11

1.3K 79 63
                                    

"Bakit ba suot suot nya yun. Tsk!!" Inis na sabi ni Jihoon sa sarili habang naglalakad sa hallway. Badtrip sya mga bes. Syempre yung pinag-ipunan nyang bracelet, napunta sa wala. Jusko. Ang tanga kasi. Magkklase na nga sila, na wrong name pa. So basically, kasalanan sya din naman.

"Bwisit talaga yung Gilagid na Soonyoung na yun!" Dagdag nya habang parang bata na nagdadabog habang naglalakad.

'Ee kung tanggalin ko kaya mata nya tapos idonate ko kay Seungcheol. Tsk. Baka pasalamatan pa 'ko nun tapos magging close kami.' Sabi nalang nya sa isip nya. Napagtitinginan na kasi sya. Ikaw ba naman magsalita mag-isa. Uwian na din kasi nila. Wala syang kasabay kasi magkakaiba ang sched nila ng mga kaibigan nya.

Nang makalabas sya ng building, nakita nya .. "Si Seungcheol yun ah?" nakita nya sa garden si Soonyoung at Seokmin na naghahabulan. Syempre napahinto sya at pinanuod lang yung dalawa.

Wag kayong mag-imagine, jusme. Nakita kasi ni Soonyoung sa cp ni Seokmin na wallpaper nito si Jisoo. Bilang mapang-asar, syempre ininis nya si Seokmin. One-sided love kasi mga bes. Matagal na silang nasa iisang club, so alam naman nila yung issue na may gusto si Jisoo kay Jeonghan. Isa si Seokmin sa mga nagppush sa dalawa, pero nasasaktan pala deep inside. Matagal na silang lahat magkakakilala, di lang talaga close. Syempre bukod kay Jihoon, exchanged student kasi sya, pero marami rami rin syang ka-close sa Pledis U. dahil dun sya nag-aral ng Secondary.

Hindi nalang ito pinansin ni Jihoon. Syempre nagseselos sya. Magbestfriend yung dalawa, aware naman sya don. Pero wala kasing pinipiling tao ang selos eh. Kaso ano bang magagawa nya? Isa lang syang patatas.

Nakayuko lang syang naglalakad habang sinisipa ang isang maliit na bato.

"JIHOON!" Napalingon sya sa pinanggalingan ng boses habang naglalakad padin kaya—

*MXBAIXBSISB*

"Tangina ka Wonwoo!!"

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon