Isang Larawan Mo

15 1 1
                                    



Nagmamadaling magluto ng mga pagkain ang aming pamilya para sa handaan mamayang Bagong Taon. Parang sila ay nasa palengke; sigawan dito at sigawan doon. Mga taong hindi namamaos sa kasisigaw. Magkakalapit na lamang ay tuloy pa rin ang sigawan. Ako ay tuluyang nabibingi sa kanilang mga sigaw na kasabay sa mga kumakanta ng "Toyang".

Bahagyang naririnig ko na ang nagpapaputok sa mga kalsada at nagpapatunog ng mga boga. Ang sakit sa tenga ng mga malalakas na tunog ng mga boga. Ito'y gawa sa mga tubo o pipe na pinagpatong-patong ng mga taong walang mabiling paputok kaya gumawa nalang sila ng boga. Sa ating kaalaman, ang mga boga ay pinagbabawal ngunit sige lang ng sige ang mga tao rito.

May telepono na biglang tumunog at nakakuha ng aking atensyon. "Anak! sagutin mo yung tawag baka si Tita Arlene mo 'yan." sigaw ni inay na nagluluto ng ispaghetti. Dali-dali kong pinuntahan at sinagot ang tawag.

"Hello? Ito po ba si Erlinda Smith?" tanong ng isang babae na hindi ko kilala. "Hindi po." sagot ko sa kanyang tanong. Bigla niyang binababa ang telepono at hindi na tuluyang sumagot.

"Anak, sino iyon?" sigaw ni Inay.

"Isang babae na hindi ko kilala" sagot ko. Bumalik ako sa aking kwarto.

"Dapat tinanong mo kung sino," aniya ni inay. Kasama niya si tita magluto ng ispaghetti at pritong manok. Naririnig ko yung tunog ng mantika na tumatalsik at amoy na amoy ko yung niluluto nila mula rito sa aking kwarto.

Dumungaw ako sa bintana ng aking kwarto at nakikita kong parang ang tahimik ng aming lugar. Tumingin naman ako sa orasan at nakita ko ay mag-aalas otso na. Tulog ang aking kapatid sa kabilang kwarto, siguro'y nagpapasigla pa siya. May naririnig akong mga bisita na dumarating. "Huy mare! tulungan na kita diyan baka ika'y mahirapan," sabi ni Aling Dinah sa aking Ina. Ilang segundo ay may narinig akong tunog ng telepono at ako'y agad na lumabas upang sagutin.

"Anak, ako na sasagot." wika ni inay.

"O sige" 

Babalik na sana ako ng aking kwarto ay hinarangan ako ng isang babae. Tinignan niya ako ng mabuti lalo na sa aking mata. Nagkatamaan ang aming mga mata ngunit sa aking nakikita ay parang kilala niya ako.

"Leander? ikaw ba iyan?" tanong niya sa akin habang patuloy niyang sinusuri ang aking mukha.

"O..po at bakit ho?" nilagay ko ang aking mga kamay sa aking likod.

"Ang laki mo na!" nilagay niya ang kanyang kamay sa aking ulo. "Grabe. Naalala mo pa ba noong..." at nagsimula na siyang magkwento. Parang siya'y si inay tuwing ako'y sinesermonan ngunit ang kaibahan lamang ay nakikinig ako sa aking nanay. Pagkatapos niya magkwento ay dumiretso ako sa aking kwarto upang dumungaw sa bintana.

Pumasok si inay sa loob at umupo sa kama katabi ko. "May nakakita raw sa iyong tatay ngunit walang nakakasiguro na siya iyon o kamukha niya lamang," hinawakan niya ang aking kamay. "Pasensya na anak, alam kong matagal mo na siyang gusto makasama pero ginagawa ko naman yung aking makakaya," patuloy siyang nagsalita.

"Okay lang iyon 'nay. Mahaba pa naman ang oras upang hanapin siya. Ako'y marunong maghintay," hinawakan ko ang kanyang balikat.Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa kanyang pisngi.

"Maraming Salamat, 'nak" at niyakap niya ako. "Teka! parang sunog na yung niluluto ko," sabi ni inay at nagmamadali siyang tumakbo papuntang kusina.

"Leandro, kilala mo ba 'yung anak kong babae si Minerva?" tanong sakin ni Aling Dinah. Napaisip ako ng ilang minuto upang hanapin ang pangalan na iyon sa aking utak ngunit parang wala.

Love Lost: Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon