HIRO'S POV
" Pareeee! Ang sweet pala ni Ria. " bungad sakin ni Zeus, di pa ako nakakaupo Ria na naman. Magdadalawang linggo nya na yangpuro Ria
" O paano mo nalaman? "
" Inistalk ko yung twitter nya. Selos nga ako dun sa ex nyang tinutweet nya eh. Hayy! "
" Ah. O tapos? nakakausap mo naman ba? "
" Oo! Grabe kagabi lang kami nakapag-usap ng matino tino. Paano nung mga nakaraang araw, nagrereview sya para sa long quiz at nagrerehearse para sa play nila. "
Nga pala, nanuod kami nsa Convention nitong bugok na re. Nilibre nya yung ticket ko. Tss. Di na ako magsasalita kung magaling yung performance, kasi alam nyo na sagot.
" O ayan nagtext sya o. TIGNAN MO! " saka nya inilapit ng napakalapit sa mukha ko yung cellphone nya. " ingat daw ako. Hihihi! Ang sweet! "
" Ang landi mo gago! Ayan na si Maam! " saka sya umupo sa likod.
Tinignan ko yung phone ko ewan ko kung bakit. Weird mo Akihiro! Tsss.
ABBY's POV:
Ang kulit ni Zeus pero nakakatuwa sya kasi sweet? Hoy hindi naman ako manhid ano. Kinikilig naman ako sa iba kahit mahal ko si Hiro. Hehehe!
Kukwentuhan ko kayo ng nangyari sa convention last Saturday.
Ade ganto. After nung concert for a cause, nagkaron ng mini celebration sa isang malapit na restobar dito sa lugar nila. Tapos sinama ni Mamang yung dalawa kasi ang pogi raw. Talaga to! Tapos ang set up ay 4 per table. So ang magkakasama sa table ay ako, Hiro, Zeus at Drei. Puro lalaki gara. Charing! Ade yung dalawa nagkakainitan, para silang aso't-pusa. Ang gulo namin sa table, habang kami naman ni Hiro parang bagay, bagay na bagay sa isa't-isa. Hahaha! Joke lang. Parang wala kaming past nito! Tss, ang cold nya grabe!
" babe ano gusto mo, ako kukuha. " kinuha ni Drei yung plato ko.
" L A H A T " saka umalis si Drei dala yung plato naming dalawa
" Mahal ko, ano gusto mo inumin? " kinuha ni Zeus yung baso ko
" Wine? "
" Ay bawal yun mahal ko. Di ba magdadrive ka pauwi sa condo mo? Bawal. "
" Osige, iced tea na lang. " tatayo na sana si Zeus
" O ako man lagyan mo maiinom. " si Hiro. Natawa ako ewan ko kung bakit
" Lelang mo! " saka sya tumayo
So kami na lang ni Hiro sa table. :( tinignan ko yung dalawa, mga nakapila. Buffet tong resto bar
" Ah Hiro. Kamusta ka na? "
" Okay lang. ikaw ba? " naglalaro sa phone. tss, bastos. Alam nya namang ayoko ng ganun
" Ah ano, okay lang. " nauubusan ako ng itatanong. " Si Bunso? Si Tita? "
" Di ba araw mo kausap si Haruka? " boom basag!
" Ay oo nga pala! "
Hindi na ako nagsalita. Napahiya ako. Tss.
Pagkatapos namin kumain ay nagparty party kami. Sayawan, inuman and everything.
" Akin na nga yan. Sabi ko sayo wag ka uminom ng kahit ano eh! Maliba sa tubig, iced tea at softdrinks! " namiss ko to. Yung may concerned sayo.
" Okay boss. " Tara sayaw tayo?
" Tara! "
Maya-maya ay naupo na ako sa table namin. Si Hiro nakaupo lang, statwa ata?
Hindi ko mapigilang hindi pumunta sa beverage station at kumuha ng alcoholic drinks.
" Sabi ni Zeus magdadrive ka raw pauwi? Bawal. " saka nya ininom yung kinuha ko.
" Hiro? Gara. " tinalikuran ko sya. Bumalik ako sa table namin at kinuha ko lahat ng gami ako at lumipat ako kala Mamang. Kainis, pakielamero.
Lumabas ako ng resto. Hayy fresh air! Naupo ako sa labas ng kotse ko. Saka ako pumikit. Wag sana ako makatulog.
Nica, mahal ko si Hiro. Pero hindi ako umaasa na susuklian nya ito.
BINABASA MO ANG
Her Mentor
Teen Fiction"Love is sweeter the second time around." pero paano kung one-sided na lang ito?