36

1.3K 70 121
                                    

After class, nagpasya silang lahat na sa labas na magdinner. Matagal na panahon na rin kasi simula nung nakalabas sila ng sila-sila lang. Pumunta sila sa isang restaurant sa isang mall para dun kumain. Rich kids sila okay.

"Kumakain ka ba nito, Ji?" Tanong ni Soonyoung. Kaharap nya kasi sa table si Jihoon. Tumango naman si Jihoon at pinanuod lang si Soonyoung na maglagay ng pagkain sa plato nya. Kinailangan pang tumayo ni Soonyoung kasi medyo malaki yung table nila.

Yung mga kaibigan nila, napahinto dahil sa ginagawa ni Soonyoung. Ngayon palang kasi nila nakita si Soonyoung na ganito.

"Something fishy e no?"

"Tanga yung pagkain lang yun"

"Hindi guys. Parang may something talaga"

"Tsk. Hayaan nyo nga sila"

Bulungan nung mga kaibigan nila sa kabitang table.

"Umalis ka nga sa harap ko, Jihoon" Biglang sabi ni Soonyoung. Nagulat naman si Jihoonat nag-angat ng tingin sa nakatatanda. "Dito ka umupo sa tabi ko" Dagdag nito sabay tapik nung bakanteng upuan sa tabi nya.

"A-ah.. hindi na.. o-okay naman—"

"Sige na Jihoon. Lumipat ka na" Pagkkumbinsi ni Wonwoo sabay ngiti. "O-okay lang nga ak—"

"Just go"

Napairap nalang sya at tumayo sa pwesto nya para lumipat sa tabi ni Soonyoung.

"B-bakit ba kasi?"

"Wala lang. Para mas madali kitang lagyan ng pagkain haha. Osige na kain ka pa"

Dahil wala na 'kong masabi about sa pagkain nila. Skip ko na lol. Nang matapos silang kumain, umupo muna sila saglit para magpahinga. Yung ilan rin kasi sakanila ay nagcr pa.

"Shet ang sarap"

"Balik ulit tayo dito"

"Huhu takte. Ang taba ko na lalo"

"Ang lakas-lakas mo kumain tapos magrereklamo ka"

"Abnormal ka talagang balyena ka"

"Bakit nyo ba 'ko pinagtutulungan ha?!"

"Wag nang magtanong Seungkwan. Sapak agad! Kita na nga, sinasabi pa"

"Isa ka pa eh!"

"Guys tara na"

Nang makalabas na sila ng restaurant, isa-isa nang nagpaalam ang lahat. Magkakaiba kasi ang way na uuwian nila.

"Saan ka Ji?"

"A-ah dito na 'ko"

"Hatid na kita"

"H-hindi na"

"Bye hyung! Una na kami. Nagpapahatid sakin si Jihoon"

"Ganon? Sige bye! Ingat kayo"

"Bye Soonyoung hyung! Bye Jihoon hyung!"

"Bye!"

Nang makaalis na ang iba nilang kaibigan, pumanta naman sila Jihoon kung saan nakapark yung auto ni Soonyoung.

"Hindi naman ako nagpapahatid ah"

"Ee bakit? Gusto ko lang haha"

"Alam mo ba bahay namin?"

"Oo"

"Pa'no mo nalaman?"

"Sinabi ni Seungcheol hyung sakin"

"A-ah.."

"Sakay na"

Naging tahimik lang ang byahe nila papunta sa bahay nila Jihoon. Tahimik lang na nagddrive si Soonyoung, habang si Jihoon ay nakaidlip. Hindi rin naman kalayuan yung bahay nila Jihoon kaya naman nakarating rin agad sila.

"Pa'no ba kita gigisingin. Tsk"

"Bakit kasi mala-anghel ka kung matulog?"

Tumayo si Soonyoung mula sa pwesto at lumabas para umikot sa passenger's seat kung saan naroon si Jihoon.

"Parang isang kasalanan ang gisingin ka Haha" Yumuko sya para halikan yung noo ni Jihoon.

"Bakit mo ginagawa sakin 'to Jihoon Lee"

Ang hindi nya inaasahan at ang biglang pagdilat ni Jihoon. Nanlaki ang mga mata nito at pakurap-kurap pa dahil napakalapit ng mukha nila ni Soonyoung. Lalo tuloy syang naging cute sa paningin ng nakatatanda. Nginitian sya ni Soonyoung.

"Nandito ma tayo. Bubuhatin sana kita kaso nagising ka na. Tara na?" Tumango naman si Jihoon habang nanlalaki parin ang mga mata.

o__o

Nang makarating sila sa gate ng bahay nila Ji, nagpaalam si Soonyoung sabay halik sa ulo ni Jihoon. "Salamat"

"S-salamat rin.."

"Una na 'ko"

"S-sige. I-ingat ka.."

Hinintay nya munang makayo ang kotse ni Soonyoung bago sya pumasok sa gate nila.

"BUTTERFLIES?! ANO YON?! FEELING KO BUONG ZOO YUNG NARARAMDAMAN KO!"

"WAAA!! TANGINA TALAGA PAKYU ALL!!"

"KINGINA PA'NO AKO MAKAKATULOG NITO"

"XXOSNWISNWISHU"

"Jihoon anak, okay ka lang?"

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon