Time check: 8:31pm
Location: nakapila sa ticket booth ng MRT habang tumutugtog ang Luha by Aegis with tunay na ulan
Talagang gaganahan ka sa makikita mo at madidinig mo dito. Hays.
1 hour na ako nakapila anak ng! Wala nang itutulin to. palitan ko na lang kaya si Ate? Baka tumulin tulin naman ang pila? Buti na lang asa hagdanan na ako kundi basang sisiw ang lola mo!
"BREAKING NEWS:
Isang bus ang nahulog sa Atimonan Quezon. Labingdalawa ang nasawi. "
"Lord, guide their spirits. Amen!" bulong ko
Magquarter to 9 na ako nakasakay ng train. Jusmeyo, pumasok ako ng tren mukha ako mandirigma, lumabas ako ng tren muka ako natalo sa laban. Asan ang hustisya?! Pero okay lang. At least pauwi na ako ng Pampanga! My homeeee town! Grabe halos 2 weeks akong hindi nakauwi kasi midterm, nakakaiyak sa taas yung grades ko. Nagbunga ba naman lahat ng kapeng binili ko sa Starbucks. HAHA!
vibrate.vibrate.vibrate.
"Hello Pa?"
Mukhang may emergency ah?
"Anak, bad news."
B-bad news?
"Ano po yun Papa?"
Kinakabahan ako! Bakit ganto?
"Si Nica, wala na sya."
"Ano pa?! Pakiulit po?"
"Si Nica, yung tinuturuan mo."
end. end. end.
Nica Lacson?! Baka ibang Nica Lacson yun? Hindi pwede!
Agad agad kong tinawagan ang number nya. Pero walang sumasagot. Tinawagan ko mga churchmatesko pero wala! Totoo ba?!
Panginoon bakit naman ang aga yata? Bata pa si Nica.
"Breaking News
Napagalaman namin na isang fieldtrip ito. Pawang mga estudyante ang binawian ng buhay. Magbabalik."
So totoo nga?
Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa FX. malapit sa puso ko si Nica. Sobra!

BINABASA MO ANG
Her Mentor
Teen Fiction"Love is sweeter the second time around." pero paano kung one-sided na lang ito?