63

1K 59 101
                                    

"Oh Jihoon? Gising ka na pala"

"Arrrgg! Ang sakit ng ulo ko" Napapikit nalang si Jihoon dahil sa sakit ng ulo nya at isa pa, umiikot ang paningin nya.

"Oh.." Inabutan sya ng Eomma nya ng gamot at malamig na tubig para sa hang over nya. "Bakit ka uminom?" Tanong nito sakanya.

Dahil sa tanong na ito, bigla nanamang nag-init ang ulo nya dahil naalala nya si Soonyoung. Tinalkshit ako ni Soonyoung.

"W-wala po.."

"Hinatid ka dito ng classmate mo. Walanghiya ka Jihoon, sinukaan mo pa sya" Sabi ng Eomma nya. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at napabangon bigla. "Sinong classmate ma?!"

"Hindi sya nagpakilala. Pero itago nalang daw sya sa pangalang, Cute"

Napabuntong hininga naman sya at pilit na inaalala ang nangyari nung gabing yun. Pero kahit anong isip nya, wala parin talaga syang maalala.

"Eomma.. anong nangyari kagabi?"

Napahinto ang Eomma nya sa paglilinis ng kwarto nya at napatingin sakanya ng diretso. "Sigurado akong kapag sinabi ko sayo, mas gugustuhin mong kalimutan nalang kaya bumaba ka na don at kumain kana" Sabi nito. Panigurado na nakakahiya nanaman ang ginawa ni Jihoon.

"Ano nga palang itsura nung classmate ko Eomma?"

"Hindi ko rin masyadong namukhaan eh. Pero sigurado na mas matangkad sayo"

Napasimangot naman si Jihoon. Ee lahat naman ata ng classmate ko, mas matangkad sakin .____.

"Sige na. Baba ka nalang don" Sabi ng Eomma nya bago sya iwan. Napatingin sya sa orasan nya at nanlaking muli ang mga mata nya. "LATE NA 'KO?!?!?!"

Agad syang tumayo pero dahil nga nahihilo sya, natumba sya bigla. Hindi nya naman na inintindi ang sakit nun at dali-dali syang kumilos para makapunta sa banyo. Late na daw kasi sya sa school mga tols.

Matapos nito, hindi na rin sya nag-agahan at dire-diretsong pumunta sa kusina para halikan ang kanyang Eomma at magpaalam na aalis na.

"Jihoon—"

"Bye na! Alis na po 'ko!"

"Teka—"

Hindi nya na ito inintindi atsaka tumakbo sya papalabas ng bahay nila. Mahigpit kasi ang Pledis U pagdating sa policy ng campus. Hindi lang detention ang aabutin mo kapag na-late ka kaya naman tinakbo na ni Jihoon ang way papunta sa campus. Hindi pa maayos ang necktie nya at hawak hawak nya pa yung suklay nila dahil magulo parin ang buhok nya. Ang uniform nya ay hindi rin maayos ang pagkakabutones. Isang word lang ang magddescribe sakanya, hot. Hahaha!

Sa kalagitnaan ng pagtakbo nya, hindi nya napansin yung buntot ng aso na nasa daan kaya naman naapakan nya ito at syempre hinabol sya nung aso. "Waaaa!!"

Sobrang yummy ko ba talaga at pati aso gusto akong kagatin?

Nang nakalayo na sya, muli syang tumingin sa relo nya at nakitang may 5 minutes pa. Sakto namang nasa gate na rin sya. Hindi ganon kalayo ang campus sakanila, pero hindi rin ganon kalapit. Inayos nya muna ang sarili nya habang nasa gate. Pawis na pawis na rin kasi sya dahil sa layo ng itinakbo nya.

Nung magttap na sya ng I.D, hinarang sya ng guard. "Kuya magbbell na!"

"Sir—"

"Kuya naman! Hindi pa 'ko late oh? May 2 minutes pa!"

"Pero kasi—"

"Kuya ano ba?! Estudyante ako dito oh?! Okay sige. Hindi masyadong halata ko pero college student ako dito. Tignan mo oh.." Itinaas nya ang I.D nya para ipakita sa guard. "..kaya may karapatan akong pumasok dito. Kapag na-late ako, ikaw ba ang madedetention? Hindi naman diba? Alam nyo naman siguro kung ga'no sila kahigpit pagdating sa pagiging late"

"Kaya kuya please lang! Kailangan kong umabot—"

"Sabado ngayon Sir"

Nang sabihin ito ni kuyang guard, parang tumigil ang mundo nya. Kung dala nya lang ang gitara nya, malamang nahampas nya na ang sarili nya. Unti-unti syang nilamon ng kahihiyan habang tulala paring nakatayo sa kinatatayuan nya.

"S-sabado?"

"Oo. Sabado"

"A-ah.. hehe"

Ngumiti sakanya yung guard. At pagkatalikod nya, tumakbo sya ng sobrang bilis dahil na rin sa kahihiyan. Hindi lingid sa kaalaman nya na may isang tao di kalayuan ang kanina pang sumusunod sakanya.

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon