Chapter 8: FRIENDLY ENEMY

149 16 5
                                    

A/N: Happy 15th Birthday E.E.!

-----------------------  

Chapter 8: FRIENDLY ENEMY

Here I am facing the real life ahead

Meeting strangers that can be good or bad

Talking to people that can be friendly or not

All I can do is face all odds.


Syl's POV

TODAY'S THE DAY ng pakikipagsapalaran ko sa Elysian University at sa outside world. And of course, being a new student here and considering my personality when it comes to socializing, kinakabahan na ako... for real.

No one could possibly recognize me for who I am now. People see you when you are at the top and step on you when you are at the bottom.

Siguro may mga tao talagang tulad ko na kahit anong gawin ay hindi kayang maging friendly kahit anong pagkukumbinsi ang gawin sa sarili. I tried pushing myself to do what I'm supposed to but nothing seems to work. Shyness overpowered me all my life as far as I remember.

Hindi rin ako sigurado kung naging hobby ko lang talaga ang pag-akto ng halos walang kinalaman sa buhay ng iba at maging self-centered dahil sa mga naging karanasan ko dati.

I look at my reflection on the mirror. "Nagmukha ka na namang tunay na babae Sylvia." Napabuntong-hininga ako ng tingnan ang stripe wisteria-colored skirt na suot ko na above the knee. Hindi ako komportable lalo na kapag uupo, masyado akong nagiging conscious. "Pati pala taste mo nagbago na."

Tinulungan ako ni Cam na kunin ang uniform ko sa EU last week. Buti na lang at mukhang nakalimutan niya na 'yong mga nangyari bago ang araw na 'yon para 'wag nang dumagdag sa mga iisipin ko.

It's already 6:18 in the morning at kailangan ko nang umalis ng bahay. Pupunta muna ako sa condo para dalhin ang mga natitira ko pang gamit. Hindi malayo ang EU sa bahay pero I need to do this. I need to keep a low profile to stay away from trouble. Good thing that Mama instantly agreed for me to live my own space.

"Jaaaaade! Dalian mo na!" Cameron from the door.

"Caaaaaam! Palabas na ako!" Natawa na lang ako. Parang noong isang araw hindi niya ako makausap ng maayos tas ngayon ang gulo na naman niya.

"Liar! Come out now." He said after a minute. Hindi na siya nasanay, haha.

"Yeah yeah."


***


"Shoot! Sorry, sorry, nawala sa isip ko... Oo... Ako na bahala... Sige na... Bye." Marahan na sinabunutan ni Cam ang sarili.

"Sino yun?"

"Si Lydline." Walang ka emo-emosyong sagot niya. I wonder what's up between them.

Teka, parang familiar sa 'kin... "Yung Vice President ng Student Council ng EU? I remember seeing her name on the sheets EU provided."

"Yeah..." He nodded making a left turn towards the condo. I was quiet waiting for him to continue but he did not kaya bumaba na ako sa sasakyan saka niya ako tinulungang ibaba ang dalawa ko pang bagahe.

After carrying the bags towards the elevator, Cameron heaved a deep sigh before saying, "I need to go already. Hindi na kita mahihintay dahil kailangan ako sa EU ngayon. Take care of yourself."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

University StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon