CHAPTER 1*THE AMULET*

15K 371 11
                                    

Ready for chapter 1?!😂

Heto na!

*****

HAAAYYYSSST! Natapos din sawakas ang summer ang boring kasi ng summer ko. Ang ginagawa ko lang Dumidilig ng halaman, Kumakain, Natutulog, Nag Ce-Cellphone, at tumutulong sa Pharmacy namin. Oo, may Pharmacy kami.

So on and so forth. Ulitin niyo nalang ang pagbasa nun dahil ganun din naman eh! Yun yung ginagawa ko araw-araw paulit-ulit nalang. Mas matutuwa pa nga ako kung uutusan ako ni Lola na mamalengke kasi Kahit papano makakapag-libot libot ako.

Oh?!

Anyways... I'm Jasmine Tiana Alexa Sunshine. Yes our family name is Sunshine weird nga eh! Diba?

I have pure black hair, white skin, pink lips kahit Hindi nag li-lipstick(It's natural ganun kapag ipinanganak at biniyayaan ng sobra-sobrang kagandahan.) And medyo bilugin na mga mata matangos din ang ilong ko infairness.

Pinalaki ako ng Lola at auntie ko kasi namatay daw yung mga magulang ko dahil sa isang accident.

Nakakalungkot nga eh dahil hindi ko sila nakita wala ding picture si Lola ko sakanila. Sanggol palang daw ako noon nung nangyari ang accidente. Kahit di ko sila nakita, nahawakan at nayakap miss ko na sila.

By the way, nandito ako ngayon sa kwarto ko Nag lalagay ng gamit sa bag para sa darating na pasukan. Kasi next week na yung klase. Bilis ng panahon noh?! Kainis.

At isa pa wala kasi akong magawa pampalipas oras narin toh. Kahit boring.

Habang naglalagay ako ng gamit sa bag may bigla namang kumatok ng pintuan.

Knock! Knock! Knock!

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Lola Cora. Kahit matanda na infairness maganda parin si Lola. Mahilig syang mangolekta ng tea pots and tea cups.

Pero may collection din sya sa mga plato na maliliit na may magagandang desenyo. Grabe Kahit plato kino-collect. Hayaan na magaganda naman eh! Di tulad sa ibang antique collector na sobrang weird at creepy ng kinokolekta.

Silang dalawa ni auntie ay mahilig sa halaman habang ako naman mahilig sa bulaklak I dont know why pero sometimes kinakausap ko pa ang mga ito. Nagmumukha tuloy akong baliw minsan. Pero the weird thing is...parang naiintindihan ko sila(Baliw na nga ako😂)

"Lola cora bakit po?"tanong ko. Kasi dapat nasa pharmacy na sya ngayon.

"Wala lang, apo bukas na pala ang kaarawan mo kaya't may regalo ako para saiyo."Sagot naman ni Lola na malumanay. Mahinhin si Lola pero kung magalit... Good Bye Philipines! Joke lang.

Sa katunayan nga hindi ko pa nakikita si Lola na magalit. Iba kasi ang paraan nila ni auntie ng pagdidipsiplina saakin.

"Advance talaga?! pero ok lang po love you Lola." Wika ko at niyakap sya. Kahit kelan ang sweet niyang Lola.

"I love you too apo." Wika ni Lola. kumalas na kami sa yakapan. At may ibinigay sya saaking isang Amulet.

"Apo kailangan alagaan mo yang amulet na iyan na higit pa sa anumang bagay na importante para saiyo maliwanag ba?!"wika ni Lola. Wait- importante sila para sakin sila ni auntie.

Wala sa sarili nalang  na napatango ako. Ngumiti lang si Lola na napakatamis at umalis na sya. kailangan kong alagaan ang kwintas na ito na higit pa sa anumang mga importante na bagay? Bakit?

I can say na maganda talaga ang amulet na ito kaya ba kailangan dapat talaga ito ingatan gaano ba ito kaimportante? Pero naiintindihan ko naman si Lola.

Baka napaka importante ng amulet na ito sakanya kaya ganoon nalang niya ito ipinaiingatan saakin.

Meron syang pendant na maliit na dahon na may maliit na diamante sa gitna at sa loob ng diamante ay may napaka liit na bulak-lak na kulay dilaw na may glitters. At ang chain naman ay ginto.

Ang bulaklak ay biglang kumislap kaya bigla akong nagulat, kumurap-kurap ako at...wala naman! Ay paasa kala ko parang twinkle lights eh! baka guni guni ko lang yun?! Isinuot ko nalang ang kwintas at bumalik sa pag arrange ng mga gamit ko. Kala ko pa naman twinkle lights.

Weird pero parang may kakaiba akong nararamdaman nung isinuot ko ang kwintas na ito. Oh well.

Binalewala ko nalang iyon. Pero excited na ako para bukas Kaarawan ko na.

The Guardians Of Altariah:The Orb Of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon