35

1.4K 73 296
                                    

"Alam ko na kung saan tayo magtatago" Sabi ni Soonyoung kay Jihoon. So obviously naglalaro sila ng tagu-taguan na ni-request ni Mingyu, at dahil sya ang nakaisip, sya ang taya. Kingina diba. May pinapagawang project tapos naglalaro lang sila.

"Saan?"

"Dun sa loob ng closet" Sabi ni Soonyoung. Kasalukuyan kasing nakapasan sakanya si Jihoon nang dahil sa dare na nangyari kani-kanina lang.

"K-kasya ba tayo dyan?"

"Oo. Maliit ka lang nama—" Hindi nya na natapos ang sasabihin nya nang batukan sya ni Jihoon. Pag ininsulto ang height, walang crush crush lol. Anyway, speaking of Jihoon, pulang pula sya kanina pa. Nakapasan nga kasi sya kay Soonyoung. Nakahawak si Soon sa hita nya habang sya ay nakayakap sa binata. Nung una ayaw pa nyang gawin yung dare pero nung narinig nya na pumayag si Soonyoung sa dare, wala na rin syang nagawa. Magpapabebe ka pa ba? Crush mo na eh. Sunggaban mo na agad Hahaha.

"Ikaw na magbukas, Jihoon"

Malaki yung closet sa loob ng practice room. Dun kasi nakalagay lahat ng damit ng mga dancer ng campus nila. And yes, malaki rin yung practice room nila at nasa pinaka sulok yung closet bandang recording room na. Medyo madilim rin sa lugar.

"S-Seungcheol, bababa nalang ako para makapagtago tayo ng maa—"

"Naka-dare tayo diba?"

"Hindi naman nila malalaman eh?"

"Tsk. Wag ka nang madaldal. Baka marinig tayo ni Gyu, tapos hindi natin alam na nasa harap na pala natin sya. Madilim kasi kaya dapat doble ingat" Natawa naman si Jihoon sa sinabi ni Soonyoung.

Hinawi ni Soonyoung yung mga damit. Buti nalang at konti lang ang mga damit na nandun. Unang ipinasok ni Soonyoung kay Jihoon, este si Jihoon sa closet at nung nakita nyang nakaupo na si Jihoon, sumunod narin sya.

Yung pwesto nila sa loob, nakasandal si Jihoon sa gilid ng closet tapos si Soonyoung ay nakaupo sa gitna ng mga binti nya (binti ni Jihoon) pero nakatalikod ito mula sa harapan nya. Malaki yung space kaya naman kasyang-kasya silang dalawa.

"GAME NA?!" Rinig nilang tanong ni Mingyu. Ang rule lang naman e bawal lumabas sa practice room dahil medyo marami naman silang matataguan sa loob.

"GAME NA!" Sagot ni Seokmin.

"Pustahan si Seokmin unang makikita haha" Bulong ni Soonyoung. Pa'no kasi ang tanga :( Jusq bes matutunton ka agad nyan.

-

"Soonyoung hyung ikaw na!" Sabi ni Seokmin. Last na kasi si Soonyoung na gagawa ng pick-up line. "Ano? Nasa state of shock ka parin?"

"Hindi gago"

"Namumula ka parin hyung" Sabi naman ni Lee Chan. Napangisi naman yung iba sakanila. Matapos kasing sabihin ni Jihoon sakanya yung alam nyo na, hindi na sya makapag focus.

"Jusq. Kinilig ka ba masyado?"

"Hindi! W-wala talaga akong maisip eh"

"5..4..3..2..1.."

"Dare na yan!"

"Anong dare?!"

"Diba pag wala kang nasabi, may dare na kapalit?"

"Tsk"

"Guys ano pwedeng i-dare? Magsuggest kayo"

"LIBRE MO KAMING LAHAT!!" Sabay na sabi nina Seungkwan at Mingyu. "Sinasabi mo bang ibenta ko ang kotse ko ha? Ang tatakaw nyo kaya!" Dipensa ni Soonyoung. Alam nya kasing mapapagastos sya ng sobra pag pumayag sya.

"Kiss mo 'ko" Sabi ni Seokmin habang nakanguso pa.

"Kadiri"

"Wow ah?!"

Nang magtama naman ang mata ni Soonyoung at Wonwoo, kitang-kita kung paanong napangisi si Wonwoo sakanya.

"Ee kung .. ? Ipasan mo si Jihoon for the whole day?"

"ANO?!" Sabi ni Jihoon. Nagulat sya lol. Naging hugis puso naman ang mga mata nina Chan at Vernon, ship kasi nila yung dalawa.

"Sige na Hoonie hyung" Pabulong na sabi ni Chan. Nakangiti naman si Vernon sakanya.

"A-ayoko.."

"Sige na Jihoon!"

"Ayok—"

"Okay lang ba sayo Jihoon?" Tanong ni Soonyoung. Nung si Soon na ang nagsalita at nagtanong napa-oo nalang sya bigla.

-

"Ang tagal naman nya" Sabi ni Soonyoung habang nasa loob. Nangangalay narin kasi sya sa posisyon nila. "Jihoon?"

"Hmm?"

"Pasandal ako"

"H-ha?"

"Pasandal ako"

Hindi na nya hinintay na sumagot si Jihoon at agad nyang isinandal ang likod nya which is sa harap ng katawan ni Jihoon. Huminga sya ng malalim bago nya kinuha yung dalawang kamay ni Jihoon na nakapatong lang sa tuhod nito at iniyakap nya sa sarili nya. In short, nakabackhug sila habang nakaupo sa loob.

Ramdam na ramdam ni Soonyoung ang bilis ng tibok ng puso ni Jihoon mula sa likod nya kaya naman napangiti sya. Patay na patay siguro saken.

"S-Seungcheol.."

"Hmm?"

"T-tingin mo ba may gusto saken si Soonyoung?" Naubo naman si Soonyoung sa tanong ni Jihoon sakanya. "B-Bakit mo naman nasabi yan?"

"K-kasi ang bait nya sakin tapos .. k-kanina diba .. s-sabi ni Jun ang pula daw ni Soonyoung n-nung nagpick-up line ako s-sayo. B-baka kasi n-nagseselos sya?"

"Haha. Wag mo nang isipin yun. Kinikilig lang rin sya. Si Han hyung ang gusto nya okay"

Nabalot silang muli ng katahimikan at konting tawanan kapag naririnig nila yung sigawan ng mga kaibigan nila kapag nahuli na sila ni Mingyu. Ilang sandali pa bago muling magsalita si Soonyoung.

"Jihoon?"

"H-ha?"

"Okay ka lang?"

"O-oo!!"

"Shhh.. wag kang maingay. Baka nahihirapan ka na?"

"O-okay lang ako.. hindi ka naman m-mabigat"

Iniangat ni Soonyoung bigla ang ulo nya mula sa balikat ni Jihoon para tignan ang mukha nang nakababata. Hindi naman makatingin ng diretso si Jihoon sakanya. Ramdam na ramdam nya rin ang paglunok nito. "Jihoon?"

"B-bakit?"

"Tumingin ka sakin" Sabi ni Soonyoung nakatingin parin sa nakababata. Madilim sa loob pero nagkakakitaan parin naman sila. "B-bakit b-ba?" Tanong ni Jihoon. Unti-unti naman syang nagbaba ng tingin pero hindi nya ginagalaw ang mukha nya. Sobrang lapit na kasi nila.

Pilit nyang hinawakan ang baba ni Jihoon para humarap 'to sakanya. Hindi na nagsalita si Soonyoung. Tinititigan nya lang si Jihoon. Alam nyang hindi komportable ang isa sa ginagawa nya pero maging sya, hindi na aware sa ginagawa nya at wala na rin syang pakialam. Parang may spell sa mga mata ni Jihoon, para kay Soonyoung, napaka ganda nito, nang-aakit, at parang maraming gustong sabihin.

Napangiti sya bigla nang biglang ipikit ni Jihoon ang mga mata nya. Yung ngiting totoo. Yung ngiti na hindi mo namamalayan na lumalabas na. Sobrang sincere dahil maski sya hindi nya namalayan. Napakaganda. At unti-unti, inilapit nya ang mukha ni Jihoon sakanya ..

"HULI KAYO!!"

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon