Hiro's POV
Ayoko na mabuhay. Ayoko na. Sana ako na lang. Sana ako na lang talaga! Bakit Nyo naman sya agad kinuha?
Eto ang first day ni Nica. Ang ganda nya. Ang ganda nya pa rin. Buhay na buhay sya, pero alam kong hindi na sya babangon. Aksidente lang ang nagyari, walang may kasalanan pero bakit gusto kong sisihin lahat? Dapat ba hindi ko sa sya pinasama sa simula't sapul pa lang? Siguro kung hindi ko sya pinasama baka andito pa sya ngayon. Kausap ko pa sya nun eh. Tapos biglang wala na?! Bakit? Ang aga naman ata. Ang daming pwedeng kuhanin bakit sya pa? Sana ako na lang o yung mga walanghiyang wala naman ginawa para ikabuti ng bansa. Gusto ko na rin mamatay sa totoo lang. Para magkasama kami. Mahal na mahal kita kahit 10months pa lang tayo.
Nagkakilala kami ni Nica sa isang dance contest. Ako yung kasali tapos sila ng mga kaibigan nya ang audience.
"Hi! Pwede po malaman yung name at number nyo?"
after namin sumayaw ay sa backstage kami pumunta.
"Akihiro. #100." naiirita talaga ako sa mga babaeng gumagawa ng first move.
" Si Kuya joker pala." tinignan ko mula ulo hanggang paa yung babae. At may mga kasama pa syang mga kaibigan ah. " Ano nga number mo?" sabay hawak sa braso ko
inalis ko yung kamay nya "Excuse me Miss ha. Desperada lang? Pasensya na pero di ko binibigay number ko sa stranger." saka ako tumalikod
"P-pero..."
"Tara na nga bading yan kaya ayaw ibigay number. Bwisit! Di naman pogi. Magaling lang sumayaw. HAHAHA! Siguro kung lalaki humingi number nya tiyak bibigay agad. kaloka friend ah! Tara na nga!"
ANO BAKLA AKO?! SINONG LAPASTANGAN NAGSABI NUN?!
" HOY HINDI AKO BAKLA."
"Wait wait wait. Bakit ka nagtatas ng boses?" isang maliit na ipis, este babae ang sumagot. " Yabang mo uy. Wag kang pachix."
" Wala kang karapatan na sabihan ako bading. Pagsabihan mo yang kaibigan mo desperada masyado."
"Hoy!---" dinuro nya ako. Tinapik ko yung kamay nya. " Don't touch me nigga!"
" Tara na." yung desperada. "Sorry Aki."
" Lumayo kayong mga babae sakin! Kala nyo kay gaganda."
" MAGANDA AKO!" si ipis
" Weh? Sang banda? Sa aak-alakan?"
"Uy Aki tama na! Mga babae yan oh! " hinila ako nung kamember ko. "Hi miss pasensya na ah! Hehehe! Mainit ulo nung leader namin eh."
"Bwiset!" magkakatapat din tayo ulit ipis.
Ayan yung una naming pagkikita. Bwisit na bwisit talaga ako sa kanya. Akala mo kung sino. Akala ko hindi ko na sya makikita pero I'm wrong. Isang course lang pala kami. Hindi ko alam kasi hindi naman ako nakakapasok sa klase kasi puro practice. Lagi kami dun sa studio sa labas ng campus. Exempted naman ako lagi kaso school yung nirerepresent namin. nalibot na nga namin yung buong Luzon kasi nirerepresent namin yung school, pero nag-aaral pa rin naman ako. Hahaha!
" Aray! " may nabunggo ako sa pagmamadali ko.
" Sorry miss! " tatakbo na sana ako pero hinawakan nya yung sling bag ko.
" Bwisit ka talaga. " tinignan ko yung nabunggo at nako, nasira na araw ko. " Tulungan mo ako pulutin mga hawak ko!"
" Baka kasi bulag ka ano? " pinulot ko yung mga papel nya. Kahit bwisit ako dito may pananagutan pa rin ako.
" Leche! Tsupi! Layas!" ayos din to no? Pagkatapos ako pagpulutin ng papel, papaalisin ako.
Ayaw na ayaw ko talaga maririnig at makikita boses nya kasi naiirita ako. PMS ba? Wala namang ganun lalaki eh.
The more you hate the ore you love? Yes proven kasi after ng 1 buwang niligawan ko sya. Grabe itong ipis na to, papaibigin at bubwisitin ako at the same time. Sinagot nya naman ako agad. Mga 3 weeks na ligawan tapos kami na. Araw-araw kaming nagkikita kasi same school. Yung practice? Meron pa rin pero sinasama ko sya. Mahilig sya sumayaw pero pangit tignan. Matigas masyado. Heheh! Alam nya naman sa sarili yun eh, pero di ko lang sinasabi baka batukan ako. NAPAKA HILIG NYA MAMBATOK!
" Mahal ko, kain naman tayo sa Gerry's grill?"
"Bukas? Di ko kasi dala wallet ko eh."
ganyan yan maglambing lagi ako inaaya sa kainan.
" Hmm, sige okay lang. " saka nagpout. **kiss.** kapag nagpapout sya kinikiss ko sya. Ang cute kasi.
" Hayssss! Gusto mo ba chicken joy? Di ko kasi talaga dala wallet kong isa. Pang jollibee lang to. "
"Hmmm, okay sige."
Hahaha! Para akong nagpapalaki ng inahin ng baboy. kain dito, kain doon. Pero okay lang basta masaya sya, masaya rin ako.
BINABASA MO ANG
Her Mentor
Teen Fiction"Love is sweeter the second time around." pero paano kung one-sided na lang ito?