Chapter Two: NEWS FLASH

408 21 3
                                    

Chapter Two: NEWS FLASH

You need to know me first

Or you'll be surprise with my outburst

Bet one in twenty can understand me

Most mistaken that I am indeed crazy


Syl's POV

FUDGE THE MAN who's on the other side of the gate.

"Fireplay... Mga tao 'yan na mag-iinvite para sa fireplay mamaya sa Plaza." Dahan-dahan kong pagpapaliwanag habang sinisiguradong hindi ako magkakamali sa mga salitang gagamitin. Mas malala pa siya sa pulis sa hirap niyang lusutan kaya dapat doble ingat ang dila ko.

"Grabe ka naman! Akala ko kung ano na!" Reklamo niya nang nakahawak sa dibdib ang kamay at pinanlilisikan ako ng mata. Nakatanggap din ako ng ilang hampas na mabuti na lamang ay hindi masakit kompara sa madalas kong matanggap.

Tuluyan ng binuksan ni Teacher Daisy ang gate. Kinailangan ko ring tumayo sa kaniyang kanang bahagi para hindi niya mapansin ang lalaking nakahandusay ngayon sa flower box.

The situation could have gotten worse kung wala siya sa labas. Good thing that he thought of the possibility beforehand. Our house would have been a crime scene.

I looked at the guy na nag-abot kay Teacher Daisy ng flyer. Tinanguan ko lang siya saka umalis.


***


"That was close Jade... delikado ka na diyan sa bahay niyo ngayon." Anya ni Cameron pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag niya. Kababata ko si Cam at siya lang ang nakakatawag sa'kin ng "Jade". And yes, he's the guy who gave the flyer earlier.

Kasalukuyan ako ngayong nagluluto at kakauwi pa lang ni Teacher Daisy sa kanila. She decided to cancel our lesson for today because my mind seems to be in other dimension. Hindi niya raw ako makausap ng matino kaya lalayas na lang siya. Sakto rin dahil kinailangan siya sa kanila.

"I know. Anong ginawa mo dun sa Rockein?" Seryoso kong tanong sa kanya. Ino-off ko na ang stove at umupo sa stool. Ini-loudspeaker ko ang phone.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Nasa Gem Cave siya ngayon, ini-interrogate siya nila Dana. Pero sa tingin ko nagkamali tayo."

"What do you mean nagkamali tayo? I saw the tattoo on his nape. It was Rockeins'. Their gang name was even written in bold letter. Pati yung font, parehong-pareho." Sunod-sunod kong pahayag dahil sa pagkalito.

I though they've already gave up in playing hide and seek. Turns out, they just had a break and now they're back in planning to hunt me down.

"I don't think so. Mukhang clueless talaga siya." Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Cam. "Ano nang gagawin na'min sa kanya ngayon?"

"Let's talk about it later. Can we meet?" I asked as I stood grabbing the pan then flipping its content to my plate. My favorite lasagna.

"Yeah, sure. Is plaza, okay? Magpeperform ang banda mamaya bago ang fireplay."

"Sure." Tinapos ko na ang tawag at nagsimula nang kumain.


***


Hoody, pantalon, at rubber shoes. All black outfit. Feeling ko tuloy isa akong criminal o kaya grim reaper gaya sa mga tipikal na istorya.

University StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon