CHAPTER 7 *AMAZED*

5K 193 4
                                    

Nagising ako Dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Bumangon ako at kinusot-kusot ang mga mata ko pagtingin ko sa paligid.

Nanlaki ang mga mata ko hindi ko toh Bahay ha?! O-M-G nasaan ako?Bakit dito ako sa damo natulog?Atsaka paano natanggal ang contact lense ko?pinulot ko ito. Hays! Di ko na ito magagamit kaya tumayo nalang ako para mas makita ng mabuti ang paligid ko. Wala naman sigurong mga tao dito kaya walang makakakita ng mata ko.

"Wow!"manghang-mangha na sabi ko. Ang Ganda ng field of flowers. Bigla namang gumalaw ang bush na nasa likuran ko.

Hinanda ko ang sarili ko sa kung anuman ang ma-encounter ko baka yung bilog nanaman toh na lumulutang Gumalaw ulit ito, at Lumabas ang isang kuneho na kulay green at pink."Ang cute mo!"sabi ko. Nilapitan ko siya at kinarga. Akala ko yung bilog na lumulutang nanaman eh.

Yung pink parts ng kuneho ay pink glitters pala! at yung green parts ay maliliit na dahon. At ang mata niya ang kyuuuut! ang ang liit pa niya.

Hahakbang na sana ako ng biglang nabiyak ang lupa kinatatayuan ko."waaaahhh!"sigaw ko. Nahulog lang naman ako galing sa itaas nasa maliit na bundok pala ako na maraming puno.

Buti Hindi nasaktan si Cutie bunny yan ang magiging pet name ko sakanya. Naglakad-lakad ako sa flower field iba-iba ang kulay ng mga bulak-lak. Karga-karga ko parin yung kuneho.

May green, pink, violet, white, orange, red Etc. Basta Marami ang kulay ng bulaklak dito. At lahat sila may glitters sa petal nila! manghang-mangha ako sa mga nakikita ko.

Hindi ito ordinaryo, may mga maliliit naman na butterfly's ang Pumunta sakin. Pinalilibutan nila ako kulay dilaw at puti sila. May glitters din sa pak-pak nila. Wait?!- Paano ako napunta dito? Aish! Kasalanan toh ng bilog na yun na lumulutang. Habang naglalakad ako bigla naman akong nakaramdam ng presensiya ng isang tao.

Kanina pa eto eh! Pero binabalewala ko Dahil natutuwa ako sa mga butterfly's na nakapaligid sakin.

"Lumabas ka kung Ayaw mo na gamitan kita ng kungfu-moves ko, black belter kaya ako."sabi ko. Habang naka position na.

Hindi niya yata alam kung Sino ang kinalaba-

Hindi ko na naituloy ang sinabi ko sa sarili ko Dahil may lumitaw na isang napakagwapong nilalang. Ang gwapo niya bes parang anghel!na Pumunta sa lupa para lang pakasalan ako.

Grabe naman ang imagination ko noh!pakasal agad-agad. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Brown ang buhok niya, green ang mga mata, Maputi, Brown ang jacket, green na shirt, Green ang pants, Brown na sapatos. He's harmless...I think.

Lumapit siya saakin at may kinuha siya sa kanyang likod, Baka bulaklak para sa isang magandang babae...ay ako yun.

Ngunit Hindi pala bulaklak kundi...Nanlaki ang mga mata ko. Itinapat niya saakin ang isang dagger na Medyo mahaba.

Kulay green na may maliliit na ugat ang handle nito at napaka tulis ng blade na halos o malapit nang madikit sa lalamunan ko.

"Sino ka? Saan ka nanggaling? Bakit first time kitang nakita dito?May kasama ka ba?Ilan sila?"Sunod-Sunod na tanong niya.

"A-Ah W-wala akong kasama!"sagot ko. Binaba niya ang dagger niya."Pwede ba isa-isahin mo ang tanong mo?mahina ang kalaban!"dag-dag ko pa.

"A-Ano?Kalaban ka?"tanong niya. At itinutok ulit sakin ang dagger. Tanga ba toh?expression lang yun eh!

"It's just a expression."Pagkasabi ko nun ibinaba niya ang kanyang dagger.

"Sorry ha! Akala ko kasi kalaban ka. Expression lang pala yun!Hehehe."sabi niya. Habang kinakamot ang batok niya. Baliw ba toh?!

"Tara dun tayo sa bahay ko mag-usap. Maraming Darkeria's ang nasa paligid malay mo nagpaplano na silang pugutan tayo ng ulo."sabi niya. Tumayo naman ang balahibo ko...P-Pugutan ng ulo? Darkerias?Hindi na ako nagsalita pa at Naglakad na kami.

Someone's Pov

Bwahahaha nandito kana. I'm not expecting it pero balang araw ay magkikita din tayo.

*****

Please don't forget to leave a vote and also comment your thoughts.

Don't forget to read my other story come check it out on my profile.

Jamseon_Ace

●ω●

The Guardians Of Altariah:The Orb Of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon