Tadhana

7 0 0
                                    

Nilibot namin ang Baguio sa loob nang ilang araw hanggang sa tumawag si inay. Ako'y pinapauwi ni inay sa probinsya dahil may problema. Hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig na ako'y uuwi na at mayroong problema sa bahay. Ako'y nagtataka kung ano ang maaaring problema sa bahay. Nagbabayad naman kami ng utang at buwis sa tamang panahon at matahimik lang kaming naninirahan.

"Baka nagkasakit ang iyong ina?" sabi ni Drevan na makikita ang gulat sa kanyang mukha.

"Huh? Lagi si inay nagzuzumba kasama ng mga kumare niya tuwing sabado at linggo." sagot ko.

"Porket nagzumba lang eh, may malusog na pamumuhay o pangangatawan na siya agad?!" sabat naman ni Gregor.

"May punto nga naman si Gregor," wika ni Drevan. Kampanteng-kampante siya na may punto ang sinabi ni Gregor.

"Kanina pa malikot iyang mga paa mo, Drevan," sabi ko dahil kanina ko pa siya nakikita na taas-baba ang kanyang padyak ng kanyang kaliwang paa. Binalingan ako ng tingin ni Drevan.

"Ano ba problema mo sa akin eh porket natalo ka lang sa argumento," sabi ni Drevan na nagdulot ng aking pagkayamot.

"Huwag na nga kayo mag-away. Lagi nalang kayo nagiging mga aso't pusa," satsat ni Gregor, "Mabuti pang umuwi ka muna at alamin ang problema roon kesa na magsaya ka rito na may problemang bumagabagabag sa iyong isipan."

"Pero paano kayo?"

"Intindihin mo muna yung sitwasyon mo bago kami," nag-iba ang tono ng pananalita ni Gregor.

"Hayyy.... Sige na ng," sabi ko, "Pero paano kung mapanaginipan ko ulit yung nangyari?" tumingin ako kay Gregor.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Hindi 'yan. Maniwala ka sa akin."

"Ihahatid ka namin sa terminal ng bus kaya dalian mo na sa pag-iimpake." wika ni Drevan na hawak niya pa rin ang isang pluma at kanyang pinaglalaruan ito.

Nagsimula na akong mag-ayos ng aking mga gamit. Habang ako'y nagliligpit ay biglang naisip ko ang mukha ng isang babae na nakilala ko noong nakaraang araw. Hindi ko na masyado maanigan ang kanyang mukha dahil ito'y natatakpan ng aking pagkalimot. Bawat lagay ko ng aking damit ay tinatanong ko ang aking sarili kung nakita ko na ba siya kasi pamilyar ang kanyang mukha. Nakikita ko pa rin ang kulay ng kanyang mga mata. Mga matang magpapabago sa aking buhay. Kakaiba na 'yung kabog ng aking puso noong una ko siyang makita. Ano ba ang meron sa kanya upang bigla ko nalang siyang maalala?

Pagkatapos kong magligpit ay tinawag ko sina Drevan at Gregor na naglalaro ng sungka sa sala. Itinigil na muna nila ang kanilang paglalaro nang nakita nila ako sa pinto na may buhat na mga malalaking bagahe. Mukha akong pupunta ng States sa aking suot at dala. Ang bigat ng aking mga dala na akala mo'y mga bato.

"Let's go!" sabi ni Drevan. Pinaandar niya ang sasakyan at kami ni Gregor ay sumakay. Nagpaalam kami kay Gray, ang alagang aso ni Drevan, na nakatayo at mukha nadidismaya sa aking pag-alis.

Nakarating na kami sa terminal ng bus. Niyakap ko sina Drevan at Gregor. Nakikita kong pinipigilan ni Gregor ang kanyang pag-iyak at mukhang napapaluha rin si Drevan. Winagayway ko ang aking mga palad batid ng isang paalam sa kanila. Nakakalungkot isipin na mawawalay ako muli sa kanila pero ang pamilya ko pa rin ang aking prayoridad.

Sumakay ako ng bus na papunta ng Maynila at sa loob ay napansin kong dalawang upuan nalang ang natitira at ito'y magkatabi pa. Umupo ako roon at sinuot ko ang aking sweater sabay na nag-earphones ako. Pinapakinggan ko ang mga opm at indie music.

Love Lost: Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon