Chapter Five: PHOTOCOPY MACHINE

200 17 0
                                        

Chapter Five: PHOTOCOPY MACHINE

It was supposed to be a forgotten vision

Unnecessary to be remembered

An illusion of yesterday's episode

But it's coming back, back to meeting those eyes.


Syl's POV

ON MY WAY to Elysian University today to take my final test so I can officially be admitted to school. And this time, it is more crucial. Tuwang-tuwa si Mama dahil nakapasa ako dun sa mga naunang examination at ayaw kong masira 'yun. Her happiness means a lot to me. My mind is already set para tuloy-tuloy na, wala nang atrasan 'to. I feel the thirst to explore and meet my fear.

Na-realize ko na rin na kailangan ko nga talagang makalabas sa comfort zone ko. I was isolated and not actually living for two years, absorb by my own universe. And if I won't, I'll be stuck to wherever I am and not make progress. Hindi sa lahat ng oras nandiyan si Mama, everything must come 'to an end, it is how life works. We don't have a lot of time on hand.

Mom said I can do it, and so I will.

Mag-isa akong pumunta dahil tinakasan ko si Mama and she won't be able to contact me because I left my phone in my room. Nag-dikit lang ako ng bond paper na may message sa pintuan ko saying na kaya ko na ang sarili ko at uuwi ako agad.

Hindi na ako nasurpresa ng masilayan ang entrada ng University. Shades of yellow and purple filled the place. Well-grown plans are everywhere. Staring in front of me is the bright yellow gate with the Elysian University delicately inscribed above it.

All in all, ang ganda. Kung ako yung tipo na mahilig mag-picture, isa ang ambiance ng university and kukunan ko. For sure it'll get a lot of likes once uploaded on my social media account. Wala rin masyadong tao sa labas, probably because most had their summer break. A month from now, I can visualize a more university-feel-aura.

I hardly remember how it feels to be at school. How is it with friends around you? With teachers who can either be good or terror? How to deal with new faces? And... How to be happy?

"Good morning po, Ma'am! Ano pong sadya nila? Bawal po kasi ang outsiders pumasok. Pwera na lang kung gwapo." A lively Lady Guard in her 30's greeted me with a warm and welcoming smile plastered on her face.

Medyo napatawa ako sa hirit niya kahit na parang nabalisa ako. Isang tao palang naman ang kinakausap ko. "Magte-take po ako ng exam." Ngumiti ako sa kanya kahit ramdam ko yung kabog sa dibdib ko.

Ano ba Sylvia? Please naman umayos ka!

Tumayo yung Lady Guard sa pwesto niya sa loob nung guard house at biglang nawala sa paningin ko. The huge gate in front of me opened and the Lady Guard emerged holding a wisteria-colored envelope.

Hindi ako naka-angal ng bigla niya akong yakapin. "Welcome to Elysian University, Sylvia!" Sabay taas ng dalawang kamay.

Nang maka-move on na ako sa ginawa niya, I was able to ask. "P-Pano niyo po nalaman ang pangalan ko?" Sylvia! Pull yourself together! Why did you stammer?

"Andito yung student information mo. Pati yung one by one picture mo kaya nakilala kita." Sabay pakita sa 'kin nung content ng envelope. "Ako nga pala si Madam Beauty. Ang pinaka magandang guard na EU dahil ako lang naman ang babae sa limang security personnel dito. At oo, Beauty talaga ang pangalan ko. Beauty Manalo." Siya mismo yung umabot sa kamay ko at nakipag-handshake.

"Halika na sa loob, kanina pa kita hinihintay." Dagdag niya saka nagsimulang maglakad papasok. Sumunod lang din ako. I roam my eyes around the place, the view is calming my nerves. Dumagdag pa yung katahimikan sa paligid.

My first impression of the school was right. Everything fits "Elysian". But does it give me an assurance that it'll be easy for me to be in this institution?

"Homeschooler ka pala?" She said diverting my attention to her. "Kaya pala mahiyain ka. Okay lang 'yan, ako dati ganyan din." She said tapping my left shoulder.

"Homeschooler ka rin po?"

"Hindi. And ibig kong sabihin, lahat naman tayo mahiyain sa una. Syempre, wala pa tayong kilala. Nag-aalangan tayo na i-approach ang mga hindi naman na'tin close pero kapag may kaibigan ka, madali nalang 'yan." Patango-tango pa siya sa akin. "Ako nga eh... Mas mahiyain pa sa'yo. Ni hindi ako makapagsalita dahil sa kaba. Parang maiihi ako. Pero nung nakilala ko yung bespren ko na sobrang taas ng lebel ng pagkatopak, parang nanigas yung mukha ako at ngayon mas kumakapal pa."

Napangiti ako. "Sana nga po..."

***

Iniwan na ako ni Madam Beauty sa second floor ng main building. Hanapin ko nalang daw yung Room 018 sa west wing. Naglalakad ako sa corridor, may naririnig akong tawanan habang papalapit ako sa pinaka dulong room.

I placed my trembling hands on my chest as I look up the signage written "Examination Room".

"Keri na 'tin 'to mga teh!" Himig ng isang babaeng rebonded ang buhok na nakikipagtawanan sa mga kasamahan niya. Lahat sila may kausap. Walang nakapansin sa pagpasok ko kaya malaya akong napaupo sa pinaka dulong upuan sa right corner ng room. May isang vacant sit pa sa tabi ko. Lahat occupied na.

Napatingin ako sa relo ko, 7:31 a.m. na. Sa pagkakaalam ko, dapat seven and start. I almost forgot about the so called "Filipino Time".

As always...

Eight 'o four na at hindi parin kami nagsisimula. Naiinip na ako, nakadagdag pa ang mas maingay na atmosphere sa loob. Mas na feel ko na outlier talaga ako dahil nakikipag-socialize silang lahat habang ako nakatunganga lang. I decided to get on my feet and move out for a minute.

Nasa pinto ako ng biglang may humigit sa 'kin. Hindi ako nakapag-react dahil ang nasa utak ko ay ang hindi sumemplang sa bilis ng takbo ng kung sino mang humihila sa 'kin.

"Here, kindly have this photocopied. A hundred and forty three copies." Nakita ko nalang ang isang papel sa mukha ko. It's the answer sheet with circles indicating letters A to D. The person even had the gut to push me inside a room! Hindi na nakita ang mukha niya dahil kumaripas na siya sa takbo. All I know is that he's wearing a navy blue shirt and denim shorts.

Napahilamos ako ng mukha. I hate this! I hate this very much! I am not complaining about the fact that I am running an errand, I am pissed because the person did not even had the decency to ask me if I wanted to and he just dragged me all the way here!

The room I was in has many shelves containing tons of documents. It's all white with the photocopier machine at the middle. Naglakad ako sa machine at tiningan yung tray sa ibaba kung may bond papers. And fortunately, merong tig-isang rim ng 8.5 by 11 at 8.5 by 13 sheets. Kinuha ko yung papel na ibinigay sa 'kin kanina, long size bond paper. Nang humila ako ng ilang sheets, napa-iling ako ng short size ang nakuha ko though it say's 8.5 by 13.

Mga sira-ulo ang may pakana nito. Pagpalitin ba naman and laman?

Heaving a deep sigh, I placed the long sized bond paper at the machine at sinimulang mag-photocopy. It took 5 minutes for 143 copies to be printed. Thank God I know how to actually use the machine.

Filipino folks call it "xerox" which is wrong. Xerox ang pinaka-unang photocopy machine, kaya mali ang paggamit ng word as a verb. It bothers me whenever I hear someone saying "Pa-xerox mo nga ito..." It should be photocopy.

"Well done, Miss. Let's go?" A male husky voice said from my back.

Hinarap ko kung sino man siya at handa nang magtatatalak ng napagtanto ko kung sino ang kaharap ko ngayon. Literal na napanganga ako. 


Anong ginagawa niya dito?!


University StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon