sakin yung taong gusto ko e."
"Tss. Sino?"
"Si JAMES VILLARUIZ nga!" makasigaw naman to kala mo, natanong ko na. Tss.
"Aish. I don't have time for this."
"Eeeeh. Sige na. Barkada mo naman siya e."
"Just give me back my camera. -.- "
"Ayoko. Hanggant di ka pumapayag, di ko ibabalik yung camera mo. Ikaw may kasalanan kung bakit hindi natuloy yung plano ko non e."
"Tss. Whatever"
-End of Flashback-
Hindi ko alam pano ko mababawi yung camera ko. Haaays
Naglakad lakad muna ako sa schoolgrounds at nagisip isip kung anong dapat kog gawin para mabawi ko yung camera ko sa babaeng yun.
I was trying to think then bigla kong naisipan na bisitahin si Denise. Hindi na muna ako aattend ng klase. Wala rin naman masyadong gagawin e.
Tumakbo ako sa parking lot at saka sumakay sa kotse ko.
Pinaandar ko na ito at ilang sandali lang din, nakarating na rin ako sa lugar kung nasan si Denise.
Agad ko naman siyang nilapitan at inilapag ang dala kong bulalaklak na binili ko kanina sa harap niya. Umupo ako at saka ko siya kinausap.
"Denise, miss na miss na kita.. Hindi ko alam bat mo ko iniwan sabi mo kasi hindi mo ko iiwan e. Sorry a. Sorry kasi namisunderstood mo lahat." unti unti nang namumuo yung mga luha ko habang kausap ko ang puntod ni Denise.
"Denise, mahal na mahal parin kita hanggang ngayon. Ikaw parin hanggang ngayon.."
*sniff sniiff*
"Kahit gaano pa nila sabihing perpekto ang buhay ko, kulang na kulang parin kasi wala ka. Hindi ko magawang maging masaya ng totoo."
Tumulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigilan. Yumuko nalang ako don atsaka umiyak.
Mayamaya may naaninag ako na nagaabot ng panyo sakin.
Pinunasan ko yung luha ko atsaka ko siya tinignan.
"Bat ka umiiyak?" nakakahiya. Siya pa nakakita sakin. Tsk.
"Pakielam mo?!" tsaka ako tumayo at palakad na sana..
"Sino siya?" napahinto ako. At paglingon ko sakanya, nakaturo siya sa puntod ni Denise.
"Tss. Bat ka ba andito?!"
"Sungit mo. Dinalaw ko lang naman si mama tapos nakita kita habang naglalakad ako, pauwi na sana ako."
Hindi nalang ako umimik dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko sakanya. Nagsimula nakong maglakad. Nagulat nalang ako nang biglang may kumapit sa may braso ko.
"Uy. Kaanoano mo yun?"
Tinignan ko lang siya nang walang reaksyon atsaka nagtuloytuoy sa paglakad.
"Aish. Edi wag mo sabihin!" tapos nauna na siya maglakad. Tignan mo yun.
Nahabol ko naman agad siya dahil mas malaki akong humakbang kaysa sakanya. Ihahatid ko na, medyo madilim narin kasi e. Antagal ko rin palang andun.
"Tara. Hatid na kita"
"Huh? Osige! ^_____________^" pumayag naman agad. Yung iba kasi kunwari pakipot. Kakaiba talaga siya.
Zai's POV
Sumakay na kami sa kotse niya daw atsaka niya pinaandar yun. Sa harap ako umupo kaya katabi ko siya.
Tahimik lang kami dun hanggang sa binasag niya yung katahimikan.
"Ano nga kasing pangalan mo?" grabe a. Ngayon niya lang naisip itanong yan?
"Zaira Dein Luis. Zai for short." atsaka ako ngumiti ng malapad.
"Ahh. Kysler." pinagsasabi neto. Kakasabi ko lang Zai ang pangalan ko e.
"Huh? Zai nga pangalan ko, Z-A-I-R-A, Zai-ra."
Tumawa naman siya saglit atska nagsalita ulet.
"No. Imean my name." ay. pahiya ako dun a.
"Ah. Alam ko." sino namang di makakaalam e, sikat na casanova siya.
"San nga pala bahay niyo?" oonga no. Kanina pa siya drive ng drive pero hindi niya pa pala alam kung saan ang bahay ko.
Sinabi ko naman kung saan ako nakatira. At siya naman, hindi na nagsalita hanggang sa marating na namin yung bahay ko.
"Thankyou a. Gusto mong pumasok muna?" nakakaiya naman kasi kung di ko man lang papasukin diba.
"Hindi na. Kailangan ko narin kasi umuwi e."
"Ah sige bye." Naglakad nako at papasok na sana ako sa may gate ng bahay namin nung tawagin niya ko??
"Immature girl! "
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
"Bakit? May iba pa bang immature dito?" tignan mo to. Ang hilig talagang mamabara.
"Tss. Bakit?"
"About dun sa sinasabi mong cupid, pumapayag nako."

BINABASA MO ANG
A Cupid Inlove
RomansaMeet Kysler Jun Rutherfort, gwapo, mayaman, mayroong perpektong buhay at kilala bilang isang casanova sa Starjem University. His life made a sudden change since the day he agreed on an immature girl named Zaira, to be his cupid. Pero pano kung ang m...