Hinintay ko siya nang buong araw sa palaruan. Hindi ako umalis sa puwesto na iyon hanggang sa makita ko lamang siyang lumalakad papunta sa akin. Tinitiis ko ang gutom at uhaw upang makita ko siya. Bakit ko ba pinaparusahan ang sarili ko kahit alam kong iniwan na niya ako? Mahal ko pa rin siya kaya ginagawa ko lahat ng ito para sa kanya kahit mahirap.
Tinignan ko ang relo ko at nakita ko na alas-siete na. May naririnig na akong tunog ng mga nag-aaway na kulog sa ulap. Ang dilim ng ulap at wala akong nakikitang mga bituin sa langit. Napakatahimik ng kalangitan ngayon, walang mga ibon na nagliliparan sa kaulapan. Ang naririnig at nararamdaman ko lamang ay ang ihip ng hangin. Nilalamig na ako at lalo kong pinapahirapan sarili ko. Malapit ng umulan.
Umuulan nang malakas at ako'y tuluyang nabasa. Sumilong ako sa puno na malapit sa akin at tinitignan ang umiilaw na ulap dahil sa kidlat. Hindi ako nababahidan ng takot kahit nasa harap ko na ang kidlat. Nagsisimula na pumikit ang aking mga mata at sumandal ang aking katawan sa puno. Pagod na pagod na ako kahihintay sa kanya buong araw. Tuluyan na siyang umalis.
"Ang tahimik naman dito. Ang kausap ko lang dito ay ang dagat," Nilagay ko ang aking mga paa sa dagat at ako'y biglang nanlamig. Ilang sandal ay hindi ko na naramdaman ang lamig. Tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa tubig ngunit hindi ko ito makita. Saan na nagpunta ang sarili kong repleksyon kung kalian kailangan ko siyang makita.
"NASAAN KA NA?!" sigaw ko habang hinahampas ko ang tubig. Sinasaktan ko ang tubig upang mahanap ko ang sarili ko. Bigla kong naisip kung bakit ko sinasaktan ang tubig upang mahanap siya. Dinadamay ko pa ang tubig sa sarili kong problema. Pero mas mahalaga mahanap ko ang aking repleksyon. Kailangan ko ang aking sarili!
"NASAAN KA NAAAA!" sigaw kong muli at ngayon ay tumingin ako sa kaulapan at doon ay nakita ang aking repleksyon. Nakapagtataka kung bakit ko roon nakita ang aking sariling repleksyon. Andaming mga bituin na nagniningning ngunit may nakita akong isa na humihina na ang kanyang kislap. Nawawalan na siya ng liwanag.
"Bakit ka nawawalan ng liwanag?" tanong ko sa bituin ngunit hindi siya sumagot.
"BAAAKIIITTT?!" sigaw ko sa kanya at mga ilang sandali'y naglaho na siya sa langit. Isang ulap ang tumaklob sa bituin na iyon. Hindi ko namalayan na ako'y umiiyak na.
"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito?" sabi ko sa sarili ko habang ako'y umiiyak. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong mga kamay. Sinasaktan ko muna ang mga bagay na nasa harap ko bago ko libutin kung ano muna ang nasa paligid ko upang mahanap lang ang bagay na hinahanap ko.
May taong humawak sa aking balikat natinignan ko. Isang lalaking nakaitim na tela at ito'y butas-butas. Nahihirapan kong makita ang kanyang mukha dahil sa dilim na tinatakpan ng itim na tela. Sa una'y nakakatakot ngunit ang boses niya ay parang mahinahanon lamang.
"Ano bang gusto mong mangyari, nak?" sabi niya habang hinahawakan niya ang aking balikat.
"Gusto ko mahanap ang sarili ko dahil nawawala na ako." sagot ko sa tanong niya.
"Ngunit tama ba ang paraan ng paghanap mo sa sarili mo?"muling tanong niya. Ngayon ay umupo na siya sa tabi ko.
"Hindi, kaya umiiyak na ako dahil sa mga maling nagawa ko sa loob nang mahigit na isang taon habang hinahanap ko siya." sagot ko muli sa kanyang tanong.
"Siya? Sinong siya?" tanong niya at ngayon ay parang interesado na siyang malaman kung sino ang hinahanap ko.
"Ang aking minamahal, si Minerva. Mahigit na isang taon ko na siyang hinahanap at hinihintay na makasama ko siyang umupo sa palaruan." sagot ko "Sa paghahanap na iyon, maraming mga taong ang nasasaktan ko dahil hindi nila siya mahanap."
"May oras ba na inisip mo ang damdamin ng tao na tumulong sayo lalo na't ang sarili mo?"
"HINDI! Kaya andito ako ngayon nag-iisa?!" sagot ko "Ano na ang aking gagawin?"
"Una sa lahat ay kailangan mong pakalmahin ang iyong sarili dahil kapag masyado mong pinapahirapan ang sarili mo, marami kang nasasaktan na tao." umubo siya "Pangalawa ay dapat mong pahalagahan ang bagay na itinulong ng tao sa iyo kahit kapiranggot man iyan. Lalo kang mapapalayo sa kanya kapag patuloy mo itong ginagawa." hinawakan niya ang ulo ko. "Naintindihan mo ba?"
