67

1.1K 59 54
                                    

Lumipas pa ang ilang araw na hindi nagkakausap o nagkakachat si Soonyoung at Jihoon. Alam ito ng mga kaibigan nila pero walang sumusubok na magtanong. Even si Soonyoung, hindi alam ang eksaktong kinagagalit ni Jihoon sakanya. Or kung galit ba talaga sya.

Everytime na inaapproach nya si Jihoon, lagi nalang 'tong may excuse. Either may gagawin o may pupuntahan kuno.

Magkatabi sila sa classroom, yes, pero hindi naman sila nagkikibuan. Naging usap-usapan na rin sa buong campus ang issue tungkol sa fiancé ni Soonyoung at wala paring nakakaalam kung sino ito. Ang mahalaga lang, nahanap na nya.

At kung sasabihin ni Soonyoung na hindi sya masaya, isa 'yong kasinungalingan.

"Jihoon!"

Tuloy parin sya sa paglalakad, animo'y walang naririnig na tumatawag sakanya. Kagaya lang ng lagi nyang ginagawa. "Ji—"

"Ano?!" Inis na tanong nito.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Marami akong ginagawa kaya wag muna ngayon" Tatalikod na sana sya kagaya ng lagi nyang ginagawa nang magsalitang muli si Soonyoung. "Hanggang kelan mo 'ko iiwasan? Ha? Ang unfair mo. Bigla bigla ka nalang umiiwas sa hindi malaman na dahilan. Ano bang problema? May nagawa ba 'ko?"

"Kung yung tungkol yan sa hindi ko pagsipot sayo nung nakikipag kita ako, sorry. Pero Jihoon, maliit na bagay lang naman yon ah? Isa pa, kung hindi ko nagawa yun, hindi ko makikilala ang papakasalan ko someday. Hindi ka ba masaya para sakin?" Tanong nito. Bakas ang lungkot sa tono ng pananalita nya.

Masaya? What the hell.

"Gusto mo 'ko diba? I expect na ang kasiyahan ko ay kasiyahan mo rin. I expect na masaya ka kung saan ako sasaya, then why are you acting like this? Parang hindi mo naman ako minahal nyan."

Minahal? Big word. Yet, true.

'Masaya na din ako kung saan sya sasaya' What a fucking lie. Urur nyo gasgas na yan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang kasiyahan lang ng mahal mo ang mahalaga. Think of yourself too, hindi masamang iwan ang mga bagay o kung tao pa yan na alam mong walang maidudulot sayo kundi kalungkutan na lang. Not all the time kasiyahan nya lang ang iisipin mo. Hindi yan batayan ng pagmamahal. Na kuno purkit nag stay ka e ikaw na yung tunay at matatag, at yung mga mas piniling umalis, sila yung mabababaw. Pakyu hindi ganun yon. Every broken heart is different nga kasi. Never mong malalaman kung ga'no kasakit ang maidudulot ng isang pangyayari sa isang tao kahit pa nangyari na yun sayo. At wala kang karapatan na husgahan sya sa magiging desiyon nya. Hindi kasi lahat ng kaya mo ay kakayanin rin nya. Malay mo may mabibigat na pinagdadaanan na yan sa buhay nya at hindi nya na kayang dagdagan pa. Just being practical dear :) Ang layo ng statement ko sa narration ng story diba? Sowwy na /pouts

"H-hindi naman yun eh.."

"Edi ano?"

"Bakit mo ba ginagawa sakin 'to?!" Inis na tanong ni Jihoon. "Ginagawa yung ano?"

"Tangina naman eh. Minsan, feeling ko gusto mo 'ko. Then suddenly, mag-iiba nanaman ang ihip ng hangin. Yun totoo? Trip mo 'ko?"

"What? No!"

"Pero ayun yung nararamdaman ko! Ayun yung nakikita ko! Hindi ako laruan Soonyoung. Hindi ako kalandian na iaapproach mo lang kasi bored ka! Wag mo namang i-take advantage ang nararamdaman ko para sayo"

"Take advantage? You think tinetake advantage lang kita?"

"Hell yes! Akala ko gusto mo 'ko. Akala ko importante rin ako sayo. Tapos bigla, malalaman nalang namin na may papakasalan ka na pala?! Hindi naman ako aasa kung hindi mo pinaparamdam sakin yung ganon eh. Kaya pwede ba? Tumigil ka na. Lumayo ka na. Don't expect na magiging masaya ako para sayo. And don't worry also, hahayaan lang din naman kita"

"Jihoon let me explain. Hindi mo naiintindihan—" Hindi nya na rin tinuloy ang sasabihin nya dahil tumakbo na si Jihoon papalayo. Napabuntong hininga na lamang sya dahil hindi nya nanaman nasabi ang dapat na sasabihin nya.

ACCIDENTALLY YOURS √ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon