Chapter 2

365 7 1
                                    

Pagkauwi ko halata sa mga mukha na magulang ko ang lungkot. Sino ba namang hindi malulungkot sa nangyari? Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari. Hindi ako makapaniwala na wala na si Nica. Hindi ko naman pwede kwestyunin ang Panginoon kung bakit nangyari to, kasi in God's time mangyayari ang lahat. Pwede nya kuhanin ang buhay nino man sa isang iglap. Pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Si Nica ay isa sa G-12 ko. Sya ang pinaka malapit sa akin. As in! Nagkakasundo kami sa taste ng damit, pagkain, hobbies and everything. Feeling ko nga magkapatid kami. Close kami kahit wala na kami sa loob ng church. Nadedate kami kung saan saan, nagpapaganda. Pero hindi kami nagkikita nitong mga nakaraang linggo dahil sa hectic ng sched ko sa school. More on text kami. Hindi ko alam na nung Anniversary nung Church ang huli naming pagkikita.

"Ma, Pa, ano na balita?"

nilapag ko lahat ng gamit ko sa couch.

"Wala na si Nica anak." -Mama

"Ano po ba nangyari?"

"Alam mo anak yung bituka sa Quezon? Pauwi na sila, dahil maulan-madulas ang daanan at walang post light doon, nawalan ng control yung driver ng bus. Asa exposure trip sila eh, pumunta sila sa isang mental hospital. Narecover na yung katawan ni Nica pero may ilang mga kaklase nya pa na hindi nakukuha."

"Bukas anak pupunta tayo sa kanila."

Hindi ko maiwasang hindi umiyak sa harapan nila. Grabe! Yung kapatid ko wala na. Napaka tulin ng pangyayari. Bakit?

"Anak, alam mo kung makikita natin sya ngayon ang saya nya. Kasi wala na syang paghihirap, mga masasakit na mararamdaman. Ngayon andon na sya papunta sa itaas."

"Opo Papa alam ko yun. Wala na tayong magagawa kundi magdasal."

"Anak magbihis ka na at kumain na tayo." si Mama habang naghahanda pagkain

"Opo."

Sa hapag kainan hindi na muna namin pinagusapan ang nangyari kay Nica, walang gusto mag-open ng topic.

"Alam nyo po matataas nakuha kong grades sa midterm? Naperfect ko yung Psy Stat, Chemistry 3, Zoology. Yung iba po mga 5-7 mistakes lang. Sayang nga po eh."

"Wow naman anak! Proud na proud kami sayo."

"Syempre! Kailangan ko po magsikap para mas yumaman tayo."

Yabang ko ba? Mayaman kami sa palagay ko kasi hindi lang kami 3 beses kung kumain sa isang araw (pag nandito ako). Nabibili namin gusto namin. Nakakapunta kung san man gustuhin. Kaya sa tingin ko mayaman kami.

Pagkatapos kumain at magshower agad agad akong nakatulog, kasi tiyak mapapagod ako bukas.

" Good morning Mama! Si Papa?"

" Ayun pumasok muna. Mamaya raw tayo pupunta sa burol pagkauwi nya."

Naalala ko na naman si Nica.

"Osige po. Ma ano almusal? Namiss ko luto nyo! Puro ako fastfood, kaya tignan nyo katawan ko. Ang taba ko."

"Favorite mo niluto ko. "

" I miss you so much Mama" niyakap at hinalik-halikan ko sya. Malambing talaga ako sa mga magulang ko kahit mga tu-twent one na ako. " Pwede ba ako mag gym mamaya?"

"Sige kumain muna tayo."

Namiss ng mga tendons ko ang stretching ah! Hahaha! Grabe ang taba ko na. Work out. Work out. Work out!

5pm umuwi si Papa sa bahay, at pagkakain nya ay aalis na kami. 

Sa labas pa lang ng street nila ay puro na sasakyan. Grabe ang daming tao. Pinauna na kami ni Mama bumaba para makahanap parking si Papa. May mga reporters. May mga ususera. May mga gusto lang masabing nakapunta sila. May mga umiiyak. Hindi kami agad nakalapit sa coffin ni Nica kasi ang daming tao. Sa sobrang dami ng tao asa labas pa rin kami ng gate nila Papa.

"Pastor!" Ate ni Nica.

"Condolence Shin." niyakap ko sya. Kaclose ko rin sya kaso mas close talaga kami ni Nica.

"Thank you."

"Kelan uuwi Moomy at Daddy mo?" -Pa

wala rito sa bansa magulang nila. Parehong ofw.

"Si Daddy po bukas. Si Mommy po sa Sabado raw. Tara po sa loob."

Sobrang dami ng tao talaga! Punong-puno. Puro flash kasi sa camera ng reporter. Nung papalapit na kami nila Mama sa kabaong dun na ako naging emosyonal. Miss na miss ko na si Nica, tapos ganto pa aabutan ko? Ang ganda nya pa rin. Walang kupas. Sayang lang na ang bata nya, hindi pa nagsisimula ang buhay nya tapos kinuha na sya.

"Anak okay lang yan."

"Opo Papa, nalulungkot lang talaga ako kasi malapit sya sa akin."

Magtatatlong oras na kami dito. Hindi naman ako naiinip kasi ang daming tao. Saka andito mga kachurchmates ko.

"Grabe mami noh? Parang sa isang iglap boom! Wala na." Mami ang tawag sakin ng mga anak ko sa church

" Oo nga eh."

"Ang daming tao grabe! Tapos may reporter pa. Madiscover kaya ako?"

"Para kang baliw. Wag naman sa gantong panahon."

"Sorry mami."

Mag-10pm na pero marami pa ring tao.

"Ria, tara na raw sa loob. Magdadasal tayo." isa naming kachurch

"Osige."

Pagpasok namin sa loob andun si Papa nagpi-preach ng salita ng Diyos.

"Wag tayong malungkot mga kapatid. Imbis matuwa tayo kasi si Nica ay nasa piling na ng Maykapal. Doon walang pasakit, paghihirap at sakuna. Kung tatanungin nyo sya kung masaya sya, tiyak oo ang isasagot nya. Tayo ay maging malakas para sa isa't-isa. Ang kamatayan ay hindi katapusan ng lahat, bagkus simula pa lang ito ng everlasting life. Inaanyayahan ko po na tayo ay yumuko at magdasal. Spen ikaw ang maglead." Si Spen ay Mama ko.

" Tayo po ay yumuko... Panginoon hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Mali po na kwestyunin at sisihin kayo sa pangyayari kasi kayo lang po ang may karapatan na bumawi ng buhay. Hinihiling po namin Panginoon na lakasan nyo po ang loob namin, wag Nyo po hayaan na kami ay bumigay sa sakit. Ingatan nyo po ang mga magulang ni Nica pauwi sa Pilipinas. Panginoon ko, tulungan nyo po kami na maibsan yung sakit na nararamdaman namin. Amen."

"Amen."

Pagkatapos nito ay umuwi na kami. Pagod na pagod ako, ewan ko ba kung bakit. Pagdating sa bahay bumulagta na ako. Bukas babalik ulit kami.

Her MentorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon