Ang tahimik dito sa tabing-dagat. Wala kang maririnig na ingay kundi ang aking paghinga at agos ng tubig na rumaragasa sa aking paa. Mga ibon, karamiha'y mga bako na nagliliparan sa langit at dumadapo sa mga puno. Ang mga dahon sa puno ay sumasayaw sa ihip ng hangin. At pawang ang hangin ay bumubulong sa aking tenga na parang boses ni lola na kumakanta ng 'Sa ugoy ng duyan'
Dito ko laging nilalabas ang aking galit, depresyon, lungkot at iba pang emosyon na nagbibigay bigat sa aking buhay. Nailalabas ko sila sa pamamagitan ng pagsigaw ng malakas, paghampas sa tubig ,at pagtakbo nang mabilis. Dito na ako tumatambay tuwing hapon simula noong umalis si lola sa napakalayong lugar. Naging kaibigan ko na ang dagat, mga bako,at ang buhangin. Lagi ko silang kausap tuwing may problema akong pinagdadaanan.
"Neal! Umuwi ka na ng bahay maya-maya" sigaw ni Itay habang paparating ang kanyang bangkang galing sa pangingisda. Nakita ko ang malaking ngiti niya dahil marami siyang nahuling mga isda sa dagat. "Anak! May ulam na tayo mamaya." sigaw ni itay na may bakas na ngiti habang dala-dala ang isang baldeng isda
"Opo 'tay" sagot ko habang nakayuko ang aking ulo sa buhangin habang sinusulat ko ang aking pangalan. Muling inanyaya ako ng aking emosyon sa kalungkutan.
Mulingbumalik ang katahimikan. Muling nag-uusap kami ng aking mga kaibigan. Mulingmay bumabagabag sa aking isip ko ngunit hindi ko alam kung ano 'yon.
O sadyang lagi akong nag-iisa sa buong buhay ko.
May nararamdaman akong patak ng ambon sa aking ulo sumunod sa aking mga kamay. Tuloy-tuloy ang kanyang pagpatak hanggang sa ito ay lumakas. Ako'y tumayo agad at tumakbo papunta sa aming bahay. Sa kalayuan ay naririnig ko ang sigaw ng aking itay, "Anak! Anak! Naulan na". Hinubad ko ang aking sando at ginamit ito bilang panangga sa ulan habang ako ay tumatakbo patungo sa kanya.
"Parating na ako itay!" sigaw ko. Sinabi sakin dati na ito ay mga luha ng isang higante kaya umuulan. Patawa rin sa aking sinabi na hindi kasi naliligo ang mundo kaya naulan. Hay, mga paniniwala at biro naman talaga.
Nakarating na ako sa bahay at tinapisan ako ni itay ng tuwalya upang punasan ang aking sarili. Dumiretso ako sa aking kuwarto upang magbihis habang si itay ay pumunta ng kusina upang magluto ng pritong tilapia. Umupo ako sa upuan at binuksan ang radyo upang makinig ng balita. Ilang segundo ang nakalipas ay may narinig akong malakas na katok sa pintuan.
"'Nak, sino yung kumakatok?"
"Ito na po bubuksan na ang pinto"
"Sino po si-?"
Pagkabukas ko ng pinto ay may isang dalagang basang-basa sa ulan.
"Sino po si-ya?" tanong ko sa dalaga.
Naririnig ko ang mga ngipin niyang nagbabangaan dahil sa lamig. Nakikita ko ang kanyang katawan ay nanginginig kaya pinapasok ko nalang siya agad sa loob ng bahay. Binigyan ko siya ng tuwalya na kulay asul at inilagay sa kanyang balikat.
"Iha, ito humigop ka ng sabaw para mainitan ka man lang" sabi ni itay.
"Salamat po" ang sagot ng dalaga.
"Ako nga pala si Leander, ikaw sino ka?"
Hindi niya sinagot ang aking tanong at patuloy siya sa paghigop ng sabaw.
"Saan ka galing o paano ka nakapunta rito?" tanong ko sa kanya na may halong kaba.
"May hinahanap akong tao kaso hindi ko alam kung saan siya naroroon." sagot niya na may halong kalungkutan.
BINABASA MO ANG
Love Lost: Unang Yugto
RomansaSi Leander/Leandro ay may nakilalang babae sa isang mabulaklak na pagkakataon. Nakilala ang isa't isa at nagsama silang dalawa nang mahabang panahon ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naglaho siya sa kanyang harapan. Ika nga ng lalaki...