May mga bagay na sa huli mo nalang mapagtatanto. Hindi dahil nagbulag-bulagan ka nung umpisa kundi sinunod mo lang yung alam mong gusto mo at sa tingin mo makapagpapasaya sayo. Para sa akin, “Realization is the best teacher”, kasama na din siguro dito yung experiences mo, kasi sa time na ma-realize mo yung mga bagay na ginawa, ginagawa or gagawin pa lang ayun yung panahon na natuto ka, natututo, at matututo. Sa proseso ng realization, babalikan mo yung mga bagay bagay, iisipin mo yung mga nagawa mo, tama man ito o mali; naging maganda man ang resulta o hindi; masaya man o malungkot.
Sa buhay ng tao, sa iba’t ibang pagkakataon mo mararanasan yung realizations tulad nga ng nasabi ko kanina. Pero kadalasan, ito ay dumarating sa bandang huli. Kung saan, may pagkakataon na hindi na pwedeng itama ang mga nagawa mong mali at dapat na lang magkaroon ng acceptance. Pero pwede ring reversible pa, yun bang hindi pa huli ang lahat at may magagawa ka pa.
Hindi lang sa school pwedeng matuto, minsan nga kaya mo naman turuan ang sarili mo o pwede ding matuto sa experiences at realizations ng ibang tao. Malawak ang mundo. Matuto kang mag explore, mag experiment at mag risk. In the end, you can look back to those things you’ve done, and you’ll be able to write your own story. You’re the one who can figure it out if you’ll end up with a good conclusion or not. But for whatever it takes, regret nothing. Just be thankful that you experienced such things whether it made you either happy or sad in the end.
Ito po ay mga point of views ko lang, realizations at experiences na nagturo sakin kung paano maging matatag, kung paano mag move on, sumuko at tanggapin ang pagkatalo. Mga bagay na nakapagpasaya sakin at tumulong din na madevelop ang sarili ko kung sino man ako ngayon; things in life that are helping me to go on living despite of all the challenges that keep on coming my way. I wanna share some of them. I hope you’ll find something here that will inspire you, too. I just wanna voice out my thoughts; I hope it’ll reach you. -30-
http://twitter.com/rocelight