Prologue
HIGH SCHOOL EXPERIENCE
Parte ng pag-aaral ang pagkakaroon ng mga kaibigan
Kaibigang mabilis maglaho tulad ng isang ballpen
Kaibigang nagtatagal ng isang buwan tulad ng isang pad ng papel
At kaibigang sadyang matibay talaga tulad sa isang uniform.
Parte rin ng pag-aaral ang pagtambay at jamming ng barkada
Kahit saang-lugar man 'yan basta't magkakasama
Lahat achieved ang perfect score sa kulitan, tawanan, kantiyawan
'Wag lang mapapasobra dahil siguradong pikunan na naman 'yan.
Walang cheating meron lang team work
'Yun nga lang palpak pagdating sa individual board work
Pagkatapos ng class period na dapat ay review time
Palaging nauuwi sa walang katapusang snack time.
At kung team work lang naman ang pag-uusapan
Syempre palaging may kopyahan ng assignments pagdating sa silid-aralan
Palaging maaga kung pumasok hindi dahil kay crush sa kabilang room
Kundi dahil sa nakalap na update tungkol sa Oppa's niyo kahapon.
Lahat ng 'yan nararanasan ng mga normal na mag-aaaral
Mga experience na kahit kailan hindi ko naranasan
Bagay na nandiyan pero hindi kayang lapitan
Parang isang terror teacher na nakakatakot kausapin man lang.
Two years na parang lifetime ang haba
Two years na nasa bahay at tanging focus ay ang pag-aaral
Two years na excluded sa tinatawag na kabataan
Two years na failed sa pagkakaroon ng friends at high school experience.
I find it really hard to cope up with everything I missed. Ewan ko lang kung makakatagal ako sa isang university na never kong inakalang mangyayari. And judging the way I've been learning for two years, malaking adjustment ang kailangan kong gawin para maka-survive. Nasanay na akong palaging isolated at ginagawa ang lahat ng bagay ng mag-isa. Walang kasama. Walang kahit isa.
Back to zero, the starting point. I know no one. I am a stranger to everyone. I know nothing. They must not know something. Something about me... and my past.
_______________________________
University Student
N O V E L written in TagLish Language by izhabellize
© 2018 Izhabelle Enimedez. All Rights Reserved.
BINABASA MO ANG
University Student
Teen FictionI find it really hard to cope up with everything I missed. Ewan ko lang kung makakatagal ako sa isang university na never kong inakalang mangyayari. And judging the way I've been learning for two years, malaking adjustment ang kailangan kong gawin p...