SAYAW NG MGA BULAKLAK

13 0 0
                                    

Isang malakas na  "KRING" ang aking narinig kaya ako'y agad nagising. Humikap ako nang saglit. Nakita ko mga ilang sandali ay nagtatawanan sina Drevan at Gregor. Iniisip ko ay dahil ako nalang ang hindi pa nakabihis pero ano yung nakakatawa roon. Umisip pa ako ng ibang dahilan ngunit wala akong maisip na matinong rason. Hindi nila mapigilan ang kanilang mga tawa hanggang sa binigay ni Drevan ang maliit na salamin.

Ako'y nainis sa aking nakita. Sila'y gumuhit ng iba't ibang mga nakakalokong bagay. Ang mga iba't ibang kulay ng highlighter ay nagmukhang kolorete. Ang marker naman ay nagmukhang eye liner ngunit nasa balbas at baba ko nakalagay. Umagang kay ganda talaga ngayon.

"GRABE KAYO!" sigaw ko na mukhang narinig ng kapitbahay.

"Maligo ka na nga at magbihis upang makaalis na tayo," wika ni Drevan na nagmamadali.

"Bagal mo, Leandro. Kanina pa kami nakabihis," wika naman ni Gregor na nagsisinturon.

"Edi, bakit hindi ninyo ako ginising nang maaga?!" nakataas ang aking kilay at ako'y nayayamot.

"Pasensya na po," sabi ni Drevan sa tono ng isang babae at may kasamang arte pa.

Ako'y agad tumayo at kinuha ang aking susuotin. Naririnig ko ang kanilang mga halakhak sa banyo. Hay, nakakaasar naman, sa susunod ako naman ang gaganti sa kanila pero mas malala pa rito.

Pagkaraan ng ilang minute ako'y natapos na maligo kaya ako'y agad lumabas upang magbihis. Pagkalabas ko'y may isang timba ng tubig ang nahulog sa akin. Ako'y muling nabasa at napagtripan nanaman nila. Ang aking mga ugat ay nagpapakita na at matindi ang pagkagat ko sa aking labi. Nakakuyom ang aking kamao at sila'y unting nanahimik noong nakita nila ang aking kamao.

"HUMANDA TALAGA KAYO SA AKIN!" Pasigaw ko nanaman sinabi at sinimulan ko silang habulin.

Kinuha nila ang bawat unan na madadaanan nila. Walang kupas nilang pinaghahagis ang mga unan sakin hanggang sa isang kamalasan, ako'y nadulas noong tumakbo ako sa basa. Lalo nila akong pinatawanan at natanggal ang tuwalyang nakatapis sa aking katawan. Kita nila ang boxers kong suot na kulay dilaw. Sinubukan ko silang habulin muli ngunit hindi ko na kinaya.

"Pre, tulungan na nga kita. Nakakaawa ka naman," sabi ni Drevan na nakatayo sa harap ko. Nakabukas ang kanyang palad. Kinuha ko ito at tumayo.

"Okay ka lang ba?" sabi ni Gregor na parang boses ng isang nanay.

"Ang galing niyo talaga" sabi ko naman na parang nayayamot sa nangyari.

Ako'y nagsimulang magbihis nang mabilis. Ang suot ko'y itim na pantaas na may disenyo na 'I love Baguio' at simpleng kulay kayumangging pantalon. Ang sapatos ko'y kulay itim at dilaw na Vans. Dinala ko na rin ang aking camera upang kumuha ng iba't ibang mga litrato sa festival. Gusto ko nang makita ang mga makukulay na mga bulaklak. "Let's go everybody," sabi ko habang kinuhanan ko sila ng litrato. Mukha silang mga lasing sa litratong ito.

Kinuha ni Gregor ang susi at lumabas upang paandarin na ang sasakyan. Ang aso naman ni Drevan ay kanyang nilabas upang bantayan ang bahay habang wala kami. Nakita ko sa mga mata ng aso na gusto niyang sumama. Isinara na ni Drevan ang pinto at gate ng kanyang bahay. Nagsimula na kaming lumarga patungo sa aming destinasyon.

Pinarada ni Gregor ang sasakyan sa tabi dahil alam niyang masikip ang dadaan namin mamaya.

"Dapat nag-taksi nalang tayo o naglakad na lang," sabi ko na bigla silang napaisip.

"Oo nga no!" sabay nilang sinabi.

"Hayaan mo na, andito na tayo." sabi ni Gregor.

Bumaba kami at naglakad patungo sa Burnham Park. Hindi namin maiwasan makabangga ng tao. Maraming mga turista ang dumadayo rito lalo na't mga dayuhan buhat sa ibang bansa. Halos mga tao rito'y nakasuot ng mga dyaket o mga makakapal na damit upang hindi lamigin.

Love Lost: Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon