Jasmine's pov
3 weeks after
Training, yan ang ginagawa namin araw-araw. Ilang araw ang lumipas at nakakaya ko nang kontrolin ang aking iba pang mga kapangyarihan.
I can now control the Water, Fire, Earth, Air, ice, Electric. But something came up that is unexpected. Hindi namin iyon inaasahan dahil bigla nalang iyon lumabas galing sa mga palad ko.
Kaya kong kontrolin ang elemento ng pagkasira at pagkawasak, the element of darkness. It can destroy things.
Noong hinugot ko ang sword of hera ay nagbago ang kulay ng isang mata ko, kada gagamitin ko ang elemento ng kadiliman nagbabago ang kulay isang mata ko. Ngayon di ko na talaga alam kung sino ba talaga ako o kung ano ako.
I don't even know who my father is. Pati sila lola kung tinatanong ko naman sila iibahin nila agad yung topic. What's wrong?masama ba magtanong tungkol sa kung sino ang aking ama? isa ba siyang hari? o ordinaryong mamamayan sa altariah lamang?
I'm clueless and i don't have any idea kung sino ang ama ko. Sakanya ko siguro namana ang ikalawang kapangyarihan ko which is ang elemento ng kadiliman opposite ng elemento ng liwanang.
Gulung-gulo na ako. Andami ko nang katanungan sa isip ko.
Pero isa lang ang gusto ko malaman tungkol sa ama ko. Is he a darkeria?
*****
May mga nagbago this past few days. Nalaman nalang namin na magkasintahan pala si leyla at tristan. Kenekeleg aketch! bagay sila.
Nanliligaw pala si tristan kay leyla noon pa. Noong di pa ako nakarating sa altariah. Pero di niya manlang sinabi saamin dalawa ni wendye*pout*
Mabuti pa siya may lovelife ako wala. Huhuhu T-T
Mr.Author?
(A/N:Ano?)
Kailan ba ako magkaka lovelife?
(A/N:Pag sinagot mo na si ***********.)
Ha? Di ko gets.
(A/N:Bahal ka jan, ang manhid mo. Kung manliligaw mo ako, noon pa ako sumuko.)
Grabe ka naman di naman ako ganun.
(A/N:Basta bahala ka!tsk. Manhid ng babaeng ito di manlang nararamdaman na may gusto si *******sakanya.)
.
.
.
Hays! grabe si Mr.author manhid ba ako guys? di naman siguro noh? comment niyo nalang para mabasa namin ni Mr. A ang sagot niyo.Well, malapit na din ang digmaan at handa na kami dun. Sana walang mawala... Sana buo parin kami lahat. Napagtanto ko kasi na hindi ko pala kaya kapag ako lang mag isa and luckily I have my true friends who are ready to fight alongside with me.
*****
Gabi na at natutulog na silang lahat. Si leyla naman ang lakas humilik. Di tuloy ako makatulog T-T
Ang init naman!
Lumabas muna ako magpapahangin muna ako mabilis lang.
Naglakad-lakad ako dito sa gitna ng gubat. Hindi naman problema na mawala ako dito sa masukal na kagubatan kaya ko naman magteleport pabalik.
Habang naglalakad may napansin akong kakaibang pwersa na pamilyar saakin. Lumingon ako at nakita ko si guardian at si... Errr... Sino nga toh? Ah, si Flarne yung Flynx na nakalaban ko para sa sword of hera.
Why are they here? they just smiled at me. I smiled back at lumapit ako sakanila.
"Bakit po kayo nandito?"ako. Eh sa curious ako eh.
"Kasi andito ka din."flarne. Aba't pilosopo tong aso na to ah! basain ko kaya tong umaapoy niyang ulo.
"I can read your damn mind!"She said habang intense na nakatingin saakin. I just rolled my eyes. Kasalanan niya yan no! Pinahirapan niya kaya ako.
"Jasmine... May gusto lang kami sabihin saiyo."guardian.
"Ang totoo na dapat mong malaman noon pa."Flarne. Ano? anong pinagsasabi nila?nagtataka ko naman silang tinignan.
"Im the half of your mother's soul...I(Nanlaki naman ang mga mata ko) Inatasan niya akong protektahan at gabayan ka na tulad ng ginagawa ng isang ina, gusto niya iparamdam saiyo kung paano magkaroon ng isang ina dahil alam niya na mawawala din siya dahil sa malakas na pwersa ng kadiliman sa pinagkulungan niya ngayon.
Hindi makakaligtas ang maliit na pwersa ng liwanag sa malaking pwersa ng kadiliman. Ngunit binilin niya saakin na sabihin saiyo na huwag mo na daw siyang hanapin. Sapagkat pinapasabi niya na mahal na mahal ka niya."guardian. A-ano? pinagkulungan? half soul? wait-
"Nasaan siya? gusto ko na siya makita. Gusto ko na siya makasama."ako. Hahanapin ko ang aking ina kahit saan man sulok ng altariah hahanapin ko siya. Madami din akong kailangan tanungin sakanya.
"Hindi pwede narinig mo naman yung sinabi ko saiyong bilin niy-i cut her off.
"Please! Nagmamakaawa ako saiyo guardian! sabihin mo saakin kung nasaan ang aking ina."ako. Umiiyak na ako. Gustong gusto ko na siya makasama gustong gusto ko makita ang mukha niya.
"Nakakulung siya ngayon sa dungeon ng darkeria."guardian. So tama pala ang sinabi ni dark king noon na nasa dungeon ang aking ina.
Ililigtas kita aking ina hintayin mo lamang ako.
~~~~~
Hi~
Please vote and comment your thoughts.
Maiiligtas ba niya ang kaniyang ina? Hmmm...
(-^〇^-)

BINABASA MO ANG
The Guardians Of Altariah:The Orb Of Light
FantasyA world full of mystery and magic, A world where fairytales exist, A world where dark force reigns, A world ruled by a ruthless king, Until..... A girl landed on this world and discovered something that changed her life forever. Who might she be? ...