"Opo,----?" hindi ko alam kung ano ang pangalan niya.
"Itago mo nalang sa ngalan na Rick." sabi niya.
"Salamat Rick" pumikit lang ako nang sandali at bigla na lang siya naglaho. May nakikita akong isang liwanag na paparating sa akin. Wala na ako makita dahil sa sobrang liwanag. Ang sakit sa balat dahil sobrang init nito. "AHHHHHH----"
"HHHHHHH!" ako'y agad na nagising. Tumayo ako sa aking kinauupuan. Umuulan pa rin at bahagyang nakulog pa. Nilalamig na talaga ako. Kakaiba ang aking panaginip.
"Bakit ka pa nandito? Alam mo namang naulan." salita ng isang lalaking nakaitim. Parang kaboses niya ang lalaking na nasa panaginip ko.
"Rick! Ikaw ba iyan?" tanong ko sa lalaki na naglalakad papunta sa akin.
Pumalakpak siya agad. "Mahusay, Leander. Napanaginipan mo ata ang aking pagdating sa iyo." Pumalakpak siya.
"Ano ba ginagawa mo rito?" tanong ko muli sa kanya.
"Alam kong gusto mo ng sagot sa iyong katanungan." sagot niya. Umubo siya nang saglit. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan niya ako. Bigla akong nanlambot.
"Oo, pero imposible sagutin ito ng tao."
Tumawa siya nang bahagya. "Ang imposible ay maaaring maging posible." Tumawa siya muli.
"Para kang tatay ko magsalita. Sino ka ba talaga?" nagbabagang tanong ko sa kanya.
"Huwag mo nang tanungin kung sino ba talaga ako basta ang importante ay mabigay ko ang sagot sa iyong katanungan." sabi niya.
"O SIGE NA!! BIGAY MO NA ANG SAGOT NA HINIHINTAY KO!" sabik na sabik akong malaman ang sagot.
"Desperado ka talagang bata ka. Mga kabataan nga talaga ngayon," umubo siya muli. "Sasabihin ko sayo ang sagot ngunit may parusa itong kapalit kapag hindi mo sinunod ang simpleng bagay na aking hihingin."
"OO NA!" nagmamadali na akong malaman kung ano yung kasagutan. Hindi na makapaghintay ang aking tenga.
"Simple lang ang sagot ngunit mahirap ang magiging kapalit ng sagot na ito. Pwede mo na nga gawin ito sa iilang sandal." umubo siya muli. "Ipikit mo ang iyong mga mata at isipin ang mukha ng babae at ang kanyang pangalan. Hayaan mo na ang daigdig na dalhin ka sa lugar na iyon." Ngumisi siya na tulad ng aking itay.
"Ngunit bilang kapalit nito ay huwag na huwag mong kalilimutan ang iyong pinanggalingan at hindi ka na makakabalik sa lugar na ito." Naging seryoso ang tono ng kanyang pananalita noong sinabi niya ito. "Huwag mong kalilimutan ang aking sinabi o mahaharap ka sa isang parusa na hindi ko alam." Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan niya ito.
"NAINTINDIHAN MO BA AKO?" sigaw niya sa aking mukha.
"OPO" sinabi ko habang nakatayo ako sa kanyang tabi. Iniiwasan ko ang usok ng kanyang sigarilyo ngunit naamoy ko pa rin siya.
Nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin. "Pwede mo nang simulan kahit saan at kahit kalian basta huwag mo kalilimutan ang aking mga sinabi, Leander." Winagayway niya ang kanyang kamay senyales na magpapaalam na siya.
Umuulan pa rin ng malakas at kumukulog pa rin. Sinubukan kong gawin ang sinabi ni Rick ngunit parang hindi ito gumagana. Ilang beses ko ito inulit ngunit hindi pa rin ako matagumpay sa aking ginagawa. Ano ba ang humaharang sa pagkakataon kong makita si Minerva? ANO?!
Kumulog muli.
"ITO NA BA ANG SAGOT SA TANONG KO? PARANG NILOKO LANG NIYA AKO. MINERVA HAHANAPIN PA RIN KITA KAHIT SAAN KA MAN!"
biglang may liwanag na dumating sa akin at hindi ko mabuksan ang aking mga mata. Mga bulong ng tao ang naririnig ko, parang palakas nang palakas ang mga bulong sa puntong nagiging mga sigaw na sila. Hindi ko magawang igalaw ang aking katawan.
Mga ilang sandali'y nakarating na ako sa aking destinasyon.Nakatapak na ako sa lupa . Hindi umuulan rito at sumisikat si haring araw. "Saan ako napadpad ng liwanag na yaon?" tanong ko habang sinusuri ko ang kapaligiran.
"Saan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/103869309-288-k786302.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Lost: Unang Yugto
RomanceSi Leander/Leandro ay may nakilalang babae sa isang mabulaklak na pagkakataon. Nakilala ang isa't isa at nagsama silang dalawa nang mahabang panahon ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naglaho siya sa kanyang harapan. Ika nga ng lalaki...