CHAPTER 17 *IMARAH IN MORTAL WORLD"

3.2K 116 2
                                    

Third Person's Pov

Naglalakad ngayon sina Jasmine at Imarah sa village, grabe naman ang pagkamangha ni Imarah sa mga bagay na kanyang nakikita.

Katulad nalang ng poste na inakala niya na isang Puno na walang halaman, kotse na parang daw hayop na kakaiba at mga bahay na Tila ay parang halimaw sa paningin niya.

Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa pagka ignorante niya ang iba inakala na taong bundok siya.

Hanggang sa nakarating na sila sa bahay. Kumatok si Jasmine at agad naman siyang pinagbuksan ng auntie Vera niya.

"Jasmine?Mama nakabalik na si Jasmine!!!"sigaw ni Vera. Napatakip naman ng tenga ang dalaga dahil sa tili ng auntie niya at niyakap ng mahigpit ang kanyang pamangkin.

Agad naman bumaba galing sa hagdan si lola Cora.At nagulat siya sa Kung Sino ang kasama ni Jasmine.

"Imarah?Aking kapatid?"sigaw ni lola Cora at niyakap ng mahigpit ang kanyang kapatid na kay tagal na niyang hindi nakita.

"Kapatid?"tanong ni Jasmine. Tumango naman si Vera.

"Sana patawarin mo ako dahil naiwan ka namin!maniwala ka hinanap kita."paliwanag ni lola Cora.

Nginitian naman siya ni Imarah."Pinapatawad na kita aking kapatid hinanap ko din kayo ni Vera pero...pumalpak ang portal na ginawa ko."pagpapaliwanag ni Imarah.

Hindi na napigilan na lumuha ni lola Cora sapagkat matagal na panahon na silang hindi nagkita ng kapatid niya. Pero masaya din siya dahil sawakas natupad ang kaniyang hiling at pinatawad na din siya.

"Halika na kumain na tayo."sabi ni lola Cora at pinunasan ang kaniyang luha. Pumunta na sila sa dining area at umupo.

"Tayo'y maghawak kamay."Hinawakan namin ang kamay ng bawat-isa.

"Kami ay nagpapasalamat sa isang napakagandang araw na ipinagkaloob niyo saamin, at ngayon ay natupad ang aking matagal nang hiling na makasama ang aking iisang kapatid na si Imarah. Maraming salamat po aming bathala."Lola cora. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan.

"Jasmine? ikuwento mo nga Kung paano ka napunta sa Altariah?"Vera.

"Mahabang storya pero susubukan ko po ipaliwanag. Ahem~Nagsimula po ang lahat dahil dun sa dilaw na bolang medyo maliit na lumulutang-"Hindi na natapos si Jasmine dahil napansin niya na gulat na Napatingin sakanya sina Imarah, Cora at Vera.

"So ang ibig mong sabihin na dinala ka ng Orb Of Light sa Altariah?"tanong ni lola Cora.

Tumango naman siya bilang sagot. Kahit di niya alam ang tawag dun.

"Apo mag-usap tayo mamaya may importante lang ako sasabihin saiyo."lola Cora.

"Ano po iyon?"Jasmine.

"Basta importante!"lola cora.

Jasmine's Pov

Nandito ako sa kwarto ko binabasa yung libro na kinuha o sabihin nalang natin na...ninakaw ko sa library.

Habang Nagbabasa ako may kumatok naman sa pinto. Kaya binuksan ko na ito.Si lola pala!ano kaya ang sasabihin niya? Teka bakit kinakabahan ako?

"Apo may kailangan kang malaman."lola Cora. Parang importante yata toh seryoso kasi mukha ni lola. Wait! Don't tell me-
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Ano po iyon?Bakit may sakit ka?may taning na ba ang buhay niyo?lola please Kung bad news yan wag niyo na po sabihin."Aking nasabi, ngunit napatawa naman ng mahina si lola.

Bakit siya tumawa? Ano bang problema?

Takhang tinignan ko naman siya. O di kaya nababaliw na siya? bigla naman sumeryoso ulit ang mukha niya.

"Sa tingin ko oras na."bumuntong hininga muna siya bago nag salita ulit.

~~~~~

Sowwy.....guys puputulin ko muna dito.

Sabaw?

Patapon?

Sorry! nagkasakit kasi si author.

Hope you will understand.

Salamat sa mga nakakaintindi!

The Guardians Of Altariah:The Orb Of LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon