58

1K 62 45
                                    

"Jihoon hyung?"

"Hmm?"

"Kilala mo yung kasama ni Soonyoung hyung? Lagi nya nang kasama yan ah?" Nagtatakang tanong ni Seungkwan kay Jihoon.

Lately kasi, lagi na may kasama sila Soonyoung at hindi narin masyadong nag hhang-out ang circle of friends nilang dalawa

"Hmm.. si Dong Bin?"

"Kilala mo?"

"Sa pangalan lang"

"Hindi ka ba nagseselos hyung?" Tanong ni Hansol. "Bakit naman magseselos si Hyung?" Nakasimangot na pagsingit si Mingyu. Alam nyo naman na siguro kung bakit? Shipper sya ng Jicheol eh.

"May gusto kaya si Jihoon hyung kay Soonyoung hyung!"

"Tumigil ka na nga Hansol" Sabi ni Chan. Bumaliktad na sya 😂😂 Ansakit daw kasing umasa.

"Wala akong gusto kay Soonyoung at hindi ako nagseselos" Sabi ni Jihoon.

Sinong niloko mo?

"Tsaka anong karapatan ko para magselos diba?" Dagdag nya. "Ee bakit hindi mo na kinakausap si Soonyoung hyung?"

"A-Ayoko lang"

"Tsk. Nagsesel—"

"Hindi nga!"

"Luh?"

Sandaling nagkaroon ng katahimikan nang makahanap na sila ng puno na tatambayan nila sa garden ng campus.

"Grabe talaga.. ang galing sumayaw ni hyung oh?"

"Pati si Hongbin."

"Sino yun?" Tanong nila kay Mingyu. "Ayun oh? Yung kasama nya!"

"Tanga si Dongbin yon. Wag kang mandamay ng taga VIXX dito"

"Pero parang mas magaling parin akong sumayaw kesa sakanya. Mas hot kasi ako eh" Sabi ni Mingyu sabay sayaw ng Hightlight sa harap nila. "Hot? Kaya pala nasunog" Sagot ni Seungkwan.

"Sa sobrang hot ko, nasunog ako"

"Tanga inborn yan"

"Yung pagiging hot ko? I know right! Hahaha! Nung nagswimming nga kami, pagkalangoy ko, biglang naging hot spring yung pool eh" Mayabang na sabi ni Mingyu.

"Tsk. Akala ko nangitim yung tubig. Naging kanal bigla" Sabi naman ni Hansol.

So lima silang magkakasama at sabay sabay na kumakain ng lunch sa garden. Wala namang imik si Jihoon dahil busy sya kanonood kila Soonyoung mula sa malayo. Hindi lang naman yung dahil sa issue ng engagement yung kinakasama nya ng loob eh, yun yung napapadalas na pagsasama nila ni Dongbin. Hindi nya man maamin, alam nya parin sa sarili nya na nagseselos sya. Pero syempre, alam nya rin na wala syang karapatang makaramdam nun.

"Easyhan mo hyung. Baka mapatay mo sa sobrang talim ng titig mo" Nakangising sabi ni Hansol. "Ee kung ikaw kaya patayin ko?"

"Tsk tsk tsk tsk"

"Bahala nga kayo" Sabi ni Jihoon sabay alis sa lugar. Naguguluhan namang nagkatinginan ang mga kaibigan nya atsaka nagkibit balikat.

"Ayaw pa kasing aminin na nagseselos sya"

"Mahirap kasing lunukin ang pride"

"Oo nga. Lalo na kapag bareta"

"Tangina mo Seungkwan"

"Pa'no mo nalaman Seungkwan hyung? Wag mo sabihing sinubukan mo na ring kainin yung sabon?"

"Hoy hindi ah!"

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon